Chapter 7: Half brother

2.8M 58.5K 10.5K
                                    

TROY

"Ano ba 'tong report mo sa 'kin, Troy? Do you think it's enough?" Pumikit ako, ayokong magalit. "This is stupid!"

"Mike, don't be so hard on our son. He's doing everything that he can to manage our business."

"Everything?! Bakit ito lang 'yong kinita ng mga bars natin these past two weeks?!" Biglang nag-init 'yong buong katawan ko. Ayan lang?! I worked so hard for that! I even sacrificed the time that I should've spent with Tiffany. "Mabuti pa 'yong kuya niya."

"'Wag mong ikumpara 'yang bastardo mo sa anak natin! Wala ka nang ibang nakikita kung hindi si Travis!" Ito na naman kami. Sawang-sawa na ako. It's better if I just leave.

"Excuse me, I have to go." Bago pa ako makaalis, pinigilan ako ni Dad.

"Where do you think you're going, Troy?!" Hindi ko na kayang pigilan pa 'yong galit ko, galit ko sa kanya. "Nag-uusap pa tayo."

"Dad, sawang-sawa na akong kinukumpara niyo ako kay Travis. Alam ko nang siya 'yong magaling para sa inyo, hindi ako. Hindi mo na kailangan ipamukha sa 'kin 'yon." Tumayo siya. Parang gusto niya akong suntukin pero pinigilan lang siya ni Mom. "Sige, Dad, suntukin niyo ko."

"Go, Son, ako na ang kakausap sa Dad mo." Naglakad na ako palabas ng office ni Dad.

Pagkasarang-pagkasara ko pa lang ng pinto, narinig ko na agad 'yong boses ni Dad. "Useless kid."

Parang gusto kong sumabog sa galit. Hindi pa ba sapat sa kanya 'yong sakripisyong ginagawa ko para sa business namin? Halos lahat na ng oras ko nakatuon do'n. Ano pa bang gusto niya?! Kahit naman 'ata anong gawin ko, si Travis pa rin 'yong mas magaling para sa kanya. Lecheng buhay talaga.

Dumiretso ako sa kwarto ni Tammy. Baka mawala pa 'yong inis ko kapag nakausap ko siya.

"Tammy?" Binuksan ko 'yong pinto ng kwarto niya. "Hoy, Tamara!"

Aba! Bakit tumatawa 'yong babaeng 'to? Sinong kausap nito? "Nakakatawa naman 'yon, Kuya!" 'Wag mong sabihin na...

Si Travis?! Bakit siya nandito? Akala ko nasa US siya. Ano na naman bang binabalak niya at nandito siya?

"Ay, ayan na pala si Kuya Troy e!" Lumapit sa 'kin si Tammy pagkatapos ay hinila niya ako papasok sa kwarto niya. "Kuya, kakauwi lang ni Kuya Travis ngayon."

"What's up, bro?" What's up niya mukha niya. Akala ba niya magkabati kami? Asa pa! "I think you're not in a good mood, huh?"

"Shut up, Travis." Nakakainit ng ulo 'yong pagmumukha niya.

"Kailan mo ba ako tatawaging kuya? Remember I'm three years older than you. You should at least give me some respect." Sa tono pa lang ng boses niya, parang nang-aasar pa siya.

"Respect begets respect, and sorry, bro, you're not even qualified to be respected."

Tiningnan niya ako nang masama, tiningnan ko rin siya nang masama. Akala ba niya magpapatalo ako sa kanya? Magkamukha nga kami pero sa dating pa lang at appeal, lamang na lamang na ako. Kaya 'wag niya akong aangasan.

"Stop that," pumagitan sa 'min si Tammy. "'Wag nga kayong mag-away."

"Hindi ako ang nagsimula nito, li'l sis." Sus, sinong nagsabi sa kanya na pwede niyang tawagin si Tammy na little sis? Ako lang pwede tumawag sa kanya ng gano'n.

"Hayaan mo na, Kuya Travis, baka kasi napagalitan ni Dad. 'Wag mo na isipin 'yan, Kuya. Ganyan talaga si Kuya Troy." Tiningnan ko nang masama si Tammy.

Ah gano'n? Mas kampi ka pala sa Travis na 'yan. Bahala kayo! Magsama kayong dalawa. Leche naman.

Sinara ko nang malakas 'yong pinto. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, humiga na agad ako sa kama ko. Bwiset na araw 'to! Papangit ako nito e. Sayang kagwapuhan ko kapag nagkataon.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon