Chapter 10: Feelings

Începe de la început
                                    

Nilapitan ko sya. Hindi ko akalaing..

"Sia.Im sorry" yun na lang ang nasabi ko.

"Sorry saan? Sorry dahil ang manhid mo? O sorry dahil hindi mo ko kayang mahalin !!" Damn sia..

Hindi ako nagsalita. Ayaw ko syang saktan

"M-mahal ko siya ..Sia" sh*t kakasabi ko lang na ayaw ko syang saktan diba.

May tumulo na namang mga luha sa kanyang mga mata. "I know" sabi nya at sinusubukang punasan ang mga luhang dumadaloy sa kanya pisngi. "Sorry din. Dahil minahal kita" dagdag nya

"Sia gusto ko ring sabihin na kay alex tung nararamdaman ko,para makalimutan na nya si Zenrick.Sasaktan lang sya ng lalaking yon. Hindi pa huli ang lahat" sabi ko sa kanya,alam kong masasaktan ko lang din sya.

"Jaycynth.Huli na ang lahat" sabi nya. Na lalong nagpagulo sa utak ko.

"What do you mean?"

"Zenrick and...Alexa Are now Engage" mahinang sabi nya. Pero parang sumabog ang puso ko.

"What ?!!! Pero paano!"

"Mag bestfriends ang mga parents nila.Matagal na silang pinagkasundo ng mga magulang nila" So Arrange Marriage pala.

"B-bakit hindi nya sinabi sa akin?"

"Actually kaya ako pumunta dito para hanapin ka. Nandoon kasi sila Genniel at Alex sa coffee shop at doon nya daw sasabihin sa inyo"

Pagkatapos nya sabihin yon ay bumaba agad ako at halos takbuhin ko na ang coffee shop na malapit lang dito sa school namin.

Narinig ko pang tinatawag ako ni Anastasia.Pero hindi ako nakinig,patuloy lang ako sa pagtakbo.

Nang malapit na ako sa coffee shop.Nasa labas pa lang ako ay nakita ko na si Alex. Ang bestfriend ko. Ang mahal ko.

Bago ako pumasok ay inayos ko muna ang sarili ko.

"Hi best" sabi ko at nang nakita nya ako ay ngumiti sya. Ang ganda nya.

"Hello best ! Upo ka dali !"

"Ano bang meron?" Tanong ko kahit alam ko na ang sasabihin nya.

"Oo nga kainis kasi tung si Alex e. Hihintayin ka daw muna" sabi naman ni Genniel. Sana nga hindi ko na lang malaman e.

"So ano yung sasabihin mo best?" tanong ko.

"Hmmm. Dapat pagnalaman nyo na to.Wag nyong ipagsasabi ha Promise ?. "Tumango lang kaming dalawa ni genniel at hinintay syang magsalita.
"kasi.. Zenrick and I..." ito na nga sasabihin nya na. Ayaw kong marinig pero wala na kong magagawa  "Engage ..." pagpapatuloy nya .

"What?!!" gulat na sabi ni Genniel.

"Yup"

"Paano?" Tanong ni genniel sa kanya na gulat pa rin.

Ako naman gusto kong magkunwaring gulat pero parang nanghihina ako. Mas masakit pala talaga na marinig mo na galing sa kanya ang mga salitang yon.

"Mahabang kwento. Haha" masayang sabi nya.

Sana ako na lang yung nakakapag pasaya sa kanya.

"Oy~ Best okey ka lang?"tanong nya sakin.

"Y-yeah. Haha Nagulat lang ako.Buti naman pumayag si Zenrick haha" pabiro kong sabi. Buti nakapagsalita pa ako.

"ikaw talaga tssk. Salamat haaaa~" Sarkastiko nyang sabi.

"Joke lang naman. Congrats !" sabi ko.

"Waaaaa. Bes dream come true!!" natutuwa namang sabi ni genniel. Mabuti pa sya nagagawa nyang matuwa para kay alex,samantalang ako hindi ko magawa. Hindi ko Kaya.

"Hindi rin bes" sabi nya sabay pout.

"Bakit naman?" tanong ulit ni Genniel.

"Wala lang talaga akong choice..Pati si Zenrick" malungkot nyang sabi. Ang sakit isipin na nalulungkot sya kasi walang choice si Zenrick.

"Bakit gusto mo bang,marinig na sang-ayon si Zenrick sa kasal ?" tanong ko

"Hindi naman sa ganon. Ahh basta" sabi nya at ngumiti

Kung saan ka masaya alex. Kung ito ang ikaliligaya mo susuportahan kita. Siguro itatago ko na lang talaga tung nararamdaman ko para sayo. Sana lang hindi ka saktan ng taong yun.

Kung sasaktan ka man nya..Nandito lang ako...

Maghihintay sayo... Pero hanggang kailan?
--

Si Jaycynth lopez po yang nasa taas guys ^_^
-xxLadyMadaldal

Finally Got HimUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum