Napatingin ako kay Renz na tumabi sa akin at may hawak-hawak na libro na puno ng math equations.

Nasapo ko ang ulo ko. "S-sige na nga. Pero wag mo kong sisihin kung wala kang maintindihan ha?"

Nakangiting tumango-tango naman siya.

 ***

Kakatapos lang ng P.E. class namin at papunta na ako para magpalit sa girls' locker room.

"Hintayin ka na namin dito, Diane" sabi ni Tiars at kinawayan ako. Nginitian ko naman siya bilang tugon.

Papalapit pa lang ako sa locker room ay tumama agad sa akin ang masangsang na amoy. Napatakip ako ng ilong.

Ambaho naman! May tumae ba? Fudge!

Pero dahil kailangan ko talagang magbihis ay binuksan ko ang pintuan para makapasok. Ngunit tumindig ang balahibo ko sa nadatnan ko.

Hindi ko maiwasang mapasigaw ng malakas nang makita ang eksena.

Mukhang narinig ng iba kong kaklase dahil nagsilapitan sila sa akin.

"Anong nangyayari??"

"Bakit ka sumigaw, Diane?" nag-aalalang tanong ni Tiara.

Nanlalaki ang mga mata't nanginginig kong tinuro ang loob ng locker room. Sumilip sila sa loob at.. "AHHHHHHHH!!!"

"WHATDAHELL?!"

"OMYFUDGING GAHD!!"

"B-baket..."

Dahil sa maingay na komosyon namin ay nakaakit kami ng atensyon ng maraming estudyante at guro. Lahat sila'y nagtataka kung bakit lahat kami ay sumisigaw.

"P-patay na si Hans.. patay na.." mahinang sabi ko. Hindi ako makapaniwala. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong eksena.

 Biglang napaiyak ang iba naming kaklase sa nakita. Hindi dahil naaawa sila kundi dahil ngayon lang sila nakakita ng patay at hindi sila sanay.

"D-diane.. halika na" nanginginig na sabi ni Tiara at hinila na ako paalis.

Bumalik na kaming lahat sa classroom dahil nagsidatingan na ang mga pulis. Nakakapanibago dahil ang tahimik ng buong klase.

Pumasok ang sumunod na guro at napansing tahimik kami. Bigla siyang napabuntong-hininga at nasapo ang kanyang ulo.

"Class, I'm sorry for your loss. H-he was one of our smartest students but unexpectedly, he has to be brutally killed. But class, I've got something to tell you that I found out earlier. When the police we're examining the dead body, they found a note sticking out from his pocket. And I don't know why but it said.. 'Nagsisimula na ang laro 10-Neon'"

Killer-killerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon