Weather No. 1 *Girlfriend*

151K 1.9K 240
  • Dedicated kay Jennelyn Raga
                                    

Weather No. 1

((-Sunny's POV-))

Anong girlfriend ka dyan! Girlfriend mo mukha mo!

"Lolo!" hinatak ako ni Cloud saka tinakpan niya bibig ko. "Ahhmph..hmp..ngmph."

"Ah Lolo Ed, pasensiya na po. Hindi ko...namin alam na biglang bibisita kayo ngayon."  Sabi niya.

"Ayos lang yun apo. Sige, lalabas muna ako so we could share breakfast."   ^__^ Paglabas na paglabas ng lolo ni Cloud.

*rawr

 Kinagat ko yung kamay niya. "Aish! Bakit ba kagat ka nang kagat?" tanong niya sa akin with the everlalu busangot face.

"Pinaglihi ako sa aso. Pakialam mo ba? Tsaka bakit mo ako pinakilalang girlfriend mo sa lolo mo hah?!" kakapang-init ng dugo. Masasakal na kita eh.

"Wala ka na dun. Basta magpanggap ka na lang." Bumaba siya ng kama.

"Oy! Anong wala. Duh?? Hindi pa nga natin kilala ang isa't- isa tapos magiging boyfriend kita?"  Paano kung hindi ako ang napulot mong babae. Paano kung magnanakaw? Hold-uper? Mamamatay tao? Or worse, rapist? Baka halayin ka niya.

"Oh eh di kilalanin. Problema ba yun?" sabi niya habang nakatalikod.

Bumaba na din ako ng kama.

"Ay! Kakaloka ka na! Ayoko pumayag. Ang kulet? Hindi pa nga tayo magkakilala." Mukha ka namang matalino bakit ang hina mo rin umabsorb?Humarap siya sa akin.

"I'm Cloud Buenavista. 19 years old. I live here. My parents are living abroad. I am the only heir to our international business company so that follows that I am rich and famous. If I want something, I get it. I don't like noisy people. I don't like people commanding me. I don't like people who are against my will and  I don't like you."

"Hey! For your information hindi rin kita gusto no!" kapal much. Hindi porket gwapo, lahat nasa sa'yo.

"Exactly. Kaya nga ikaw ang magiging girlfriend ko diba? Oh ayan, your turn. Nagpakilala na ako. Bilisan mo, I don't have all the time in the world."

Grrrr.

"Ayoko nga. Aalis na ako. Ibigay mo sa akin yung mga gamit ko." Patigasan na lang ng ulo. In that case, mas lamang ako.

"From now on, you'll be my girlfriend."

Napamaang ako. Schucks! Makakatiris ako ng tao. Ano ulit ibig sabihin ng NO??

"AYOKO. Bakit ko gagawin yun? Duh?"

"Kasi babayaran kita." Cool na sabi niya.

"Wag na. Basta ayoko." Hindi ako cheap.

"25,000 a month plus scholarship sa Chantelise Academy, a car, an apartment na lahat sagot ko ang bill."

O____O

In fairness, Chantelise Academy is a prestigious school. Hindi cheap ang inaalok niya. Kung um-oo na kaya ako.

"S-Sige... Hindi. Ayoko." Bawi ko. Hindi ako taong basta-basta pumapayag.

Inilabas niya ang celphone niya at may binasa. Nakakalula naman yung gadget. Halatang mamahalin. Siguro pudpod na ang mga kamay ko sa trabaho eh wala parin akong ganyan. Ingget.

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon