Introduction

1 0 0
                                    

Hey Guys.. i just want you to know na eto ay true story.. Sana ingatan din natin yung mga masasakit na salita kung mag ccomment kayo :)

-------

"Bakit ka nandito? kanina ka pa ba dian sa gilid?" Tanong ko , kakatapos lang namin magusap ng mommy ng ex boyfriend kong si christian

"oo kanina pa" Sabi niya , lumabas ako ng bahay at binuksan ang gate , nilapitan ko siya

"Ah... narinig mo yung usapan namin?" Tanong ko sakanya , tumango siya na nagpapahiwatig na oo

"Bakit ka nandito? Gusto mo ng tubig? Tara dun tayo sa kubo" Pagyaya ko sakanya , pinaupo ko siya sa kubo at kumuha ng tubig.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko ulit sakanya , hindi ko maiwasan na hindi titingin sakanya. Hinawakan nya yung kamay ko at sinabing "Eh nandito lang ako kasi gusto ko malaman kung anong ginagawa mo... kung umiiyak ka pa ba"


eh loko pala to.. pano hindi iiyak nagpakita ka nanaman sakin "Ok lang ako Christian.. Matagal na" ngumiti ako sakanya at pinakitang masaya nga ako

"dito ka nga sa tabi ko" lumapit ako sakanya at dun tumabi "Nandito n rn ako para mag sorry s lahat, hindi ko naman gustong iwan ka e" Sabi niya sakin , hindi ako tumitingin sakanya at nagsimula ng lumambot ang puso ko at tumulo ang luha

"Sorry kasi nakipag break ako.. Hindi ko na kasi talaga magawa yung mga gusto ko, atleast ngayon nakakapagbasketball n ko hanggang gabi. nasasamahan ko n yung mga gusto kong samahan at nappuntahan ko yung gusto kong puntahan, yung wala ng napigil sakin" Habang sinasabi niya yun sakin feeling ko hadalang lang ako sakanya , habang sinasabi niya sakin yun hindi ko na mapigilan pa yung pagiyak ko


"Tumingin ka naman dito" Sabi niya sakin , hindi ko yun sinunod "Sige tignan natin kung anong feeling na kapag yung kausap mo d nakatingin sayo" Lumingon siya sa ibang direksyon at sinabi yung mga bagay na hindi na niya nagagawa


"Diba sabi ko gusto ko lang magpaalam ka. Kasi nagaalala lang naman ako, Hindi naman kita pipigilan sa gusto mo" Sabi ko sakanya habng patuloy na naiyak sa harap niya

"Sabi mo tulungan kita pero hindi mo naman inaapply yun sa sarili mo eh so pano kita tutulungan.. pero hayaan na.. nakipag hialay ka na sakin at wala na kong magagawa dun... sinubukan kong maging maayos tayo pero wala ka namang ginawa kundi hayaan nalang" Sabi ko sakanya at humarap ako sakanya


"Akala ko Hindi ka n nasasaktan... akala ko hindi ka masasaktan pag pinaunti unti kita.. Oo Pinaunti unti kita kase akala ko ikaw na mismo ang aayaw.. pero mas lalo pa pala kitang nasaktan.. Sorry" Sabi niya sakin , pinunasan niya ang luha ko at niyakap ng mahigpit dahil bumuhos na ang iyak ko ng sinabi niyang pinapaunti unti na niya ako.. ibig sabihin matagal ng nawawala ang pagmamahal niya sakin



"Akala ko talaga ikaw n yung kusang susuko sorry Misaki" Sabi niya sakin. Wala akong masabi sakanya kundi umiyak nalang sa balikat niya.


"Huling punta ko na dito. hindi na ko pupunta dito sana magiingat ka palagi.. mahal n mahal parin kita pero kailangan na kasi talaga kitang iwan dahil pagod na pagod na ko, pero hindi ako aalis dito hanggat hindi ka pa ok"


"Ah haha... Ok na ko christian wag ka magalala.. magging ayos din ang lahat.. bakit hindi ka na umuwi hinahanap ka na ng mommy mo for sure.. sorry kung sinabi ko sa mommy mo ah" Sabi ko sakanya at niyakap ko siyang muli

"Last kiss.. and last hug" Binigay niya sakin yun at sinamahan ko siya hanggang sa labas ng bahay


"Byeee ingat ka ha??? ok lang ako" Habang patuloy na natulo ang luha ko ay pinilit ko paring ngumiti para sakanya

"pumasok ka na .. mas magiging masaya ako pag pumasok ka na ng bahay niyo" Sabi niya sakin, sinunod ko siya at buti nalang d nya nakita ang pagpatak ng mga luha ko


umakyat ako sa kwarto at dun binuhos ang aking sama ng loob dahil hindi ko matanggap na sa ilang taon kaming nag sama eh mawawala eto ng tuluyan





*DarkPinky
*HerStory
*RealityBeginsPt.1

Reality BeginsWhere stories live. Discover now