"Mama?! May ilaw na po tayo?" - bungad ko pagdating na pagdating ko sa bahay dahil may tumutugtog yung radyo namin
Pumasok din ako agad sa bahay at dali-daling nilapag sa mesa yung bag ko at kinuha ko yung phone ko.
"Ah oo, kakabit n'ya lang ulit" - sagot ni Mama na nasa may kusina at nagluluto
Dali-dali kong kinuha sa cabinet yung charger ng phone ko at sinaksak yun, "May trabaho na po si Papa?"
"Oo, tinulungan s'ya ng kaibigan n'ya. Binigyan n'ya rin nga ako eh pero di ako permanent. Ayos na yun kesa sa wala." - Mama
Tiningnan ko muna yung screen ng phone ko kung nagchacharge. Pumunta ako sa kusina at tinulungan si Mama sa ginagawa n'ya.
"Uhm, Mama?"
"Mmm?" - Mama
Napatahimik ako. Iniisip ko kung sasabihin ko ba o hindi...
"Ba't hindi ka pa nagbibihis? Baka magkadumi yang uniform mo" - Mama
Nginitian ko lang si Mama.
"M--"
"Nga pala anak! Bumisita sa bahay ang ninang mo" - Mama
"Si Ninang Rosa po?" - Ako
"Hindi. Si Ninang Leny mo. Nangungutang sa'kin e parehas naman kaming wala." - panimula n'ya
"Hay naku. Yung ninang mong yon, kung ginawa n'ya yung sinasabi ng inay ko, nako, mayaman dapat yun. Katali-talino nung araw e -- nag guro lang." - dagdag ni Mama sabay kuha ng manok sa ref
Hinabol ko lang naman ng tingin si Mama at tinitigan s'yang binubuksan yung lalagyan ng manok at nilagay ito sa isang plato.
"Baka po... yun talaga ang gusto n'ya..." - Ako
"Hay ewan ko ba dun. Handa na ngang tumigil ang kapatid kong isa para lamang magtuloy s'ya sa pag-aaral ng medisina tapos binalewala lang. Pinagpatuloy mag guro dahil gusto raw n'yang maghatid ng kaalaman sa mga kabataan. Hay. Sayang lang talaga. Kung ako yung matalino, edi sana, doktor ako" - Mama na halos gulungin na yung manok sa toyo
"Edi hindi n'yo makikilala si Papa?" - loko ko
Tumigil s'ya sa ginagawa b'ya at tumingin sa'kin. Tawa lang ang naisagot ni Mama, "Baka nga. Ano nga pala ulit yung sasabihin mo kanina?"
"Ah..." - sabi ko sabay tingin dun sa kamatis na nasa chopping board
BINABASA MO ANG
(Short Story) Loving J
Teen FictionKilalanin si Jaimee, hindi kilalang estudyante dati pero isa na ngayong kinikilalang tao sa paaralan nila dahil sa wattpad. S'ya si 'jaimee_JLM', ang sumulat ng 'Loving J', ang pinakasikat na kwento sa wattpad! Pero ang hindi nila alam ay -- hindi s...