Season 2| H | >> #MakingMeBreathless

Start from the beginning
                                    

"Tama yan. At sigurado naman nang mananalo ka, mga fan girls mo pa lang na naghihintay sa labas, paniguradong landslide victory ka na. Sige pre mauna na ako. Alam mo na lagot ako kay Monique pag ma-late pa ako sa lakad namin,"

"Ge,"

"Basta, gamitin mo 'tong panahon para magpabango ng pangalan. Sumali ka na sa mga org at maging active habang malayo pa yung campaign. May tatlong buwan ka pa pre. Para naman next semester, hindi ka na mag-aalala pa sa oras ng campaign."

Sinuntok niya ako ng mahina sa braso at umalis na sa Org room. Ako naman ay hindi maiwasang umiling iling. Mukhang mas lumalakas na talaga ang tiwala ko sa sarili ko. Kita mo, nakaya ko nang tanggapin ang alok ng President ng student council dito sa Brent na tumakbo ako bilang Vice President next school year?

Dati nga ni hindi ko magawang tumuntong sa Org room na'to dahil wala naman akong kilala ni isa, pero nang makilala ko si Belle, nagbago ang lahat nang 'yun.

Madami akong nakikilala, at nakakaibigan. At katulad nga ng sinabi ko kanina, mas nagkakaroon ako ng kumpyansa sa sarili.

Lahat ng 'yun dahil sa kanya.

Hindi ko alam kung paano niya ginagawa, pero sabihin niya lang na kaya kong gawin ang isang bagay ay nakakaya ko nga naman talaga kapag sinubukan ko nang gawin.

Hindi ko din sigurado kung alam niya pero... siya ang dahilan kung bakit ako nagbabago ngayon.

Pagkalabas ko nang org room, agad akong sinalubong ng i-ilang mga babae tinatanong ang pangalan at course ko. Hindi ko alam kung paano sila papakisamahan dahil hindi ko sila kilala kaya hindi ko sila pinansin.

Don't wait for me, tatapusin lang namin ang designs. :)

Hindi ko maiwasan na hindi ngumiti sa text ni Belle. Ewan ko ba, nitong mga nakaraang araw, siya lang laman ng isip ko.

Nakangiti pa din ako hanggang sa pagkarating ko sa gym para sa try-outs.

Kahit mukha akong lampa dati dahil sa kung paano ako manamit ay hindi ibig sabihin nun na lampa na talaga ako. Sa totoo niyan hilig ko talaga mag basketball kaso nga wala na akong panahon kasi puro aral ang inaatupag ko. Tapos ginatungan pa ako ni Leo na 'wag ko na daw subukan dahil mapapahiya lang daw ako at pagtatawanan.

Buti na lang talaga at nakawala ako sa anino nilang lahat dahil kung hindi baka makatapos na ako ng college ay hindi ko pa din magawa ang mga bagay na talagang gusto ko at ibase na lang lahat sa kanilang dalawa ni Jesse ang takbo ng buhay ko. Buti na lang talaga....

Pero itong balak ko, wala pang may alam. Tss. Miski si Belle nga hindi pa'to alam.

Dumating ako sa gym at nakita kong nag li-line up na 'yung mga mag ta-try out. Madaming galing sa engineering at commerce. Mas malalaki katawan nila sa akin at mas matatangkad, parang wala ata akong panama sa mga 'to ah.

Kung mag back out na lang kaya ako?

"Fill-up niyo itong form na ibibigay ko at magpalit na kayo ng Jersey . Try outs will begin at exactly 30 minutes. Ilalaban ko kayo sa Team A Got that?"

"Yes coach!"

Nang ibigay sa akin ni coach 'yung form, alam kong wala nang atarasan 'to.

Nagpapalit na kami ng jersey at naghihintay sa signal ni coach kung kelan magsisimula ang game kaya naman naglakas ako ng loob makipagkilala sa mga teammates ko. Pareho pala kaming lahat na Business ang course. Magkaiba lang ng schedule kaya hindi ko sila nakikita sa building.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Where stories live. Discover now