-
Nang pumasok ako sa school kinabukasan ay iniwasan ko talaga si Alex,kahit namimiss ko na siya.

Si Anastasia minsan nagkakasalubong kami pero walang emotion ang ipinapakita niya sa akin. Yung parang hindi niya ako kilala.Kahit papaano na mimiss ko yung presence niya.Na miss ko yung pag-iinarte niya tuwing nag uusap at magkasama kaming mag tropa.

Naisipan kong pumunta sa coffee shop na malapit lang dito sa school. At papasok pa lang ako may nakita akong nag-aaway.

"Ano ba bitiwan mo nga ako!" sabi nung babae. Napahinto ako at tinignan ko kung sino yung babaeng yon.

Kumunot yung noo ko ng nakita kong si Anastasia pala yung babae.

"Anastasia!!" tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin pati yung lalaking kausap niya.

"Siya ba ha ! Kaya ayaw mong sumama sa akin?" sabi nung lalaki.

"Ano bang pinagsasabi mo pare?" sabi ko sabay lapit sa kanila.

"Sia siya ba!" pagalit na sabi nung lalaki at tinuturo pa ako.

Anong ba na hithit nitong lalaking to?

"Sh*t ano ba Lance! Hindi siya ang rason kong ba't binusted kita ! Ayaw ko lang talaga sayo ano ba !"

Kaya pala nagkakaganito tong lalaking to.

"Pare. Ayaw sayo nung tao,lubayan mo na nga siya!" sabi ko sabay tulak sa kanya kasi hawak parin siya ng hawak kay Sia.

"Ano bang problema mo pare!"sabi niya

"Lubayan mo na si Anastasia
Pwede ba!!" tinulak ko ulit siya.

"Gag* ka pare!" sabay suntok sa akin.

"Ano ba lance !!"

"Mas gag* ka !" Sabi ko sabay tayo at sinuntok ko din siya.

"Tama na ! Ano ba !" sigaw ni Sia.

Nagsuntukan pa kami doon hanggang sa hinawakan ko na yung kwelyo nung lance .

"Wag mo nang lalapitan ulit si sia. Maliwanag ba!" sabi ko at binitawan siya. Umalis naman siya agad.

"Jay. Are you okey?!" Nag aalalang tanong ni sia.

Ngumiti ako "I'm okey"

"Ehh. Dumugo yung lips mo eh. Halika ka na nga gamutin natin yan" sabi niya "Dito tayo sa kotse ko. May gamot ako dito"

Tumango lang ako at pumasok sa kotse niya.

"Ouch" daing ko ng ginamot niya na yong sugat ko.

"S-sorry" sabi niya.

"Okey lang"

"Masakit pa ba ?" tanong niya.

"Hindi na masyado,salamat sa paggamot" sabi ko sabay hawak sa labi ko.

Umiling siya "I mean. Masakit pa ba yan" sabay turo niya sa puso ko.

"Haha.. Siguro" sabi ko

"Sana kaya ko ring gamotin yan" sabi niya at tinignan ako. "Kaso kailangan ding gamotin tung sa akin eh" sabi niya at tumawa ng kaonti.

"Baliw ka talaga sia" sabi ko para hindi magkaroon ng awkward feeling between saming dalawa.

"Baliw sayo." kumunot yung noo ko "Joke. haha" sabi niya at nag peace sign.

"Kung pwede lang talagang turuan ang puso sia" sabi ko

"Pwede naman eh.Kung gugustuhin mo Jay"

"Ayaw kitang saktan Sia."

"Ano ba jay. Wag mong isipin na masasaktan mo ako kasi hindi mo pa naman nasusubukan"

Natigilan ako.

"Jay try me. Try to love me"

"Sia.."

"Let's Have a deal jayjay"

"Ano klaseng deal?" nagtataka kung tanong.

"1 month jay.Sa isang buwan na yan sabi mo kakalimutan mo na yung feelings mo para kay alex.Then Date me" sabi niya "kung sa 1 month na yan,wala pa rin.Kakalimutan ko na tung feelings ko sayo. Deal??" nakangiti niyang sabi.

Hindi ako sumagot. Kasi hindi ko alam kong ano bang iniisip ni sia.

"I guess Silence means Yes. Jay" sabi niya

"Are you sure about...this?"

"Of course"

"Okey....Deal"nag-aalangan kong sagot

Ngumiti siya sa akin. At ngumiti rin ako. Sana sa deal namin na ito walang masasaktan .

---

 Hey guys.. eh dedicate ko po tong chap. nato sa mga nag add sa story ko doon sa mga Reading List nila :)


-NaomiCamitan (labyuuu ate nao :*)

-MysteriousDarkMei

-tristankyrieeb

-novarozmar

 Salamat po. Wala lang na appreciate ko lang. hihi :D

xxxLadyMadaldal

Finally Got HimWhere stories live. Discover now