PROLOGUE

3 0 0
                                    

˜˜˜˜˜˜

     "Papa! Huwag kang umalis. Papa! "

      Dinig na dinig sa buong paligid ang sigaw at ang pagmamakaawa naming magkapatid sa papaalis na ama. Habang tahimik naman na nagmamasid at umiiyak si Nanay sa ikatlong baitang ng hagdan. Tila ba wala itong balak pigilan si Papa.

       "Patawarin ninyo ako mga anak," mahinang sabi ni Papa.

        "Saan po kayo pupunta? Bakit 'nyo kami iiwan?" saad ko sa kabila ng pagpigil at pag-abot ng malaking bag na sukbit-sukbit nito sa balikat.

        Si Mik-Mik naman ay panay pangunyapit sa kaliwang binti nito upang ito'y pigilan din. "P-Papa . . . " basag ang boses nito.

        Yumuko si Papa at hinawakan ng dalawang mga kamay nito ang mukha ng kapatid ko na sa batang edad ay naiintindihan na ang nangyayari. Limang taong gulang pa lang ito. "Sa tamang panahon, babalik ako, bunso. Kukunin ko kayo at magkakasama na ulit tayo. "

        Nakita kong namumula na rin ang mga mata ni Papa tanda na malapit na rin itong umiyak. Bumaling siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "Nak, magpakabait kayo. Bantayan mo nang mabuti ang kapatid mo. Babalik ako para sa inyo. Pangako." Iyon lang at walang lingon-likod itong umalis.  

        Nang mga oras na iyon, alam ng batang isip ko na iiwan na kami ni Papa. Kung babalik pa ito'y walang nakakaalam. Gusto kong magtanong. Gusto kong magalit. Gusto ko siyang kamuhian. Ngunit sa kaibuturan ng puso ko'y umaaasa pa rin ako. Dahil nangako si Papa at natitiyak kong tutuparin nya 'yon. 

-- itutuloy --

Her TearsWhere stories live. Discover now