Chapter 1

8K 62 0
                                    


Pista ngayon sa kaharian namin, at kahit madilim at mausok ay nagsisiyahan parin ang mga kapwa asong lobo ko.

Sa kalagitnaan ng gubat kami nakatira dahil walang alam ang mga tao na totoo ang mga ganitong klase na uri namin.

"Vanessa! Tulungan mo nga si Vans mamigay ng mga pagkain" sigaw ng aking ina, siya ang Luna o Reyna dito sa amin at siyempre ang tatay ko ang Alpha o hari. Ang sabi nila pag ang mga magulang mo raw ay hari o reyna may pagkakataon na ang magiging asawa mo ay hari o reyna rin.

"Opo, Ma!" Gago naman kasi yung kapatid kong lalaki napakatamad kumilos tila may ginagawa palagi, kainis talaga. Kakambal ko nga pala si Vans at hindi kami magkamukha.

Nakita ko si Vans, kasama niya ang mate o kabiyak niya.

Ang mate ay parang siya ang naka-tadhana sa iyo, parang pinaniniwalaan ng mga tao tungkol sa soulmate na kalahati lang ang kaluluwa mo dahil may tao na para sa iyo at siya ang bubuo sa kaluluwa mo.

Ang weird diba? Mga tao talaga ngayon kung ano ang mga pinagiisip.

"Vans kumilos ka nga muna diyan!" sabay suntok sa kaniya, ginantihan niya rin ako ng suntok hanggang sa yung suntukan namin naging kilitian.

"Ano ba Vans! Bitawan mo na nga ako HAHAHAHAHA" sanay na ako diyan kay Vans, kahit napaka gago niyan sa akin mahal na mahal ko yan! Nagiisang kapatid ko lang yan eh.

"Eto naman si Vanessa, minsan na lang ulit tayo nagkabiruan eh, I love you gago HAHAHAHA" baliw talaga yung kapatid ko.

"Tangna mo Vans, tulungan mo na kasi ako wag ka na maging tamad" kainis talaga yung mga tamad na kapatid.

"Oo na po! Mahal na prinsesa" at umalis na siya.

Parehong bente anyos na kami pero hindi ko pa rin nahahanap ang aking mate, pag babae ka dapat mga labing anim na anyos ay nahanap mo na ang naka-tadhana para sa iyo.

Wala eh forever alone pa rin ako, pero hindi naman ako bitter na katulad ng ibang babae diyan na maka-iyak sa isang lalaki parang yun na lang natitira na lalaki sa mundo. Fuckboy pa ang iniyakan ng mga gaga.

May mga hybrid din sa amin at kasali isa ako sa kanila, hindi ako purong asong lobo kundi may iba pa akong lahi.

Ang pamilya ko lang ang nakakaalam tungkol kung ano ba talaga ako, hindi nila pinaalam sa iba dahil baka hindi nila ako tanggapin at patayin na lamang.

Noong bata ako nakuha ako ng mga witches o mga mangkukulam ginawa nila ako pang experimantuhan nila, kung ano-ano mga sinasabi nila sa akin at mga pinaiinom.

Dahil sa kanila naging ganito ako, 3 taon ako naging tahimik, hindi kumikibo, para bang wala na akong pakielam sa mundo.

Ako si Vanessa Crescent, bente anyos at isang hindi ordinaryo na tao na inaakala mo.

The AlphaWhere stories live. Discover now