Chapter1

1 0 0
                                    

"Im Misaki Lias , 16 years old" Sabi ko sa harap ng klase hindi ko ineexpect na i-welcome nila ako dito. Im a new student , lumipat ako ng University dahil Isa ako sa mga favorite na binubully nila at sobra sobra na ang mga ginagawa nila kaya my parents decide na baka dito sa Maru Stome University mapaayos ang buhay ko.

Tinawag ako ng isa sa mga babae sa likod at dun ako pinaupo "Uy kamusta im Mariel San Jose , i think i met you before" Sabi niya sakin , hindi ko din naman maalala kung saan niya ako nakita kasi hindi naman din ako palalabas ng bahay.

"ay ikaw pala yung galing sa vinamit ! Hindi mo na ko matandaan? ako yung nagligtas sayo nung muntik ka ng masagasaan ng bus ??" Sabi niya sakin

Flashback

"Ano? puro nalang kasi sayo lumalapit ang mga boyfriend namin! imbis na kami yung bigyan ng regalo eh sayo binibigay?" Sabi ni Princess , siya yung dakilang feeling feelingan na reyna ng school namin

"Hindi ko naman si in-entertain princess tama na masakit na yung ulo ko" Malumanay kong sinabi sakanya, Lalo niya pa akong sinabunutan kinuha yung mga regalo na binigay sakin ng boyfriends daw nila kahit hindi naman at binuksan nila yon

"hawakan niyo yang misaki na yan. pasagot sagot ka pa? hindi mo ko kaya misaki tandaan mo yan!" Sinabi niya ng harap harapan sakin

"Pagtinanong ni Jake tong necklace n to sakin sasabihin ko binigay mo sakin to at ano ang sasabihin mo?" Sabi niya sakin , gustong gusto ko na siyang patayin. Kaya ko siya kung siya lang magisa pero lagi niyang kasama mga kaibigan niya kaya feeling niya iisa lang siya ang sarap sarap niyang ilibing ng buhayyy!!!

"Sasabihin ko (kinuha mo sakin) binigay ko sayo" Sabi ko sakanya "Good to hear that misaki" hinalikan niya ko sa labi at sinampal niya ko , Shet wala na yung virgin kong lips, at kadiri kasi babae pa humalik dito!

"Iwan niyo na yan girls nakuha na natin yung kailangan natin. See you tomorrow Ms. Misaki *wink*" Sabi niya sakin , tumayo agad ako at inimis ang mga gamit ko , hindi ko na rin napigilan umiyak dahil sa sakit na ginawa sakin ni princess , kaya habang naglalalad ako ,  eh nakatungo lang ako

Habang nag lalakad ako at pinupunasan ang mga luha ko may biglang humila sakin at iniangat ang ulo ko "Ate! mag papakamatay ka ba ha? Sa susunod mag ingat ka naman, kung hindi kita nakita siguro patay ka na ngayon" Sabi sakin nung Magandang babae

"Sana nga namatay nalang ako.." bulong ko sa sarili ko , halatang nagulat siya sa sinabi ko at ibinigay nalang sakin yung panyo niya na hawak hawak niya "Te Broken hearted ka yata o ayan punasan mo muna yang luha mo.. Sayang ganda mo e! Sige na ate mag iingat ka ha? Aalis na ko kaylangan ko ng umuwi" Sabi niya sakin at umalis na siya papunta sa kanilang direksyon

End of Flashback

"ah! ikaw ba yun? Haha hindi ko na rin maalala eh ilang months na rin yon" Sabi ko sakanya , nakita ko na palingon lingon siya sakin at tila may gustong itanong sakin

"Umm Mariel hindi ako broken hearted non , Sinaktan kasi ako ng mga schoolmates ko dun sa vinamit kaya ako naiyak nun" Sabi ko sakanya dahil may kutob ako na yun ang gusto niyang itanong sakin

"Ay talaga?! Bwiset yung mga yun! Palibhasa mga panget"Sabi niya sakin sabay tawa ,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reality BeginsWhere stories live. Discover now