Confirmation

1.1M 17.3K 3.8K
                                    

Asha's POV

Morning na at magpe prepare ako ng favorite snack ng kambal at ni Jd, magbe bake ako ng cookies. Maaga akong gumising para ayusin ko ang pagkain namin.

"Good Morning Manang!" bati ko kay Manang na kusinera namin na nagluluto ng agahan.

Mukhang nagsasangag ata sya ng kanin, dumiretso ako sa cabinet kung saan nakalagay ang baking equipment ko. Maya maya bigla ko na lang naramdaman yung amoy ng bawang na nanuot sa ilong ko, kasabay nun ay ang pakiramdam na naduduwal ako.

Mabilis akong lumapit sa lababo at dun sumuka.

"Ma'am sorry po! Nakalimutan kong-"

"Ok lang Manang. " naupo ako at nagpahinga.

"Sa tingin ko Ma'am maselan kayo magbuntis no?" tanong ng katulong namin.

"Bakit po?" takang tanong ko.

"Ganun daw po talaga pag babae, maselan sa lahat ng bagay .."

Napaisip ako sa sinabi nya, oo nga this past few days napaka prim and proper ko, i want all things fall perfectly, madali akong mainis pag nakakita ng mga nakakalat na toys ng kambal.

Pero napangiti din ako ng maisip kong babae naman ang pinagbubuntis ko, How I love to have a princess to the family, naiisip ko pa lang natutuwa na ako, I'm sure Iko ang Elo love to protect our princess, parang si Dara, laging bantay sarado sa mga kuya nya, kaya nga minsan laging tumatakas yun para makalaro si Elo. I don't know kung bakit ayaw nya kay Iko, she always kept on saying alien daw si Iko and on the contrary ayaw din naman ni Iko sa kanya, crazy girl nga ang tawag nya kay Dara eh.

Inumpisahan ko ng magluto ng pancake habang si Manang ay nagluluto ng heavy meal, alam nyo na si Jd hindi pwedeng hindi kakain ng rice sa umaga.

"Goood Moooorniiiiing Nanaaaaayyyyy!" masiglang bati sakin ng kambal at kasama pa si Jd.

"Good Morning .. wow! Nag brush na kayo ng teeth nyo?" tanong ko sa kanila ng makitang nakapagpalit na sila ng damit.

"Yes Nay! Si Tatay po naghelp samin!" masiglang sagot ni Elo.

They're going to be three years old na, parang dati lang ang liliit pa nila, ang bilis talaga ng panahon. Parang di ko pa kayang makitang may nililigawan at nagkaka crush na ang mga anak ko.

"Sit properly .." utos ni Jd at isa isang naglagay ng plate.

"Nay want cookies!"

"Later Elo.. "

At ginamitan na naman nya ako ng puppy eyes nya.

"Eat your breakfast first." sabi ng tatay nila habang pinagsasalin sila ng gatas.

"But I-"

"Pag sinabi ng nanay nyong later, makinig kayo, matuto kayong sumunod, hindi yung ipagpipilitan nyo ang gusto nyo." pangangaral ni Jd.

"Ok later ..." malungkot na sabi ni Elo na nakatungo pa.

"Babe isa nga lang, kawawa naman Baby ko!" sabay dampot ni Jd ng cookies at bigay kay Elo na ngumiti naman agad. Sinamaan ko ng tingin si Jd; wag daw i-sploiled pero sya ang nangunguna. Di talaga nya matiis ang anak nya.

"Tay ako?" ungot ni Iko.

"Oh eto." abot din nya ng cookies kay Elo naiiling na lang ako sa ginawa nya.

"Galing mo talaga Tay! You're the best!" naka thumbs up pa si Iko.

"Jan kayo magaling pag may kailangan kayo. Hoy sinasabi ko sa inyo dalawang taon pa lang kayo, hindi porke matalino kayo gagamitin nyo yan sa mga kalokohan nyo, kung makaasta kayo akala nyo bente anyos na kayo! Ayusin nyo yung ugali nyo, ayokong maging basagulero kayo paglaki nyo " daldal ni Jd habang pinagsasandok ng kanin ang mga bata.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon