Chapter 9: Arrange Marriage

Start from the beginning
                                    

"But why ?!! So Arrange Marriage huh!" Irita kong sabi. Ano ba Uso pa ba yang Ganyan ngayon ha ?? Grabe,wala na ba akong karapatan na piliin kong sino ang taong papakasalan ko.

"Princess,please ! Kahit ito na lang..." sabi ni dad.

"Ang hirap naman ng pinapaggawa nyo dad !! Ang bata ko pa !"

"Anak,hindi naman kayo agad magpapakasal . Sa ngayon Engagement muna" pagpapaliwanag ni mommy

"Mom ! Ni hindi ko nga sya kilala e !!"

"Makikilala mo din sya.May gaganaping dinner sa bahay nila.Para official na kayong mag Fiance"

"I can't Believe this !!" halos maiyak na ako.

"Anak please,gusto ko lang na makasigurado na pagnawala ako. Alam kong nasa maayos at magandang buhay ka" sabi ni dad. Pagnawala ? Ano ba pinagsasabi nila.

"Dad ! Kaya kung pumili ng lalaking para sa akin ! At dad hindi ka mawawala !" sabi ko at aalis na sana ako ng nagsalita ulit si daddy.

"Alexa..May sakit ako!!"

WHAT !??!

Napalingun ako kay daddy at hindi sya nagsisinungaling.Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

"Dad No ! Nagsisinungaling ka lang" This time umiyak na ako.

"Hindi anak" Lumapit silang dalawa sa akin at niyakap nila ako.

"Dad" Sabi ko I can't believe this,na Arrange Marriage ako at May sakit pa si daddy..

I have no Choice..

Tell me. Totoo ba to.

-
Dalawang araw din ang nakalipas simula nung sinabi ni mom at dad yung tungkol sa engagement,at hanggang ngayon hindi ko pa alam kung sino ba talaga yung lalaking mapapangasawa ko. Hindi ko pa sinabi kay genniel at jayjay ang tungkol dito,pero si insan alam na nya,pinakausapan ko sya na ako na lang ang magsasabi sa dalawa.Siguro pag alam ko na kung sino,sasabihin ko na sa mga kaibigan ko.

At ngayon ang Araw na malalaman ko na ang sagot sa katanungan ko.

May dinner kasing gaganapin sa bahay nila,dahil yun ang napagkasunduan.

"Wow !" mahina kong sabi ng nakapasok ako sa bahay nila tita Zenicka at tito Ricko.

Ang ganda nga sa labas ng bahay e,sa loob pa kaya? Ang laki ng bahay nila as in.

Rich kid ang fiance ko teh!

Pinaupo muna kami sa sala ng mga katulong nila habang hinihintay naming bumaba sila tito at tita.

"Hello guys!" sabi ni tita Zenicka ng nakita nya kami.

Lumapit naman sila sa amin at nag beso-beso na sila.

"Hello po" bati ko sa kanila

Ngumiti sila at nagyaya ng pumunta sa dinning Area. Ang laki nung mesa.

Umupo na kami at habang hinahanda ng mga katulong yung pagkain at nag kwentuhan muna kami.

"So Zenicka,Where's your son?" tanong dad.

"Pupunta ang anak ko,may ginawa pa kasi. Malalate daw sya ng konti" sagot ni tita.

"Ahh.Hindi po ba natin sya hihintayin para sa dinner ?" tanong ko

"Nope iha,baka kumain na yon sa pinuntahan nya.We will discuss the engagement later pagdating nya" sagot ni tita.

tumango lang ako sa kanya at kumain. Ang daming pagkain pero di ko magawang lantakan sila dahil bukod sa nakakahiya ay parang nahihirapan akong lunukin ang pagkain dahil sa sobrang kaba.
-
Pagkatapos naming kumain ay pumunta kaming lahat sa garden. Sabi naman ni tita papunta na daw ang anak nya.

Nag kwentuhan pa sila at ako naman si out of place na bobored na.

"Sorry I'm Late"

Paglingun ko kung sino yon.

"ZENRICK?!" sabi ko ng nakita ko kung sino yung lalaking kakadating lang.

"Son !!" Sabi naman ni tita at niyakap si Zenrick.

"Kilala mo na ang anak ko,Alexa?" tanong ni tito

"O-opo tito.Artista po sya diba ?"

Nakita ko naman ang pagkadismaya sa mga mukha nilang apat.Bakit ba ! Artista naman talaga sya e.

"tsss" sabi ni Zenrick. Ito na nga ba sinasabi ko .Ang sungit nya >,<

"Umupo muna tayo.haha" sabi ni dad.

"So.Kailan ang kasal?" tanong naman ni mommy.

"Mom ! Diba sabi mo hindi mu--" hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi nag interrupt si Zenrick. Bastos din to e !

"ahh.Tita about that.Nag-usap na kami ni mommy at hindi muna kami magpapakasal hanggang hindi pa natatapos yung contract ko" sabi ni Zenrick.

"Mom.Besides grade 12 palang kami.Mga bata pa kami" sabi ko

"Haha.Anak your 18 years old now,zenrick is 19 turning 20 this year.Pwede na kayong maikasal" sagot ni daddy.

"Dad.Nag-aaral pa kami"

"Iha. Okey lang naman na maikasal kayo kahit nag aaral pa e,hindi naman kayo magkakaanak agad.Haha" dagdag pa ni tita.

Parang nabulunan ako sa sarili kong laway sa sinabi ni tita ha ! Anak talaga ?!

"Pupunta muna kami sa veranda mga anak.Iiwan muna namin kayo dito" sabi ni tito at umalis na sila para pumunta sa Veranda kami naman ni Zenrick ang naiwan dito. Awkward

Wala si kuya busy sa school nya. At si Erine bumalik muna sa korea may aayusin lang daw muna pero babalik naman daw sya.

"Zenrick..." nagsalita na ako,kasi ang tahimik e

Lumingon lang sya sa akin ng hindi nagsasalita.

"Ahh.. About this,okey lang ba sayo to?"

"I have no choice" sagot nya. Wala lang talaga syang choice !

"Pa-paano si...Venice?" Sh*t napahawak na lang ako sa bibig ko. Ang daldal ko~~Patay

"What?" Nagtataka nyang tanong

"Ahh. Hehe Wala,kalimutan muna yung sinabi ko" palusot ko.

"Ang saya mo siguro ngayon no?" tanong nya

"Ha? Masaya bakit?" nagtataka kung tanong sa kanya

"Alam ko namang gusto mo ako. Siguro nung nalaman mo na ako ang magiging Fiance mo Um-Oo ka kaagad".

Say What ??! Parang nainis ako dun sa sinabi nya ha.

"Shut up. Wala kang alam ! Hindi ako ganun ka babaw,idol kita Oo.Pero honestly speaking ngayon ko lang din nalaman na ikaw pala ang Pakakasalan ko ! And I have no choice Too!" Galit kong sabi sa kanya. At nag walk out na ako.

Nakakainis naman kasi,hindi ako ganun kababaw.Wala lang din talaga akong choice !! Pero grabe si Zenrick,ganun na ba talaga ang tingin nya sakin? f*ck naiiyak na ako.

Pero ang mas nakakainis,hindi ko magawang magalit sa kanya. Naiinis siguro Oo..

Finally Got HimWhere stories live. Discover now