CHAPTER FIFTY

Magsimula sa umpisa
                                    

Bigla akong napabalikwas sa naalala ko. Tumayo agad ako sa kama.

Lumakad ako sa CR at humiram ng ibang damit. Hindi ko na talaga kasi makita yung damit kong long dress. Pagkalabas ko ng CR, nakaabang si Oliver sa may pinto.

" Where are you going? "-tanong nya.

Huminga ako ng malalim. " Pupuntahan ko si Rieve. "-sabi ko tapos hinawi ko ang kamay nya na hahawakan sana ako.

" No."-maawtoridad na tugon nya. Nag-init naman agad ang tenga ko.

" Anong karapatan mo para pigilan ako? "-tinignan ko sya ng masama

" Coz' your mine. Hindi ka pwedeng pumunta kay Rieve kase akin ka. "-seryosong mukha ang sumagot sakin.

Pinilit kong hindi magpaapekto sa sinasabi nya. Ano bang sinasabi ni Oliver? Samantalang may asawa na sya diba? Pero totoo kayang nakipaghiwalay na sila?

" Oliver hindi na ako sayo. Wala ng sayo. Diba may asawa ka na? So please stop ruining my life. Tska ito? Itong nangyari...or should I say na kung may nangyari nga ba satin..."-huminga ako ng malalim at inilabas yung masakit na sasabihin sa kanya. " KALIMUTAN MO NA LANG YON AT KAKALIMUTAN KO NA LANG DIN YON. "-lalabas na sana ako pero hinawakan nya ang braso ko dahilan para mapaharap ako sa kanya.

" Hahayaan mo na lang yon? Ash alam ko namang mahal mo ko at gusto mo yung nangyare. "

Dahil sa sinabi nya at basta na lang sya nagsalita na hindi man lang inisip ang sasabihin bago ilabas ay nasampal ko sya. Nabastusan kasi ako.

" Kahit kailan hindi ko to ginusto. "-lumabas na ako nung masabi ko yon. Hindi ko na kasi kinaya yung tensyon.

Habang naglalakad ako sa hallway ng hotel na pinagdalhan sakin ni Oliver. Hindi ko lubos maisip kung bakit nagawa namin yon. Psh. Lagot na. 19 pa lang ako, bakit ibinigay ko agad? Pero teka? Wala naman talagang nangyaring iba e. Oo tama, hanggang kiss lang yon. Hanggang doon lang naman yon e. Waaaaaa!


[ THIRD PERSON'S POV]

-- 1 WEEK LATER --

Matapos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Ash at ni Oliver ay hindi na muling nagkita at nag-usap ang dalawa. Malamang ay nawalan na ng pag-asa si Oliver dahil sa masasakit na nasabi ni Ash. Sa totoo lang ay nung gabing magkasama sila sa iisang hotel, hanggang halik lang ang nagawa nya kay Ash, hindi sya nagtake advantage na gumawa ng kung anong bagay, inisip nyang mabuti ang magiging future ng dalawa bago nya gawin yon. Kaya din napalitan ng damit ang suot ni Ash sapagkat nasukahan nya ito habang mahimbing na natutulog si Ash. Sakto naman na may dumating na babaeng crew na naghatid ng pagkain nila kaya sinabihan na lang ito ni Oliver na kung maaari ay bihisan nito ang girlfriend nya.

Sabihin na natin na may respeto pa rin si Oliver kay Ash at kung may gusto man syang gawin dito ay maganda siguro kung mag-asawa na sila. Masyado pa silang bata para sa ganoong scene. 20 years old palang sya at 19 pa lamang si Ash. Hinayaan na lang nya na magkatabi silang matulog na kahit dun man lang ay maranasan nyang makatabi ang dalaga.

Kaya nung nagkasagutan sila, nasaktan sya ng sobra. Inisip nyang baka nga sa loob ng isang buwan at kalahati ay napalitan na ni Ash si Oliver sa puso nya. Hindi nya alam kung gugustuhin pa ba nyang mabuhay o hindi.

Kasalukuyang nasa condo nya si Oliver at naghahanda na para umuwi ng Pilipinas. Siguro ito na nga ang oras para bumitaw nya sya. Si Ash na rin mismo ang bumitaw.

Umiiyak na lang sya habang inaalala ang mga iyon. Masakit para sa kanya na bumitaw na, pero naisip nya rin na kung doon masaya si Ash, mas mabuti pa sigurong lumayo na nga lang sya.

--

[ ASHFAITH'S POINT OF VIEW]

Nasa sala ako ngayon. Hindi ako mapakali. Ewan ko kung bakit. Argh... Hindi ko pa rin kasi makalimutan yung nangyari. Hindi ko din alam kung may nangyari nga ba o wala. Isa lang ang makakasagot ng katanungan ko.

Tatayo na sana ako nang makita ko si Rieve na nakatingin sakin. Kagigising nya lang din kasi.

May hawak sya na hindi ko maaninang kung ano. Basta parang envelop iyon.

Hindi ko pa rin kasi nasasabi sa kanya kung anong nangyari samin nun ni Oliver, nagsinungaling muna ako na iniwanan ko na lang basta doon si Oliver tapos nung kinaumagahan, nalaman ko na lang na dinala pala si Rieve sa ospital kasi natamaan sya sa part na inoperahan sya non. Kaya din pala hindi sya makatayo at namimilipit sa sakit.

" Rieve! "-nakangiti kong bati sa kanya.

Lumapit ako sa kanya para makiusosyo dun sa hawak nya. " Ano yan? "

Malungkot syang lumapit sakin. Nakatingin sya sa envelop na hawak nya at inabot iyon sakin. Kinahaban tuloy agad ako sa aura nya.

" A-ano to? "-tanong ko. Aish, oo alam kong envelop pero para san?

" Open it. "-mahinahong utos nya. Napansin ko naman na medyo tubig tubig yung mata nya tapos medyo namumula yung ilong nya.

Dahan dahan kong binuksan yung envelop.

Sa oras na iyon, parang gusto kong mawala na parang bula na lang. Napahawak na lang ako ng mahigpit sa litrato at biglang tumulo ang luha ko.

" Kelan mo balak sabihin sakin ang nangyari sa inyong dalawa? "-mahinahon lang yon pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Rieve.

" Rieve sorry. "-tanging sagot ko. Hindi sana ako sasagot pero kailangan kong magpaliwanag. Lintek kasi yung humuha ng litrato namin ni Oliver habang hinalikan nya ako nung natumba sya sakin.

" Ash , you can say if you can't love me back...but please, dont make me like an idiot and still waiting for your love...and still, ...waiting for nothing."-umiiyak na sambit ni Rieve.

Hindi ko napigilan maging emosyonal. Nasasaktan ako para kay Rieve. Galit din ako sa sarili ko kasi hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ng puso ko. Sabi kasi ng utak ko, ' bigyan ko ang mga taong nagmamahal sakin ng chance.' pero sabi naman ng puso ko. ' FIRST LOVE NEVER DIES' , pati puso at isip nag-aaway na. Bakit ba ganon?

" Gusto kong mamili ka...I want you to choose between me and Oliver. "-sabi ni Rieve.

" If you choose him..I can accept, naiintindihan ko naman na mahal mo pa rin sya...but if you choose me because you're guilty or pity with me...it's better to not choosing me because you lied to me and you lied to yourself--"

" Rieve hindi naman sa ganon..."-naiiyak na sambit ko.

" Ash it is the right time to choose. "-bulyaw nya.

" When you step from that door..."-itinuro nya ang pinto papalabas " You choose Oliver. But when you choose to come over me... you choose me. "-dugtong nya.

Ang hirap kasi nasa gitna ako ng pinto. Parang ganito.

PINTO X AKO X RIEVE

Hirap man akong pumili pero dapat talaga akong pumili sa kanila. Hindi pwedeng dalawa... 


Author's NOTE

Annyeong. Oh my god, last chapter na this, salamat po sa mga sumuporta at susuporta. Maraming salamat talaga kasi hindi po kayo nagsasawang maghintay para sa susunod na chapties. Pasensya na kung ngayon lang ako nakapag-update. Hahaha. Wala na kong masabi basta maraming salamat. From now on, RANK #48 na po HCLO sa TEEN FICTION. Salamat kasi napapasali sya sa 'What's Hot' thank you very much. 

Sunod na i-a-update ko po ay yung 'EPILOGUE' na. Dun na po pipili si Ash. Lalabas ba sya sa pinto o mas pipiliin nyang puntahan ang kinaroroonan ni Rieve. Yieee. Sino excited? Hahaha. Ipa-private ko po yung epilogue. Magso-survey po kasi ulit ako at tanging 'followers' ko lang ang maaaring makabasa, kaya kung hindi pa kita follower, awwts, hindi mababasa ang 'epilogue'. >__< SURVEY PO E. So yun lang, thankyou ulit. 

Hi Chat Love On - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon