Chapter Two

7.5K 162 0
                                    


Athena's POV
Papalapag na ang eroplanong sinasakyan ko . Wala akong masyadong natatandaan dito sa pilipinas. Ni hindi ko matandaan ang metro manila.Ang alam ko sa Cebu ako pinanganak, kaya dun ako pupunta. Pag labas ko ng NAIA kinabahan ako tinitignan kasi ako ng mga tao. Hindi imposibleng makilala nila ako . Kaya nag yuko na lang ako ng ulo at mabilis na nag lakad. Nagulat ako ng may dalawang babae ang humarang sakin, nag angat ako ng tingin sa kanilang dalawa pareho silang maganda at mukang mabait.
"Miss, you look familiar" sabi ng babaeng maputi at mataas ang cheekbone. Nagulat ako, hindi nila ko pwedeng makilala wala akong mga body guards na poprotekta sakin.

"H-huh?"shit im stummering. Hindi ko dapat ipahalata na kinakabahan ako.

"Are you,Princess Athena Marfori?" Tanong ng babaeng morena na may mapupulang labi . Shit ,shit talaga .hindi to pwede.

"A-ah hindi po nag kakamali po kayo, baka po kahawig lang ako" sabay yuko, hindi nila ko pwedeng makilala.

"Ay,sorry miss.kahawig mo nga lang" sabi nung mas maputi at umalis na . Habang papaalis naririnig ko ang pag tatalo nilang dalawa.

"Sabi ko sayo hindi sya yun eh, saka hindi marunong mag tagalog si Princess Athena" sabi ng babaeng morena. Buti na lang nag tagalog ako.

- - -
Mag che check in muna ko sa isa sa mga hotel dito, bukas nako pupunta ng cebu.

Pumasok ako sa pinaka malapit na hotel na nakita ko, at lumapit sa front Desk.

"Miss,i'll check in" sabi ko sa babaeng naka upo dun.

"For one ma'am?" Tanong nya sabay tingin sakin, oh my god! may kasama ba kong diko nakikita at nakikita nya?.

"Uhm,miss may kasama ba kong nakikita mo?" Tanong ko sabay lingon sa may bandang likuran ko.

"Wala po,sorry ma'am" sagot nya sabay abot sakin ng card.

At umalis nako pumasok nako sa kwartong uukopahin ko.

Agad akong naka tulog dahil siguro sa jetlag. Nagising akong 7:00 pm. Umorder na lang ako ng dinner ayoko nang lumabas, hindi ko naman alam kung nasan ang mga restua dito.

Habang hinihintay ko yung order ko, binuksan ko muna yung tv. Nagulat ako sa balita.

"Princess Athena Marfori,is in the philippines." Anang reporter at sumunod na ipinakita ang mga pictures ko sa airport.

Oh Damn, pano ako mamumuhay dito sa pilipinas kung alam na nila na nandito ko. Kailangan ko na talaga mag punta ng cebu, pag dito ko sa manila hindi imposibleng masundan ako ng mga media.

Saktong pag patay ko ng tv may kumatok. Siguro yung order kona yun, at hindi nga ako nag kamali .

Kumain nako, pag ka kain ko nag pa book na agad ako ng flight going to cebu. First thing in the morning lilipad nako patungo ng cebu.

At yun nga nanyari kinabukasan . Bumalik ako ng airport para mag punta ng cebu.

Naka high waist pants lang ako and light blue sleeveless at pinatungan ko ng white blazer, at nag sun glasess din ako sigurado wala nang makakakilala sakin nito.

Pag tungtong ko ng Cebu City . Sariwang hangin agad ang bumungad sakin. Eto nanaman ang kaba ko dahil wala akong kilala dito, pero yun naman talaga ang gusto ko diba yung walang nakakakilala sakin.

Habang nag lalakad ako napansin ko yung dalawang lalaki na kanina pa sakin nakasunod . Dahil na sa kanila ang full atention ko hindi ko na alam kung san nako dinala ng mga paa ko.
Pag lingon ko sa paligid, wala na halos tao, hindi ko alam kung san part na to ng cebu.

At bigla akong nilapitan ng dalawang lalaki pinagitnaan nila kong dalawa, at naramdaman ko sa tagiliran ko ang matulis at matalim na bagay. Natakot ako nanginginig na ang mga tuhod ko.

"A-ano pong kailangan nyo sakin?" Kanda utal utal kong tanong sa dalawang lalaki.

"Miss wag kang sisigaw, bigay mo samin wallet mo, pati yang maleta" sabi ng lalaking malaki ang katawan, wala akong nagawa kundi sumunod sa utos nila.

"Aanhin naman natin yang maleta?" Nag tatakang tanong ng may kapayatang lalaki pero matangkad

"Mukang mayaman eh. Magaganda yang mga damit ipabenta natin kay Doray" sagot ng may malaking katawan, wala akong nagawa habang papaalis silang dalawa na sumasakay sa sasakyang dala nila.

Shit anong gagawin ko. Wala na kong pera kahit mag kano wala pa naman akong kilala dito kahit sino . San ako matutulog? San ako kakain .

Wala akong nagawa kung hindi ang mag lakad, hindi ko alam kung san ako dapat pumunta at kung saan ako dapat humingi ng tulog . Bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko. HinDi ako pwedeng mag sisi ginusto ko to, kaya mag titiis ako.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa medyo dumilim na, nanginginig nako sa gutom at kung sinusuwerte ka nga naman bigla kumidlat at kumulog ng malakas kasunod nun ang malakas na pag buhos ng ulan .

Pakiramdam ko anu mang oras mawawalan nako ng malay pero hindi pwedeng mangyari yun baka may makakita sakin at pagsamantalahan ang katawan ko .

Hanggang sa tumawid ako sa kalsada hindi ko napansin na may paparating na sasakyan, ang huli kong natatandaan ay ang malakas na ilaw at busina ng sasakyan at dun nako tuluyang nawalan malay.

- - -
A/N:Ano nang mangyayari sa  prinsesa natin? Thank you for reading

Princess in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon