Chapter 69 - It's Over Now

8.5K 121 56
                                    

Pagkatapos ng paghihiwalay nina Thomas at Ara....

Si Ara dumiretso sa dorm........

ARA POV

Bakit ganun? Feeling ko niloko ako. Kala ko hindi niya magagawa sa akin yun. Bakit hindi niya ako mabigyan ng maganda rason kung bakit gusto niyang tapusin ang lahat ng namamagitan sa amin. Kala ko okay na lahat. Parang sinuka lang niya lahat ng mga pangako niya sa akin. Ang sakit lang dahil umasa ako, naniwala ako na lahat ng iyon ay totoo.

Pero hindi pala. Hindi naman na ako nagtataka dahil ganyan naman silang mga lalaki. Hanggang salita lang. Pag nakahanap ng bago, bigla na lang nangiiwan.

Pabalik na ako sa dorm namin at para akong nabunggo, nasagasaan, natapakan, at kung ano ano pa. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit sakit talaga. Pero parang naubos na lahat ng luha ko. Nakatulala na lang ako ngayon palakad sa dorm namin. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi sa sobrang daming tanong na tumatakbo sa isip ko. Hindi ko akalain ganito ang kahahantungan ng relasyon namin ni Thomas. Hindi ko akalaing ganito kabilis at ganito ka sama ang pagtatapos.

Bakit nga ba kasi ang hilig ko umasa. Tsk.

"Bes! Uy, okay ka lang? Anyare sa mata mo?"

Nakapasok na pala ako. Grabe lang. Parang kusang gumagalaw yung katawan ko ng hindi ko nalalaman. Lumapit agad sa akin si Mika at hinawakan ang mga mata ko.

Mika: Bes. Anong nangyare sayo?

Me: Mika :( *hugs*

Hindi ko na napigilan. Niyakap ko siya at umiyak ako. Binuhos ko lahat ng luha ko na akala ko ay natuyo na. Bakit ba nangyayari sa akin to? Minsan na nga lang ako magmahal eh.

Mika: Be-bes anong nangyare?

Kim: Miks naki-- Vic? Vic! Bakit ka umiiyak?! *hugs Ara*

Hindi ako makabitaw sa yakap nila. Wala akong lakas. Hindi rin ako makapgsalita. Hindi ko matanggap. Bakit Thomas, bakit!

Me: Wa-wala na ka-kami.

Kim&Mika: HA?! Bakit daw?

Hindi na ako nakasagot pa at tuluyan na akong napaupo sa sofa namin. Walang tigil naman sina Kim at Mika sa paghimas ng aking likod. Nagiipon lang ako ng lakas para makwento ko lahat sa kanila. Walang wala ako. Lahat ng lakas ko sa katawan ay para bang nawala.

Mika: Shh. Sige bes. Iiyak mo lang yan.

Kim: Andito lang kami kung handa ka nang magkwento.

Makalipas ang ilang mga minuto, tumahan na rin ako.

Me: Sabi niya hindi na daw parehas yung nararamdaman niya sa relasyon namin, hindi na parang dati. Sabi niya hindi na daw kami nagwowork. Ito ang nakabubuti para sa akin. Sabi pa nga niya mahal daw niya ako. Tss. Anong klase yun? Mahal niya ako pero pinakawalan niya ako? Hindi ko maintindihan :( pilit kong sinasabi sa kanya na ipaintindi niya sa akin pero wala. wala eh. Feeling ko niloko ako. Hindi ako nabigyan ng magandang rason. Hindi ko talaga alam. *starts crying*

Little Too Late - Ara Galang and Thomas Torres - COMPLETEDWhere stories live. Discover now