One Shot: Tahan Na

6 1 0
                                        

Mj A. ❤❤�

Sulat para kay Thomas,

"Tahan na, nandito lang ako"

Tandang tanda ko pa ang sinabi mo nung araw na yun.

Nakita mo Kong umiiyak at katulad ng nakasanayan. Binully nanaman ako.

Naiinis ako sa mga tao, mahilig mantrip ang mga katulad mong lalaki samantalang maarte at walang kibo naman ang mga babae.

Alam kong hindi ako nababagay sa pangmayamang eskwelahang ito.Pero anong magagawa ko? Scholar ako dahil sa anak ako ng katulong ng mayari ng school na ito,pero ikaw? Ibang iba ka sa kanila. Hindi lingid sa kaalaman mo ang estado namin sa buhay ngunit ni hindi mo ginustong lumayo.

"Tahan na, andito lang ako"

paguulit mo sa sinabi mo kanina.

tiningnan kita. Nakalahad ang iyong palad at nakangiti ka ng matamis.

Alam mo bang napakaganda ng ngiti mo?

Iniwas ko ang tingin kong nakapako sa mukha mong napakaamo.

Akala ko Katulad ka rin nila, mayaman ka rin kasi.

Pinilit kong lumayo, pero alam mo bang nakakainis ka? sunod ka ng sunod!

Nililigtas mo pa ko sa mga bumubully sakin.

Minsan nga nakita kitang nakikipagaway sa mga bumubully sakin.

Naiiyak ako.

Hindi dahil sa binubully nila ako.

Kundi dahil sayo.

Pagkatapos mong makipagaway nilapitaN mo ko. Katulad ng palagi mong ginagawa, nakalahad ang kamay mo at nakangiti ka ng matamis.

"Tahan na, wala na sila oh"

Pinilit mong hawakan ang kamay ko at hinayaan ko naman yun.

at sa unang pagkakataon,

Naramdaman ko ang kuryente.

Kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

Hindi rin nagtagal naging magkaibigan tayo.

Pakiramdam ko ligtas ako pag malapit ako sayo. 

Para akong nasa langit pag nginingitian mo ko.

Parang walang mananakit sakin sa tuwing yakap yakap mo ko.

Tumagal ang pagkakaibigan natin.

Ang tapang tapang mo.

Ang bait bait mo pa.

Alam mo bang bukod saking ina, Ikaw ang kaisa isang tao na nagpakita ng ganyang pagpapahalaga sakin.

Bwisit ka talaga eh!

Para kang garapata na nakadikit sa buong sistema ko.

Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong mahulog sa iyo.

Pero kinimkim ko yun. Ayokong isipin mo na sinamantala ko ang kabutihang ipinapakita mo sakin.

Naging masaya tayo, madalas nakatambay sa ilalim ng malaking puno sa may bandang likod ng eskwelahan, Madalas mo rin akong kantahan.

Isang araw nakita kitang may tinitingnan na papel. Isa yung paunlak sa mga nagnanais na maging singer.

Kitang kita ko ang ning ning ng mata mo.

Naikwento mo nga palang pangarap mo ang pagawit.

Pero ayoko, natatakot kasi akong baka pag sumikat ka kalimutan mo ko, alam ko namang hindi ka ganun pero natatakot parin ako.

Natatakot kasi akong baka pag nakilala ka na marami nang humanga sayo.

Natatakot akong mawalan ka ng oras para sakin.

Angdami kong kinatatakutan kung sakali mang sumikat ka.

Gusto kong pigilan ka, pero dahil kaibigan mo ko obligado akong suportahan ka.

Nagaudition ka at tulad ng inaasahan ko, natanggap ka.

Nagkaroon ka ng mga gigs at naging lead vocalist ng isang banda.

Miss na miss na kita.

Miss na Miss na ang kaibigan ko.

Miss na miss ko na ang mahal ko.

Inaasahan ko naman na magiging busy ka pero pwede bang humingi ng isang araw na para sa atin lang?

Pwede bang humiling na kumanta ka pero para sa akin lang?

Pwede bang bumalik tayo sa panahong ikaw at ako lang?

Andami kong gustong hilingin sayo.

Andami kong gustong sabihin pero lahat ng yun nawawala pag nakikita ko ang kasiyahang naibibigay sayo ng pagawit.

Dumating ang araw na halos isang beses sa isang linggo nalamang kung tayo ay magkita, nabalitaan kong may nagaalok sa inyo na isang sikat na agency. Papasikatin daw kayo.

Sobrang saya mo Habang ikinukwento sakin ang mabuting balita kuno na yan.

Gayunpaman pinilit kong maging masaya para sayo, kaibigan mo ko kaya susuportahan kita.

Sumikat ka na talaga. Amdami nang nakakakilala sayo. Andami nang umiidolo sa boses mong kay lamig.

Palagi akong nanunuod ng mga concerts, interviews at TV guestings nyo.

Sobrang layo mo na.

Isang araw bigla mo kong tinawagan, naghimala yata ang langit.

Ang sabi mo may mabuti kang balita at puntahan kita sa malaking puno sa likod ng school.

Mabuting balita nanaman?

Sa tuwing sinasabi mo yan palagi kang napapalayo sakin eh.

Nadatnan kita doon,likod mo palang napaka gwapo na.

Kamustahan, batian at pakiramdam ko ang layo mo kahit na kalapit lang kita. Naiilang ako sayo at pakiramdam ko naiilang ka rin sa akin.
ß

"Ano nga pala yung balita mo?" -Tanong ko

Pero sana pala hindi ko nalang tinanong.

Sana pala nanahimik nalang ako.

kasi yung sagot mo..

Yun yung tuluyang dumurog sa puso ko...

Ang sabi mo may kasintahan ka at mahal na mahal mo ito. Kitamg kita ko ang pagningning ng mata mo sa tuwing ikinukwento mo 'siya'.

pinigilan ko ang luha ko. Pero wala eh. Traydor ang mga ito.

Inamin ko sayong mahal kita pero ikaw?

Niyakap mo lang ako. Sobrang higpit ng pagkakayakap mo. Sinabi mo pa nga na huwag muna tayo magkita hanggat hindi pa ako nakakamove on.

Bakit ganoon Thomas? Bakit sobrang sakit?

"Tahan na, makakalimutan mo rin ako"

Pagkaraan ay iniwan mo na ko...

Dito sa lugar kung saan tayo unang nagkita.

Dito sa lugar kung saan mo ko pinasaya.

Dito sa lugar kung saan ko nalaman na mahal na pala kita .

At dito sa lugar kung saan nasasaktan ako ng sobra.

Nagsimula tayo ng umiiyak ako. Nagtapos tayo ng umiiyak parin ako.

Kasalanan ko bang mahal kita? kasi kung oo ayos lang sakin maging makasalanan.

Pasensya na kung minahal kita.

Paalam mahal ko.

-
Kassandra

One Shot: Tahan naCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang