CHAPTER TEN

22.9K 737 34
                                    

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.




Ashfaith Hernandez

Akalain nyo, nakatatlong linggo na ako sa LCU, hindi din naman pala masama ang pumasok sa private. Ang masama lang ay yung mga masasamang ugali ng estudyante na hindi mawala wala. Nakakaiyamot.

Halos 3 weeks ko na din palang kaasaran sina Oliver at halos 3 weeks ko na ding tropa si Keith—ang captain ball ng basketball team.

Wala masyadong estudyante ngayon. Nagpapractice kasi ang mga players para sa gaganaping league. Wala din sina Oliver, Deniel at Patrick, nagpapractice silang tatlo ng Volleyball, tapos si Keith nagpapractice ng basketball. Nakakatamad tuloy pumasok. Wala akong kausap, si Keith lang naman ang kaclose ko sa room e. Maliban na lang dun sa tatlong bugok.

Tapos biglang pumasok si Prof. "Okay, since kakaunti kayo dito at maraming ginagawa ang mga teachers, I will allowed you to watch their game. You may go out quietly."

Siksikan at unahan na lumabas yung iba. Nagpahuli nalang ako para di ako masaktan paglabas. Makakalabas din naman kasi ako.

Napansin kong naiwan yung tatlong witch sa loob. Tinignan ko pa sila at ganondin ang ginawa nila, hindi pa siguro sila lalabas. Bahala nga sila. Nauna naakong lumabas, nakakayuck naman kung hihintayin ko pa sila. Malayo pa lang ako sa ground, hiyawan na ang naririnig ko.

Teka, san ba ko manunuod? Kay Keith na laro o Kay Oliver?


**


Naglalakad na ko papuntang ground. San ba talaga ako manunuod? Sa Volleyball boys? O sa Basketball Boys? Ayss bahala na nga kung san na lang ako dalhin ng paa ko.

Papunta na ako ngayon sa court. Syempre pag may court, basketball yon. Bestfriend ko kasi si Keith, sabi ko din sa kanya na manunuod ako ng game nya. Tsaka baka pag pumunta ako kay Oliver, isipin nun sinusoportahan ko sya.

Umupo ako sa padulo, ayoko kasi dun sa pauna, ang ingay nila masyado. Woah, ang hot ni Keith. Ang pawis ng katawan nya tsaka yung buhok nya. Hahahaha. Pero gwapo pa rin.

Sumigaw ako."Go Keith! Woahhh! "-narinig ata ni Keith yung cheer ko, tinignan nya ko tapos kinindatan. Hala ang galing, shoot yung bola.

"Nice! Galing! Woahh! "-nagcheer pa ako tapos lahat nung babae sa baba, tumingin sakin tapos inirapan ako.

"Go Keith" Habang nagchicheer ako, may biglang humawak sa braso ko.

"Hoy ikaw! "-kung hindi ako nagkakamali, the 3 witches ito. Humarap ako ng nakangiti. Yung mapang-asar na ngiti kumbaga. "Bakit? "

"Bumalik ka na nga sa room! Maglinis ka don. "

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo Trinny? "-tanong ko.

" Ano bang klaseng tanong yan? Syempre oo! Lakad, maglinis ka na don. "-tinutulak nya ako.

" Ano ba! Mukha ba akong yaya para paglinisin mo? May janitor naman dun ah! "

Hi Chat Love On - CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora