"Wait, pupunta ka bang MIBF?"

"Hindi eh, may pinag-iipunan ako. Pero baka nanjan ako before MIBF."

"Wow! Kita tayo?"

"Hahahahaha! Pupunta ako kay Tatay."

"Mas lalo palang dapat na magkita tayo. I want to meet him."

"Mabait si Tatay. Matutuwa yun kapag nakita ka, pero I doubt kasi baka pagpiyestahan ka ng media."

"Ako ng bahala dun."

***************************

"Ano itong kumakalat na balitang may non-showdiz kang girlfriend ka, Keion?"

"That's not true, Miss D."

"Sinasabi ko sa iyo, Keion, hindi makakabuti sa career mo. Hindi mo ba napapansin? Nawawalan ka na ng appeal sa tao ngayon? Sumusobra na ang pagiging mailap mo kahit pa sa media."

"Wala akong magagawa if ayaw na nila akong suportahan."

"Punyeta, Keion! Hindi ganun kadali yun! Ang laki na ng investment ko sa iyo."

"I'm doing my job well, Miss D. Kung sakali man na may magugustuhan akong babae, I'll make sure na hindi maaapektuhan ang trabaho ko."

"Just make sure of that, Keion."

***************

"Boss, hayup naman kasing spy yan, mabuti na lang at mas magaling ako kesa sa kanila."

"Just make sure that she will not be affected, Alken."

"Areglado, Boss. Online nga pala siya, Bossing. Nag-oorganize kami ng mga gagawin sa MIBF, baka sakaling pupunta ako, Boss. Gusto kong makita si Kathryn OP my loves ko at ang iba ko pang online barkada."

"Okay. Hindi ba talaga siya pupunta?"

"Mapapaaga, hindi ba? Convince her to meet you."

"I will."

"Kailangan mo ng tulong ko?"

"Hindi na?"

"Sure ka?"

Sinamaan niya ito ng tingin.

"Bossing, ire-remind lang kita, 25 bukas. Pupunta ba tayo sa kanya, bukas? Hindi tayo nakadalaw noong nakaraang buwan."

"Oo. Hindi pwedeng hindi tayo pumunta. Dating gawi."

"Areglado, Boss."

*************************

"Hi. Pasensiya na at hindi kita nadalaw. Sobrang busy, alam ko naman na maiintindihan mo ako." Sabi niya habang inilagay ang bulaklak at nagsindi ng kandila. Mula sa malayo ay tanaw niya si Alken.

"May sasabihin sana ako, may nakilala akong babaeng kasing kulit mo." Napangiti siya habang inaalala ang mukha ni Catarina noong bumisita sila sa lugar nito.

"Gusto ko siyang ipakilala sa iyo kapag pumunta siya ng Maynila. Gusto kong makita mo yung bagay na nagustuhan ko sa kanya. I'm sure magugustuhan mo rin siya. Salamat sa lahat. Pero ipinapangako ko pa rin na kahit anong mangyari, ibibigay ko yung hustisya na para sa iyo. Malapit na. Pagkatapos nun matatahimik na ako, matatahimik ka na."

Ilang minuto pa siyang nagtagal bago umalis. Pagkatapos ay idinial ang numero ni Catarina Naveen na tulad ng inaasahan hindi nito sinagot.

*************

Keion: Hi

Catarina Naveen: Sorry sobrang busy kanina.

Keion: Okay lang. Kumain ka na?

Catarina Naveen: Oo naman. Madaling araw na kaya.

Keion: Kailan ang punta mo rito?

Catarina Naveen: Sa susunod na linggo.

Keion: Good. Magkita tayo?

Catarina Naveen: Siguro?

Keion: Sigurado. Kailan naman

Catarina Naveen: Ang?

Keion: Kailan mo ako sasagutin?

Catarina Naveen: Gusto ko munang makilala mo si Tatay. After that, pag-isipan mo kung pwede tayo.

Keion: I'm sure pwede tayo. Kailan ko ba makikilala si Tatay para pormal kitang ipagpapaalam sa kanya.

Catarina Naveen: Sige, itetext ko yung lugar kung saan. Sana makagawa ka ng paraan para hindi ka makilala ng iba.

Keion: Magaling kami ni Alken jan.

*****************
"Nagreply na ba?" Ilang ulit na niyang naitanong iyon kay Alken.

"Wala pa, Bossing. Sandali at matawagan ko ulit." Pero ayaw sagutin ni Catarina ang telephone nito.

"Nagreply na?"

"Boss naman, kaka dial ko lang. Ay heto ang text."

"Teka, boss, parang pamilyar ang nai-text na lugar. Parang dito ako dapat kung hindi mo ako PA."
**

"Bakit sa Bilibid?"

"Hindi ko alam, Bossing eh."

"Baka nakulong yung Tatay."

"Sige, antayin natin. Ang sabi nasa loob na raw siya."

ISang nakangiting Catarina Naveen ang nakita nila. Halata ring kinakabahan. Napansin ni Keion na parang mas pumayat ito kesa nung una niyang nakita.

"Sorry, gusto ko lang makilala mo si Tatay bago mo ipagpatuloy yung kalokohan mo sa akin." Kinakabahan itong ngumiti.

"Okay." Naupo silang tatlo bago pa niya nakitang tumayo si Catarina para salubingin ang isang bilanggo.

"Tay! Na miss ko po kayo. May mga kaibigan po ako, Tay. Gusto ka nilang makilala."

Parehong nagulat ang dalawa. Subalit saglit lamang ang binata.

"Ikaw?" Galit na wika ni Keion.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Catarina. "Kilala mo si Tatay?"

"Kahit kailan hindi ko makakalimutan ang taong pumatay sa babaeng mahal ko! Ginamit mo ba ang anak mo para makaligtas ka sa kaso?"

"Hi-hindi, Sir."

Agad na tumayo si Keion at lumabas, kasunod si Alken. Naiwang nalilito si Catarina Naveen.

Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon