Ansabe ng sister-in-law? Haha

Umupo na muna kami nila kuya. Magkatabi si ate at kuya.At ang sweet nila. Kainggit.

"So Alexa.How's your school?"tanong ni ate

"Ahh.Okey naman po ate,ikaw po? Wala na po ba kayong pasok?"

"Actually meron pa.haha" sabi niya.

"Huh? E bakit ka pala umuwi ate?" sympre paano yung school nya.Curious lang ako.

"I'm staying here sa philippines.For good Sister-in-law ^_^"

"For good?!!?"  Gulat na sabi ni kuya.

"Yup.Haha surprise hon !!" masayang sabi ni ate.

Natuwa naman si kuya at ayon naglambingan na naman yung dalawa.Masaya ako na dito na titira at mag aaral si ate. Mahirap din kaya pag LDR no.

Pagkatapos naming kumain.Nag kwentuhan muna kami nila ate. Nabanggit pa nya na andami daw na gwapong koreano sa Korea. Haha ito namang si kuya todo selos.

"Ate salamat pala sa pasalubong mo ha" Pagpapasalamat ko sa kanya don sa mga ibinigay nya.

"Your Always welcome dear"sabi ni ate

Ang bait nya talaga.

-

"Welcome back ate" may nagsalita galing sa likod ko.

Familiar yung boses nya. Bago ako lumingon nakita ko yung gulat sa itsura ni ate at kuya,parang nakakita sila ng multo. Haha

Ano bang meron?

"Anong nangyari sa inyo? Sino ba ya-" Hindi ko na tapos yung sasabihin ko kasi.Paglingun ko na shock din ako O_O

"Zenrick??!!!" Na gulat din si Zenrick. Pansin ko lang pare-pareho kaming na gugulat ngayon?!!

"A-Alexa?" Sabi ni Zenrick

"Wait..." Siya ba yung nagsabi ng Welcome back ate ? Ano daw ? ATE ????

So It means...

"Wait ? Magkapatid kayo?!!" Gulat kong sabi.

"Ahhh" Parang di rin makapag salita si Ate Erine.

"Sis,ganito kasi yon.Let me Explain"sabi ni kuya

"It's okey kuya. Powder room lang ako" sabi ko.At umalis muna. Hinayaan naman nila ako.

Nagulat lang talaga ako.Magkapatid pala sila ? Akala ko talaga Magka apelyido lang sila!!

Erine PEREZ at Zenrick PEREZ ! May hawig din sila. Ba't ngayon ko lang napansin?. I mean napansin ko naman yung same surname nila.Pero ang buong akala ko magka apelyido lang sila.At wala namang sinasabi sa akin si kuya .

Nainis lang ako ng konti kasi hindi man lang sinabi sa akin ni kuya.Alam niya naman siguro kong gaano ko ka idol si Zenrick diba ?

Napahawak ako sa Ulo kasi sumakit bigla.Ang sakit !!
Sa halip na pumunta sa powder room,umupo muna ako sa pinakadulo na part dito sa hotel kasi may nakita akong upuan,para naman maibsan yung sakit ng ulo ko. It hurts you know !? Habang sumasakit ang ulo ko may lumalabas naman na mga hindi familiar na alaala sa aking utak.

Ganito lagi .Pag sumasakit ang ulo ko,may lumalabas na alaala pero malabo naman yung mga lumalabas na itsura.Hindi ko tuloy matukoy kung sino ba sila sa buhay ko.

Ouch ! Nakahawak pa din ako sa ulo ko. Nang nahilo ako at di ko na kinaya. Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko si Zenrick na nagmamadali para masalo ako.

Then Everything Went black.
-
-
"Ouch" Sabi ko ng pagtayo ko sumakit bigla ang ulo ko.

"Okey ka lang ba?" Sabi ni Zenrick na nakatayo sa tabi ng kama na hinihigaan ko.

"Wait.Teka ba't ako  nandito,nasaan tayo?" tanong ko kasi nakahiga ako sa kama na hindi ko alam kong saang lupalup ako.

"Nasa hotel pa rin tayo.Nawalan ka ng malay kanina.Okey ka na ba?"

"yeah,salamat zenrick" naalala ko na naman yung tungkol sa kanila ni ate Erine.

Tinitigan ko si Zenrick.Tas Umupo ako sa pagkakahiga ko at mas tinitigan pa si Zenrick.

"What...are you doing?" Ilang na sabi ni Zenrick.

"Hawig talaga kayo no?" sabi ko tas hahawakan ko sana yung mukha nya ngunit umilag sya. Ngayon lang din ako natauhan sa gagawin ko. Sh*t Ano ginagawa ko? Nakakahiya >//<

"Ay.Sorry shock lang talaga hehe"  sabi ko at nag peace sign kay zenrick.

Inirapan nya ako "Tss..Whatever mag-ayos ka na dyan,sinabihan ko na yung kuya mo sa nangyari at papunta na sila"

Kita mo to ! Nagsusungit na naman :3 Bipolar talaga.

Pagbukas nung pinto ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni kuya.

"Sis ! Are you okey??" tanong ni kuya

"Gossh. Sister-In-law,Okey ka na ba?" sabi ni ate Erine na kakapasok lang.

"Oo naman okey na ako no.Ate at kuya ^_^"

"So Your Not Angry?" tanong ni Ate

"Ha. Hindi ate no! Nagulat lang ako,na magkapatid pala kayo.Si kuya kasi di sinabi sakin haha"

"Sorry sis." sabi ni kuya

"Hoy ! kuya wag kang mag drama.Okey lang no ! haha"

"Weeee di nga sure?" Baliw din tung si kuya e.

"Sure nga,sayang kasi kung maaga ko lang nalaman na magkapatid pala kayo ate.Nag pa picture na ako kay Zenrick noon pa lang at hindi na nakipagsisikan sa maraming tao" Pabiro kong sabi

"Tsss.." Nagsungit na naman sya :3

"Zenrick !" saway ni ate

"Whatever!" tas lumabas sya ng kwarto.Sungit

Sinigurado pa ni kuya na okey na ba talaga ako.

At nang na satisfied na si kuya Mark ay umuwi na kami. Hanep kasi ayaw pang maniwala na okey na ako.

Pero grabe.Magkapatid pala sila no? Mas lalo lang lumiit yung mundo namin ni Zenrick.

Sadyang kay liit ng mundo.

Tadhana...Ano bang plano mo?
-

Si Mark and Erine yung nasa taas guys ^_^ Okey ba?

xoxo
-xxxLadyMadaldal

Finally Got HimWhere stories live. Discover now