At naisip ko ng oras na yun, naramdaman ko na ang naramdaman ni Ate nung mga panahon na wala ang mga mahal nya; naghahanap sya ng taong masisisi sa nangyari sa lanya, parang ako ngayon si Ivan ang sinisi ko sa mga nagyari.

Napaupo na lang ako sa bench at naiyak. I don't want this feeling, masyado na akong paranoid, baka mabaliw ako.

"Asha.."

"I'm sorry Ivan, I'm sorry .." sinubsob ko ang mukha ko sa palad ko.

Naramdaman ko lang ang paghaplos nya sa likod ko at ang pagtabi nya.

"Asha tandaan mo, ang problema hinaharap yan, wag mong tatakbuhan, dahil pag tinakbuhan mo lang, patuloy ka lang nyang susundan, at hindi matatapos hanggang walang susuko sa inyo, and make it sure, problema nyo ang susuko, hindi kayo." napatingin ako kay Ivan at napapatango na lang. "Andito lang kaming mga kaibigan nyo, handa kaming tumulong, you can do that Asha. Ayan si Dale nalasing lang yan kaya nakatulog, yaan mo bubuhusan ko ng tubig mamaya ng magising na .." hinawakan nya ang ulo ko at ginulo.

"Salamat Ivan .." niyakap ko sya at naramdaman kong di nga pala kami nag iisa, marami kaming kakampi.

"Oh tama na! Baka biglang magising si Dale at makita tayong magkayakap, sabihin pa nun nang aagaw ako!" natawa naman ako sa sinabi nya. "Alam mo naman si Dale full charge ang selos hormones nun pagdating sayo."

"Ash .." napalingon ako kay Ate Ella na karga na si Mayu. "Uy Ivan nandito ka pala.."

"Hindi. Kaluluwa ko lang 'to .. naglalakbay lang . " sagot ni Ivan.

"Che! Kunin mo nga yung gamit namin doon at padala sa sasakyan."

"Ay grabe! bumisita lang ako nautusan pa! Kailangan talaga magising na si Dale, laki ng ng utang nya!" sabi pa ni Ivan bago pumunta sa kwarto namin.

"Daddy?" tanong ni Mayu.

Nasa labas kami ng pinto ng private room ni Jd, kaya hindi kita ang loob, stable na kasi sya kaya pwede na syang ilipat.

"Daddy is working .." pilit akong ngumuti at kinuha si Mayu.

Nang makabalik si Ivan ay sabay sabay na kaming lumabas.

"Gusto nyo ipagdrive ko na kayo?" tanong ni Ivan.

"Sabihin mo na lang kasi, sasabay ka .. dami pang alam .." pagsusungit ni Ate Ella.

"Ge ganyan ka Ella, tamo .."

"Oh magdrive ka na . " abot ni Ate Ella ng susi kay Ivan.

Habang nasa byahe kami ay nakatulog si Mayu sa lap ko, tahimik sa loob ng sasakyan. Nilabas ko yung phone ko para itext si Manang na uuwi na kami, then I saw  my family, picture namin nung nabakasyon kami sa Batangas.

Ang saya at ang sarap balikan ng oras na iyon. Napahinga na lang ako ng malalim at ngumiti. We can do this. Malalagpasan din namin to.

Pagdating sa bahay ay sinalubong kami agad nila Iko, Elo at Miyu.

"Nanay!"

"Mayu!"

Automatic na nagising si Mayu sa ingay ng mga kapatid nya. Nilapag ko si Mayu at isaisang hinalikan ang mga anak ko, parang ilang araw lang akong nawala miss na miss ko na sila. I kiss them all.

Lalo na si Miyu na niyayakap yakap pa ang kambal nya.

Nangingiti na lang akong pinagmasdan sila, miss na miss nila ang isa't isa.

"Nay san si Tatay?" lapit ni Iko sakin. Ang laki laki na nya. Nakakatuwang kakilos nya si Jd.

"Nasa work si Tatay eh, pero babalik daw sya agad, promise nya   " sagot ko.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon