1 | Isa
Kakagising ko lang. Alam niyo ba kung anong oras ngayon? Alas-tres palang. Oo aga pa 'no? May pasok pa kasi ako at kailangan kong gumising ng umaga. Traffic kasi eh.
Nagluto ako ng pang-almusal.
Ako nga pala si Taeyong. Ng bohai niyo. Nag-aaral ako sa FEU subalit ako lamang ay isang eskolar kaya nakapasok ako diyan.
May mga kaibigan din ako, sila Chittaphon, Mark, Jaehyun, Sicheng at Yuta.
Hindi ko alam pero alas-singko palang ay ready na akong pumasok sa eskwelahan.
“Nay babay!” pagpapaalam ko sa nanay ko.
Naglalakad ako kahit mausok dito sa tinitirhan kong eskinita.
Napakasikip naman dito.
Kaya lagi akong may baong alcohol. Bigay sa akin ng isang kaibigan ko.
“Hoy Chittaphon!” nakita ko ‘yung isa kong kaibigan.
“Oh bakit?”
“Tara sabay na tayo.”
Naglalakad lang kaming dalawa. Medyo hindi naman malayo ang FEU pero traffic kasi e. Kaya maglalakad nalang muna kami patungong sakayan ng jeep.
Siksikan na nung nakasakay kami.
Ang baho pa ng katabi ko. Mukhang walang ligo.
“Para po!” sigaw ni Ten.
Andito na kami.
Sana’y subaybayan niyo ang kwento naming nakakagago ngunit magpapasaya sa inyo.
