"Naisip ko ng sumuko, gusto ko ng sumuko, pero hindi pwede."  hindi pwede dahil alam kong makakaya namin 'to.

Alam kong madami ng tao ang humiling nito, at wala pang pinagbibigyang ng ganitong himala; but I will wish this, and pray for it, sana sakin na lang binigay yung sakit ni Mayu, sana ako na lang ang naghihirap, wag sya, marami pang pangarap si Jd sa kanya, mahal na mahal nya ang mga anak nya. Ako na lang  Tutal ako naman yung maraming kasalanan eh ..

Nakapikit at nakatingala kong dalangin sa Kanya, yun lang ang gusto ko.

"Umiiyak ka na naman .." and a soft finger touches my skin and wipe all the tears.

Pagmulat ng mata ko ay nakita ko ang nakadilat na si Jd, he's looking at me while wiping my tears.

Wala sa hiniling ko ito. Pero binigay nya. Because He has a reason.

"Jd?"

"Babe, tahan na .." nangingiti na umiiyak ako sa harap nya.

He's finally awake!

Nang kumalma ako ay tinawag ko ang Doctor para matingnan sya, It's really a miracle. Napapangiti na lang ako habang inaayos yung mga gamit nya, kasalukuyang naliligo si Jd, bukas daw ay pwede na syang madischarge, tamang tama para sa birthday nila Mayu at Miyu sa susunod na araw.

"Babe, how's your preparation about Miyu and Mayu's party?" tanong nya sakin paglabas.

"I didn't prepare. Masyado kasing busy eh .."

"Eh paano yan?"

"Makita ka lang nila i'm sure masaya na sila .."

"How's the two boys?"

"Fine. Except Iko, nakakaramdam na sya about kay Mayu at sayo, naoverheared nya yata sa mga kasambahay natin. Kinulit nya ako sa pagsama dito. But i refuse."

Lumapit ako sa kanya at inayos yung tshirt nya.

"Magpahinga ka na .."

"Join me here .." hinugot nya ako palapit sa kanya at niyakap. "I miss you Babe .."  naramdaman ko yung mainit na hininga nya sa leeg ko 

Ngayon masaya na ako na ok na si Jd, about naman sa kaso nya ay naayos na ni Dad. We can move on now. Magkatabi kaming natulog sa kama nya.

Maaga kaming nagprepare para umuwi, miss na miss na ni Jd ang mga anak nya. Nabanggit ko din sa kanya yung about sa EK na unfortunately, hindi sumama sila Iko at Elo, dahil daw di din naman kami kasama.

"Sino nakamiss kay Tatay?!" bungad ni Jd pagpasok namin sa bahay, they are all playing sa sofa kasama si Mommy at Daddy.

"Tatay!" masaya nilang salubong.

"Daddy!" nakigulo din si Mayu sa kanila.

Jd bought them a lot of toys and snacks. Nagshopping muna sya before kami umuwi, ganyan nya kamiss ang mga anak nya.

Tumabi akong naupo kay Mommy at Daddy, sya din naman na baba ni Ate Ella galing sa taas.

"No more tears, just smile." i rest my head on Dad's shoulder. Tinawagan ko na sila kagabi about Jd's situation. At ang saya tingnan nila Jd, kalong nya si Mayu, nasa likod naman nya si Miyu na nakayakap sa leeg nya, Elo beside him and Iko who's in front of him. Such a Beautiful scene!

"Congrats! You already passed .." natatawang tumabi din samin si Ate.

"Tao po! Maniningil lang ng utang! Anjan po si Dale?" tanong ni Ivan sa pinto.

"Wala. Nag abroad!" sigaw ni Jd.

"Ah akala ko nagpunta ng langit, baka naligaw, nakalimutan sa ilalim pala punta!"

"Loko loko!" sabay lapit ni Ivan at nag fist to fist sila.

"Alam mo bang ako na ang bagong CEO. Kaya ikaw karirin mo na lang pagiging House husband mo ."

"In your dreams!"

"Ge una na ko Ma'am!" paalam ni Ivan samibln. "Dumaan lang ako para silipin si Sir, mas gwapo pa din pala ako eh .."

Naiiling na lang kaming lahat paglabas ni Ivan sa bahay namin.

"Gusto nyo bang mamasyal?" tanong ni Jd sa kanila.

"Yes! Yes! Yes!" chorus na sigaw nila.

"Sino gusto sa Enchanted

Kingdom?!"

"Waaaahhh! Me! Me!" sigaw ulit nila.

"Ok we're going to Enchated Kingdom!"

"Yehey!"

Ewan ko ba kay Jd sabi ko ng magpahinga muna sya dahil baka mabinat, ang sagot ba naman sakin eh, isang bwan na daw syang nagpahinga, pinagbaon nya kami ng mga damit at ilang personal na gamit, balak pa yatang mag overnight sa EK.

And after a rain, there's a rainbow right?

---

Hindi ibig sabihin ng mga luha na pumapatak sa mata mo ay nasasaktan ka at nadadala ka sa istoryang binabasa mo, kung hindi ang bawat letra nito ay tumatatak sa puso mo at nagiging inspirasyon sa mga problemang darating sa'yo.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon