Chapter 5-SUCCESS

Start from the beginning
                                    

"Ano bang ginagawa mo?" Tiningnan ko sya ng mata sa mata. "Sumunod ka na lang sa 'kin,either you like it or not" Kasabay nun ang pamatay nyang titig psh. "At sino ka naman aber para sundin ko?" Sagot ko sa kanya. "Dapat nga magdiwang ka dahil ang mga babae ang lumalapit sa 'kin.Damn you ! " Jusko po.Mas gugustuhin ko pang makipag-usap sa baliw kesa sa taong 'to, daig pa ang Yolanda sa sobrang hangin eh. "P-pero.." Hindi na nya pinatapos ang sasabihin ko. "I insist!" Na shock na lang ako ng kasabay nun ang pagbitbit nya sa mga bagahe ko. "Pag ako pinatay ng mga fangirls mo.Wag na wag..." As usual hindi na naman nya ako pinatapos
"Shut up!" Habang papunta sya sa kotse nya

Eto kawawang Sheen walang magawa.Kundi sumunod nalang, alangan namang umuwi akong walang dalang mga gamit.I hate this day.

"Ano pa bang ginagawa mo dyan?"Sigaw nya sa loob ng kotse nya.Nakatayo pa ako ngayon sa harap ng pintuan ng kotse nya.Ayoko ko kayang sumama sa kanya edi mag insist sya kung gusto nya bahala sya. "Hindi ako papasok kung di mo ako binibigyan ng tamang rason kung bakit mo 'ko sinundo dito.Aba! Malay ko ba sayo,what if rapist ka? Or baka sangkot ka sa extrajuducial killing" I just rolled my eyes.Kita kung naiinis na sya.Ayos talaga pag naiinis ang 'bad boy' ^_^ .Bagay lang 'yan sayo.

"Sa kagwapuhan kong 'to?Mag pa check up ka nga ng mata malabo nang paningin mo!" 'ta mo?Edi sya na. "Psh! Feeling.." Sambit ko naman sa kanya.
"Okay fine! Pumasok ka dito i'll explain everything"  Seryoso na ang mukha nya kaya pumasok nalang ako sa loob.

"Oh? Ano na?" Pamabasag ko ng katahimikan sabi nya he will explain everything.Anyare?Kanina pang walang nagsasalita sa 'min.

Tiningnan nya lang ako.Pa inosente pa insosente pa psh.
"Oh? Bakit di ka nagsasalita?" Akala ko hambog lang tong taong 'to pipi rin pala. "Pwede ba manahimik ka?Halikan kita dyan eh" Ano daw? Subukan mo lang mokong ka sa sementeryo ang abot mo.

"Subukan mo.Tatawag ako ng Police!" Inirapan ko lang sya at bumaling ng tingin.

Huminto na ang sasakyan.Luh? Ba't kami huminto dito sa bahay.?So? May big possibility na inutusan sya either ni mom or ni Sam. "So ngayon alam mo na?" Seryoso syang tumingin sa 'kin.Sarap sapakin ng taong 'to eh.

"Alam mo,kung ibang tao yun.I'm sure tinawagan ka na ng police"Sambit ko at sabay turo sa kanya.Akala mo kung ano na,sa bahay lang pala ang punta tsk. "Dapat nga magpasalamat ka pa sa 'kin eh" Pagmamayabang nya "aba kung alam ko lang na ang isang mahanging katulad mo ang hahatid sa ki..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Sam. 

"Sh-Sheen? Ikaw na ba yan?" Wow ha,para syang nakakita mg multo.Infairness na miss ko rin tong bruhang 'to.  "Hindi! Hindi ako si Sheen!" Halos mapaatras na lang ako sa kinatatayuan ko ng bigla na lang na lang nya akong niyakap.  "Ang laki ng pinagbago mong babae ka,kahit saglit ka lang dun.Alam mo naiinggit na talaga ako sa 'yo eh" Sambit nya at pumakawala sya sa pagkakayakap sa 'kin.  "Ang weird naman ng taste mo,kung kinaiinggitan mo 'ko.Wait may kasalanan pa kayo sa 'kin.Hindi nyo lang man ako tinawagan ni mommy.Akala ko tuloy hindi nyo alam na uuwi ako ngayon tas " Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Jaye.

"Ehem!!" Singit nya.
Panira naman ng moment eh. "Ay, Jaye nandyan ka pala sorry ha" Sagot naman ni Samantha sa kanya. "It's okay i have to go" Bago pa sya makaalis pinigilan sya ni Sam. "Mom is expecting you na kasama ka sa lunch natin ngayon" Seryoso lang syang tumingin sa 'min.Anong natin?I don't understand."Okay,i'll go inside" Cold nyang pagkasabi.Nagkatinginan lang kami ni Sam.
"We have our reason Sheen" Yung ngiti nyang hindi ko maintindihan.

Pumasok na rin kami sa loob.

I was shocked ng makita ko si Mr/Mrs.McAldrich our investor syangapala magkaibigan ang family namin sa family nila and at si Mr.Del Castro Kaya pala.Wait bakit wala si Zhian?Ewan ko ba kung bakit para akong nainis.Then si Catherine ang bestfriend ko sa pagkakaalam ko nasa America sya this summer mukhang nag bakasyon sya dun kaya hindi na ako nakapagpaalam nung pumunta ako sa Korea buti na lang at umuwi na rin sya.Agad na bumungad sa 'kin si Mom.  "Sheen! My dear!" Niyakap agad ako ni mommy akala mo naman ilang dekada akong nawala.Pero kahit papaano nakakamimiss rin sila. "I miss you Sheen " Ngumiti sya ng malapad yung nakikita mo talagang mahal na mahal ka ng ina mo. " I miss you too mom " Yumakap ulit ako sa kanya.
"Ba't parang ang laki ng pinagbago mo anak " Tanong sa 'kin ni mommy.Nung nagkatinginan kami ni Catherine
"Waaaahhhhh!!!!!friendshiiiiiip!!!!" Sabay naming sabi yung para may riot na nangyari talon dito talon doon .Beso dito,beso doon.Etong babae talaga ang sobra kong na miss.Kapatid sya ni Zhian.Sobrang bait kaya ng babaeng to.Nagiging masungit lang talaga sya kapag inuunahan.

I'm Secretly In Love With YouWhere stories live. Discover now