Chapter 4

1.3K 28 0
                                    


Ara's POV

Nagising ako sa ingay na naririnig ko. Ang aga aga ingay ingay na agad. Tumingin ako sa orasan ko at nakitang  6 a.m pa lang. Bakit ba sobrang ingay ni Carol? Nagtakip ako ng unan baka sakaling makatulog ako. Ang aga pa kasi talaga.


"Ara"


Ughhh patulugin mo muna ako Carol, hindi ko siya pinansin at nagpanggap na tulog para tigilan niya ako.


"Ara, Ara"


Huhu Carol bakit ka ganyan. Umupo ako at nagkusot ng mata.


Ara: Ano ba yan Carol! Ang aga a.......

Cienne: Good morning Ara :)

Ara: Goodmorning Cienne inistorbo niyo naman tulog ko eh :(

Cienne: Bakit? Maganda ba panaginip mo?

Ara: Hindi naman pero kasi ang aga pa haha. Ano pala ginagawa mo dito?

Cienne: May pupuntahan lang kami ni Carol. Sama ka?

Ara: Ay pass muna ako Cienne :) Magkikita kami ng kaibigan ko eh.

Cienne: Ay ganun ba sayang naman. Sige ha, next time sama ka samin. Mag breakfast lang sana kami nila Carol and nung roommate din namin ni kambal.

Ara: Yah sure next time. :)

Carol: Cienne tapos na ako. Tara na. Diretso na lang daw si Cams at yung roommate niyo sa Jollibee.

Cienne: Bye Ara :) Alis na kami.

Ara: Sige ingat kayo ni Carol :)


Umalis na si Cienne at Carol dahil hindi na ako makatulog ay naligo na ako. Pagkatapos ko maligo ay nagcheck naman ako ng phone ko. 3 new messages. 1 mula kay ate Kim at 2 galing kay Thomas :">


From: Wafs
Wafs! Ano oras pasok mo? Kita tayo ha?

To: Wafs
10 pa wafs. Sige pasok ako ng mga 9 para makapag kwentuhan tayo.

From: Thomas Torres <3
(4:00 am) Good morning Ara! :) Don't forget to eat bago ka pumasok.

(5:30 am) Ingat ka pala sa pagpasok :* talk to you later Arababy!


Haaaay umagang kay landi. Hahaha.

Hindi ko malaman dito kay Torres kung sweet ba siya sa akin or talagang ganyan siya. Nako mejo pa-fall oh wait na-fall na pala ako bago siya maging ganyan sa akin hahaha.


To : Thomas Torres <3
Good morning din :) Ang aga mo nga talaga gumising ah. Busy ka today?


Nilapag ko muna ang phone ko at kumain na. Tumunog ang cellphone ko at dali dali kong kinuha at binuksan ang message. Ayy si ate Kim pala :(


From: Wafs
Sige wafs kita nalang tayo doon sa may tambayan natin ha. :)

To: Wafs
Ok sige :) Paalis na din ako. Ayusin ko lang gamit ko.


Inayos ko na ang gamit ko at nilock ang pinto. Pumunta na ako sa school at dumiretso na ako sa tambayan namin ni ate Kim. Nakita ko siyang nakaupo doon. May kasama siyang babae, tinignan ko maigi yung kasama niya pero hindi ko pa ata talaga siya nakita.


Ara: Hi Wafs! :)

Kim: Hi Ara nga pala, si Cyd :)

Cyd: Hi Ara :)

Ara: Hello Ate Cyd :)

Kim: Upo ka muna wafs.


At umupo na nga ako. Hmmmm sino kaya tong magandang kasama ni ate Kimmy, nililigawan niya? Wala naman siyang nabanggit sa akin noon eh. Kakatampo naman to :(


Kim: Alam ko iniisip mo Ara. Hahaha wag ka na magtampo heto na nga oh, ikaw una kong sasabihan :) Eto nga pala si Cyd Demecillo, girlfriend ko.

Ara: Grabe ate Kim, hindi mo man lang ako ininform nung nililigawan mo pa siya. Di ka man lang nagkwento :(

Cyd: Nakwento niya sakin Ara na baka magtampo ka, pero ako yung nagdecide na wag muna akong ipakilala hangga't hindi pa kami. Ayaw ko lang maattach sa friends niya tapos hindi naman pala magiging kami. Pero wag ka mag-alala, pinahirapan ko naman si Kim. Hahaha

Kim: Oo wafs, grabe dusa ko jan nung nililigawan ko pa lang. 3 buwan din yun noh, oo mabilis pero araw araw ko ineffortan yan. Wala eh, mahal ko. haha.

Ara: Di ka man lang nagpatulong sa akin ate, iba ka na talaga. Big girl na ayyy... hehe. Congrats sa inyo! :)

Cyd: Salamat Ara :) hmmm sama ka pala samin mamaya. 6 pm jan lang sa may bagong bukas na resto.

Ara: Sige ate :) pupunta ako text text na lang tayo mamaya ha.

Kim: Sige Ara una na kami ni Cyd. See you later.

Ara: Sige. Bye Wafs, bye ate Cyd :)


Umalis na sila at nagpunta na ako sa classroom ko. Habang papunta ako sa room ay may nakita akong babaeng nakahood. Si Mika ata yun? Parang may kausap siyang babae. Malapit na ako sakanila at mag ha-hi na sana ako nang bigla siyang sampalin nung babae.


Girl: Napakawalang hiya mo talaga! Wala kang kwenta!


Nakita kong nag smirk si Mika, anong problema ng babaeng to? sinampal na nga siya nakangiti pa din? Baliw na ata tong taong to. Nakita kong sasampalin ulit siya nung babae pero may isa pang babaeng dumating at pinigilan ito sa pagsampal niya.


Girl2: Ano sa tingin mo ginagawa mo sa girlfriend ko?!


What?! Girlfriend?!


Girl1: Anong girlfriend mo? Eh girlfriend ko yan eh.


Ay patay, nagkandaloko loko na. Napakababaero naman pala nitong si tangkad. Nanlaki ang mata nung pangalawang babae. Kaya't humarap siya kay Mika.


Girl2: Totoo ba tong sinasabi niya? Baby hindi mo naman ako niloloko diba?


Nakita ko nanamang nagsmirk si Mika. Aba'y siraulo din tong babaeng to eh. Sinampal tuloy siya nung isa pang babae, na agad naman nagsisi sa ginawa niya.


Girl2: I'm sorry babe. Okay lang kahit magloko ka ng paulit ulit wag mo lang akong iwan.


Ay nakakaloka si ate, ano bang meron si tangkad at ayaw niya pakawalan kahit niloko na siya? Di ko namalayang kanina pa ako nanunuod sa kanila, napansin ko na lang na nakatingin si Mika sa akin. Hindi ko pa din kita yung mata niya pero alam ko at ramdam ko na nakatingin siya sakin.

Yumuko nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad nakarinig na lang ako ulit ng 2 pang sampal at nakita ko yung isang babaeng tumakbo habang naiyak. Kinalimutan ko na lang ang nangyari at nag punta na sa aking klase. I can''t wait na matapos na ang araw na to ng makapag kwentuhan na kami nila ate Kim at ate Cyd.

I Will Save YouWhere stories live. Discover now