Umiling siya. "Kung ako lang yung magiging dahilan ng pag iyak mo, di kita papaiyakin. Lalo na sa maraming tao." Aniya.

"CHESCA!" Nanuot sa kalamnan ko ang boses ni Hector pagkatawag niya sa akin.

Halatang galit at inis ang nakapaloob doon. Galit din ako kaya unti-unti kong pinunasan ang luha ko at matalim siyang tiningnan. Nakita ko na mabilis ang paghinga niya at pulang pula ang kanyang mukha habang tinitingnan kaming dalawa ni Harvey.

Ang mga tao sa paligid namin ay natigil na sa pagsasayaw. Napatingin sila samin kahit na nagpatuloy ang program sa harapan. Nakita ko sa likod niya si Kathy na nalaglag ang panga, si Abby na namumutla, at si Koko na puno ng simpatya ang mukha.

"Ano? Hector?" Matapang kong tanong.

"Anong 'Ano'?" Hinigit niya ako palayo kay Harvey.

"Bitiwan mo nga ako!" Sabay bawi ko sa kamay ko.

Nagtatanong ang mga mata ni Hector nang tiningnan niya ako at si Harvey. "Anong ibig sabihin nito?"

Nag alab agad ang galit sa dibdib ko. IKAW PA, PUTANGINA, IKAW PA ANG MAY GANANG MAGTANONG SA AKIN NG GANITO?

"Pare, hayaan mo na si Chesca-"

"TUMAHIMIK KA HARVEY! Di ka kasali dito! Relasyon namin 'to. Amin! Kaming dalawa! At akin ang babaeng sinasayaw mo!" Halos sugurin niya si Harvey. "Ilang beses ko ba yun ipapaalala sayo? Baka naman gusto mo pang basagin ko ang mukha mo para lang may maalala ka? Ha?" Sumugod si Hector at agad siyang inawat nina Koko.

"Chill, Hector. Hindi ko siya inaagaw sayo, alright!"

"Ako ang humila sa kanya!" Utas ko.

Tumingin si Hector sakin at nanliit ang mga mata niya. "B-Bakit, Chesca?" Namutla siya.

Kinunot ko ang noo ko at isa-isa silang tiningnan. Si Abby, Koko, Kathy... lahat ng naroon bago ako tumalikod at umalis sa court... Uuwi ako. Mag tatricycle ako kung wala si Teddy sa labas! Wala akong pakealam kung gabi na! Wala akong pake basta uuwi ako.

"Chesca!" Sinundan pa ako ng bruto habang naglalakad ako sa soccerfield.

Mas madali kasing makakalabas ng school kung di mo susundin ang pathyway.

"Sandali lang..." Narinig kong pumiyok ang boses niya.

Napapikit ako at may hangin na kumurot sa puso ko.

"Chesca! Mali yung iniisip mo!" Aniya.

Hindi ko ma explain kung ano yung naramdaman ko. Kung nagagalak ba ako o naiinis pa lalo.

"Chesca!" Hinawakan niya ang braso ko.

Agad kong binawi iyon at hinarap siya. "Bitiwan mo ako! Wa'g mo akong hawakan gamit ang kamay mong nakahawak kay Kathy kanina!"

Nakakunot ang noo niya at hinihingal. "Hindi ko siya hinawakan dahil gusto ko siya!"

"What? At anong tawag mo sa hindi mo pagsipot sakin? HA?"

Ang sarap niyang suntukin! Gusto ko siyang suntukin sa sobrang inis pero nanghihina ako sa mga mata niyang nagniningnig dahil sa full moon sa langit.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon