PNL-9

205 8 6
                                    

Pakisabi Na Lang-Chapter 9

“Bea, sabay tayo mamaya kumuha ng allowance ah,” sabi sa akin ni Lloyd habang inaayos ko ang gamit ko. Madalas na kaming nagkakasama sa mga lakad ni Lloyd, bukod kasi sa magkaklase na kami uli ngayong semester, medyo nagiging close na rin kami. Ang barkada ko’t  barkada niya ay madalas ng magkasama kaya ibig sabihin madalas ko na rin syang nakakasama.

“Sure, basta ba ililibre mo ko,” nagbibirong tugon ko naman sa kanya. Sabi sa inyo medyo close na kami eh. Nakakapagbiro na ako ng mga ganyan sa kanya.

Pero naaalala niyo pa ba nung nagtanong ako kung dumadamoves sya sa akin nakaraan? Ang totoo yan, hindi talaga. Sadyang maalaga, thoughtful at mabait lang pala talaga sya sa mga kaibigan niya. Naobserbahan ko kasi yun nung minsang umiiyak yung isa naming kaibigan na si Raine dahil brokenhearted sa kanyang boyfriend na kabarakada rin ni Lloyd. Inaalo niya lang si Raine habang umiiyak at binigyan ng payo. Nung una, gusto ko nga sana magselos nung nakita ko yung eksena na yun pero narealize ko wala pala akong karapatan. Bukod dun, napagtatanto ko rin na matagal ng magkaibigan si Raine at Lloyd dahil magkaklase sila nung high school kaya sigurado akong ginagampanan lang ni Lloyd ang role niya kay Raine bilang mabuting kaibigan.

 Napaisip tuloy ako, kung iiyak rin kaya ako sa kanya, ganyan din kaya ang gagawin nya sa’kin? Iniisip ko pa lang na aaluin niya ako habang umiiyak kinikilig na ako. Problema nga lang wala naman akong excuse para umiyak sa kanya dahil wala naman akong jowa. Ang pangit naman kung lalapit ako sa kanya at iiyak at sasabihing namatay ang aso ko, dahil wala naman akong alagang aso.  Hay. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ko.

“Tara na Bea. Di raw papasok si Sir ngayon,” yaya sa akin ni Lloyd. Ito namang si Lloyd, atat akong makasama este atat kumuha ng allowance.

“Taralets!” Matipid kong sagot pero siyempre nakangiti ako. Siyempre, malay niyo, sa aking ngiting kumukutitap ay makuha ko ang puso niyang mailap.

Nagsimula na kaming maglakad papunta dun sa office ng City Scholarship na malapit lang rin naman sa school namin. Habang naglalakad ay natisod ako sa isang malaking tatanga-tangang bato na nakaharang sa daan ko kaya naman agad akong napahawak sa braso ni Lloyd na siya namang dahilan ng pagkatumba niya at pagkabagok ng ulo niya sa isa pa uling tatanga-tangang bato sa daan. Biro lang.

Ang totoo nyan, kumapit ako bigla sa di naman masyadong matipunong braso ni Lloyd dahil may asong tumahol sa gilid ko. May phobia na kasi ako sa mga aso dahil minsan na akong nakagat.

Lumapit lalo sa akin si Lloyd na halos nagbabangga na ang mga balikat naming at hinawakan niya ang rin ang braso ko sabay sabing, “Hindi ka naman kakagatin niyan, diretso lang sa paglakad.”

Wala namang kakaiba sa sinabi niya, pero pakiramdam ko parang magic words yung sinabi nya dahil agad nawala ang takot ko sa aso. Maaari rin siguro na mas pakiramdam kong ligtas ako dahil hawak niya ako. Diba ganun sa mga palabas at kwento? Kapag nasa tabi sila ng taong espesyal sa kanila, pakiramdam nila safe sila?

“Oo nga. Haha. Nagulat lang kasi ako sa aso,” sabi ko sa kanya sabay bitaw sa kanya at dumistansya ng kaunti sa kanya. Bigla akong nahiya sa ginawa ko. Baka kung ano pa ang isipin ni Lloyd.

“Wag kang mag-alala, kapag kinagat ka ng aso, kakagatin ko rin sya,” natatawang sabi niya sabay hawak uli sa braso ko. Nagulat akong muli sa ginawa niya, pakiramdam ko may kaunting electric current na dumaloy sa katawan ko.

Nakuha na namin ang allowance namin. Ililibre sana ako ni Lloyd pero nahiya naman ako sa kanya, isipin niya pa sugapa ako. Haha.

“Babalik ka pa ba ng school Bea?” tanong niya sa’kin.

“Hindi na siguro, may pupuntahan pa ako eh. Ikaw ba? Pa-bayan ka na o sa school ka pa?” balik na tanong ko naman sa kanya.

“Babalik pa ako ng school eh. “ Parang nanghihinayang niyang sagot.

“Ganun? Eh di mauna na ako sa’yo.” Medyong nanghihinyang ko rin na sabi.

“Wag muna, bata ka pa.” Natatawang sabi niya.

“Ang corny mo. Sige, bye.”sabi ko habang kumakaway pa sa kanya papunta sa may sakayan ng jeep.

“Sige, mag-iingat ka ah.” Sabay hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Teka, nagiging touchy na yata si Lloyd ah.

Di pa ako nakakaget over sa ginawa niya eh bigla na naman siyang humirit na halos malglag ang panga ko.

“Sige, bye. Uulitin ko mag-ingat ka ah? Gusto ko i-text mo ko pag-uwi mo.” Bakas sa mata at labi niya ang ngiti nung sinabi niya yun.

Anong sabi ni Lloyd? I-text ko siya pag-uwi ko. Jowa lang ang peg? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pakisabi Na Lang...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon