Pagkarating sa Parking binuksan nya yung pinto sa passenger seat at pinapasok nya ako. Pagkasara nya ay umikot sya para sumakay na rin.

Tulala pa rin ako at hindi ko namalayan na sya pala yung naglagay ng SeatBelt sakin.

"K-kaya ko naman" sabi ko

"Pffft. Your spacing out alexa".Natatawang sabi ni Zenrick

"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

At muli hindi nya ako sinagot. Nag roll eyes na lang ako. Hinayaan ko syang mag drive.

At nagtaka ako kong bakit papunta kami sa Mall. Pagka parking nya sa sasakyan,lumabas agad ako.

Natagalan sa paglabas si Zenrick at paglabas nya naka cap at shades na sya. Siguro para hindi sya makita at dumugin ng fans niya kaya nag disguise sya.

"A-anong gagawin natin dito sa mall?" tanong ko sa kanya

"Siguro maliligo tayo dito Alexa kaya pumunta tayo dito sa mall" Sarcastic nyang sabi

"Talaga ! Oh sige tara bili muna tayong swimsuit!" Pagbibiro ko sa kanya

"Slowpoke..Haha" sabi nya sabay hawak ng hintuturo nya sa forehead ko.

"Slowpoke agad ? Di ba pwedeng sinabayan lang kita? Tssk. Pero di nga bakit mo naisipang mag mall?"

"Mag dadate tayo!" nakangiti nya sabi.

"T-tayo mag dadate?"nagtataka kung tanong

"Ayaw mo?" Sabi nya.

Bakit nama hindi?  Jusko blessing na ito. hihi

"Sympre g-gusto ko malamang!Pero bakit?"

"Masama na bang magdate ang mag jowa ngayon?" Umiling lang ako "At isa pa gusto ko ring bumawi sayo" dagdag nya

"Bumawi?" Tanong ko

Tumango sya "Yup. Kasi hindi kita nasusundo,hindi kita sinasamahang mag lunch.At yung huling pag-uusap pa natin nag away tayo" sabi nya.

Oo nga.Sa totoo lang nawala na naman sa isip ko yung pag aaway namin e. Mababaw lang naman yon.

"O-okey lang naman yon no" sabi ko

"Sayo okey. Sa akin hindi." sabi nya at hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kami papasok ng mall. HHWW na naman kami mga teh !

"Timezone tayo!" masayang sabi ni Zenrick

Tumango lang ako,at pumunta na kami sa timezone.

"Alam mo bang ngayon na lang ulit ako pumunta dito sa timezone?" sabi nya at huminto. Siguro dahil busy sya kaya hindi na sya ulit naka punta dito.

"Hindi. Bakit nga ba?"tanong ko

"Kasi yung huling punta ko dito kasama ko yung taong mahal ko" Sabi nya at naglakad ulit.

Aray naman ! Grabe memories lang ganun? Sampal e .Pak !

Pero kahit na dissapoint ako sinubukan ko pa ring hindi mapansin ni zenrick yon. Kasi halatang masaya sya e nakabalik ulit sya dito.

Kung sino man yung babaeng yun. Ang swerte nya.

"Sa basketball tayo zenrick!" pag-aaya ko sa kanya.

"Sige ba !" Sagot nya

Naglaro kami doon. Nakakatuwa lang kasi ang galing ni zenrick tas ako minsan lang maka shoot tawa naman ng tawa si zenrick.Kaya nga minsan sinasadya ko na hindi ishoot yung bola kahit kaya ko naman. Wala lang gusto ko lang makitang tumawa si Zenrick.

Marami pa kaming nilaro doon. Nag enjoy naman si Zenrick,lalo naman ako.

Pagkatapos naming maglaro sa timezone kumain muna kami.

Natawa nga ako kasi gusto ni Zenrick sa jollibee. Haha

"Salamat" sabi ko ng nilapag nya na ang pagkain sa mesa.

"Favorite mo din ang Cokefloat?" tanong nya ng napansin nyang ito yung una kong kinuha.

Tumango ako "Oo naman ! Nung nasa america pa lang ako. Ito palaging binibili ko.Hind ko alam basta naging favorite ko to" sabi ko

Ngumiti naman sya. Ang gwapo !!

"Haha. Cokefloat girl,ikaw yung dahilan kaya na dumihan yung uniform ko e" sabi nya at galit yung itsura.

Patay kang bata ka ! >,<

"Hihi. S-sorry naman. May nagtulak sakin e" kinakabahan kong sabi

"Haha.Ang cute mo pagkinakabahan. Hahahaha"

>///////< zenrick nemen eeh.

"Loko ! Haha"

"Wait may dumi sa mukha mo" sabi ni Zenrick at kumuha ng tissue tas sya na yung nag pahid dito sa pisngi kong may dumi. Kilig ako >//<

"Sh*t " mura ko ng natapunan ng tubig yung damit ko.

"Ano bang problema mo dawn?!" sabi ko ng Pagtingin ko kung sino yung nagtapon ng tubig . Lintik !

"Sorry My fault! haha" sabi nya.Tumawa pa yung dalawang kasama nya. Sarap nya'ng kalbuhin,sinubukan kong pa kalmahin yung sarili ko. Lalo na ngayong ang mga tao dito na nakatingin sa amin. Iniisip ko si Zenrick.

"Hayaan muna sila.Let's go" sabi ni Zenrick at umalis na kami doon.

Bwesit talaga ! Buti na lang walang nag picture sa amin doon. Kung hindi mapapahiya na naman si Zenrick nang dahil sa akin.

Papunta na sana ako sa Cr ng pinigilan ako ni Zenrick.

"Wear this" sabi nya nang binigay nya sa akin ang puting tshirt.

Tumango lang ako at hindi na nag abalang tignan yung tshirt.

Paglabas ko sa Cr nakita ko si Zenrick na naka sandal sa pader. At nang nakita nya ako ngumisi sya. At ang gwapo nya,haha

Nagtaka ako kasi hinubad nya yung jacket nya. At nakaputing Tshirt na sya. Mas lalo akong nagtaka doon sa design ng tshirt na suot nya.

I Love this Girl <3

Tas may Arrow na nakaturo sa Right side.

T-teka. Tumingin agad ako sa salamin at namula yung pisngi ko sa nakita kong design sa Tshirt ko I Love this boy <3  Tas may arrow din na nakaturo sa left side. >////< Paksheeet.

Ghaaad ! Couple TShirt?

"Your blushing . Haha" sabi nya at kinurot yung pisngi ko. Feeling ko namula pa ito lalo.

"I-ikaw kasi ang Corny mo e"

"Hahaha. Sus kunwari ka pa kinilig ka naman " sabi nya.

Tsss. Oo na !! hahaha
Ikaw kasi e !

Mga ilang oras din kaming naglibot ni Zenrick.Pagkatapos Umuwi na kami. Sobrang nag enjoy ako ngayong araw na ito.Kahit umepal si Dawn. Nagpapasalamat pa nga ako sa kanya e. Hahaha
Nagka Couple Tshirt lang naman kami ng dahil sa pagkabasa nung damit ko. Haha

Pagpasok ko sa kwarto,nagpalit ako ng damit. At tinitigan yung couple tshirt na parang hindi ako makapaniwala. >//<

Waaaaaaaa. Totoo ba to??Kung panaginip to,papatayin ko ang gigising sakin. Haha

Finally Got HimWhere stories live. Discover now