"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Wala sa likod, wala sa harap. Pagkabilang ko ng sampu nakatago na kayo."
"Isa..."
"Dalawa..."
Ang bilis naman nito magbilang.tsk. "sandali lang" sigaw ko pagbalik. Nakakaloka hindi pa nga ako nakakahanap ng pagtataguan ko eihh.
"A----pat..."
My gash. Wala na ba talagang ibang taguan dito. Bakit ba kasi dito pa namin pumiling maglaro.
"Pssst. Jhanna"linibot ko ang paningin ko at nakita ko ang batang kalaro ko.
"Bakit?"-_^ masungit kong tanong.
"Dito ka na lang dali" Sabi sa akin at linahad ang kanang kamay niya
Ay kaberg feeling ko tuloy isa akong prinsesa. Lol. Pero isa naman talaga.
"Eh paano kung ayaw ko -_^" malay mo may gawin siyang masama sa akin. Aba! Di bale. Kakaratihin ko na lang.
"Ikaw na nga ang inaalok. Arte mo. Sige bahala kang mataya" ako pa talaga ang tinakot niya ahh. Hindi niya ba kilala kung sino ako.
"Siyammmm..."
Shit. At wala na akong nagawa kung hindi ang sumama sa walang hiyang ito.
"Hoy bata! Umurong ka don at makikitago rin ako" nahuli ko siyang napairap. Kunin ko dalawang mata mo eihh.
"Siyam kalahati---"
*lubdub lubdub*
Shit. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang kumabog ng ganto kabilis ang puso ko. Langya. Namumula pa ata ako eih. Tinitigan ko ung katabi ko. 'A-ang gwapo niya' hihihi. Tinitigan ko pa lalo ang mukha niya.
'Bakit ang perfect niya??'
Hindi niya naman ako nahuhuli kaya keri lang.
"Sampu.."
*BANG*
"Tangna! Saan nanggaling iyon?" Tanong niya sa sarili niya. Tumingin siya sa akin ng biglaan. At bigla na naman akong namula. langya. Ang landi mo Jhanna.
*BANG*
At doon lamang ako nagising sa pagpapantasya. Natunton na naman nila ako.
Bigla-bigla na lang tumulo ang mga luha ko.
"Natatakot ako" mahina kong sambit sa pagitan ng mga hikbi ko.
Nakatitig lang ako non sa kawalan habang patuloy siyang nagpapaputok ng baril. 'Nakita niya na naman ako' sabi ng isa kong utak. Hindi pwede. Pinunasan ko ang luha kong patuloy na umaagos.
Naramdaman ko na lang na yinakap ako ng batang lalake ng mahigpit.
"Sshhh. Tahan na. Hindi kita iiwan bata. Aalis tayo rito".
Napanatag ang kalooban ko. Pero,---
"Nandiyan ka lang pala prinsesa." nanlaki ang mata ko nang itinutok niya sa kayakap kong bata ang baril.
*BANG*
YOU ARE READING
Hide And Seek
Teen FictionFor my entire life, hiding is my favorite activity. Every time that I do this, it feels that I am free. How ironic right?... But how long do I need to hide?, if theres a lot of hunter, waiting patiently just to see me. I am Jhanna Irish Night. And...
