She giggled, “thanks”, tas umalis na siya sa harapan ko.

 Napalingiw nalang ako.

Naalala ko, di ko pala dala ang phone ko. Syet, panu na yan? Kailangan kong umuwi kaagad. Gusto ko pa sanang maggrocery kaso hindi pwede.

Maya-maya’y sinerve na din yung iorder ko kaya naman nagsimula na akong kumain.

Pagkatapos ko, tinawag ko yung waitress at binigay na sa kanya ang bayad.

I licked her ears, “Keep the change, honey” tas umalis na ako at bumalik sa condo. Nagtaxi na rin ako, magka-appendicitis pa ako eh.

……………………..

Pagkadating ko sa room ko, agad kong hinanap ang phone ko. Nung mahanap ko na, inunlock ko ito at tinignan. Pag may bago ako costumer natawag naman sila eh, eh wala namang missed calls kaya okay lang, pero 3 messages received. Binuksan ko ito.


Parehong unknown numbers.

Sa unang message:

Hi. Ako po yung nanghingi ng number niyo sa Manila Hotel.

Yun lang ang laman ng message.


Pangalawang message:

I heard so much about you. I want to hire you if you want. How much?


Pangatlong Message:

I’ll wait for your call.

Tinignan ko ang time nung mga texts. Kagabi pa pala yun. Kaya naman hindi na ako nag-atubiling tawagan siya.



Calling +63909…….

 

 

Nag-aantay ako na pipick-upin niya. Napatingin ako sa wall clock ko. 6:50 na pala.

Nagriring naman.

Maya-maya’y sinagot niya din.

“Hello. Good Morning, I thought hindi ka tatawag”, bungad na sabi niya sa kabilang linya.

“Hey. Morning din. So, about what you texted last night. When would you want it to happen?” tanong ko sa kanya.

“Are you free tonight?”

“I’m free if you want it to happen tonight”, ayokong i-disappoint ang costumer ko. Kung kailan nila gusto, nagkocomply naman ako.

“Okay… Your place or mine?”, tanong niya sa akin.

“I prefer my place”, sagot ko sa kanya.

“Okay, can I have the address?”

“Here”, may isinend ko sa kanya.

“Yan ang address ko, you can come here around 9”, sabi ko sa kanya.


“Okay, bye”, sabi niya hindi na ako sumagot at binaba ko na ang phone.

Shet! Alas 7 na….


Agad akong dumiretso sa banyo, naligo at pagkatapos lumabas at nagbihis. Kailangan nga palang maaga. Nga 15 minutes lang ang ligo ko. Hindi na ako nakapaglibag. Teka, erase erase, hindi ko na kailangang maglibag kase naman wala naman akong libag.

Bumaba na ako sa condo ko at nagtaxi papunta sa Moonlit Coffee Shop.

Pagkadating ko, “Oh pre, dumating ka na. Dali magpalit ka na ng uniform parating na daw si Gen. Manager”, bungad sa akin ni Rex.

“Okay”, sabi ko tas dumiretso na ako sa locker room at nagbihis.  Pagkatapos, lumabas na ako at humanay sa may pila.

Hinanap ko si Rex.

“Pre”, pinat ko siya mula sa likod.

“Oi, dito ka…” pinalapit niya ako tas magkatabi kami ngayon. Nasa likod ako.

“Pre alam mo bang may magandang anak na babae si Gen. Manager?” open niya.

“Hindi eh”, pagkibit-balikat ko.

“Nako… bukod sa sexy na. Ang successful pa sa career. Model yun ng playboy magazine sa US eh. Paglumuwas daw si Gen. Manager sa Australia para naman asikasuhin yung kompanya nila dun, uuwi daw yung anak niya at yun na daw muna magmamanage sa lahat ng Coffee Shops nila. Pero dito daw siya sa branch natin magiistay”, pagpapaliwanag niya sa akin.

“Kailan ba ang alis ni Gen. Manager?” tanong ko habang inaayos yung apron ko at yung tie.

“Matagal pa eh, aantayin pang magretire si Manager Perla”, sagot niya sa akin.

Ah pala, si Manager Perla pala ang branch Manager namin dito. Yung matandang dalaga. 48 years old na yun eh.

“Eh diba sabi ni Manager na saka na daw siya aalis pag may nangyaring maganda sa kanya dito?”, dagdag niya.

“Ano naman kaya yun?” tanong ko sa kanya.

“Aba’y ewan, baka gustong lumaki ang incentives na makukuha niya after retirement”, pagkoconlude niya.

………………………

Matapos naming mag-usap, saka naman dumating si Gen. Manager. Hindi naman siya medyo katandaan kung titignan. Eh syempre mayaman eh, 65 na nga pala yan.

 Pagkapasok niya nagbigay naman kami ng curtsy at tumuntong na siya dun sa may podium tas lumapit sa may microphone.

“Good Morning everyone…” bati niya sa lahat. Bumati naman kami in return.

“Magtatagalog nalang ako para maintindihan ng lahat”, tumigil ito. “Simula ngayon, magpunctuality check na tayo at loyalty check. Yung mga crews na nag-aout na wala pa ang supposed time na maga-out siya will find themselves fired out from this Shop. Maliwanag ba?” sabi nya sa harap.

“Kailangan disiplinahin ang lahat ng crew dito kase pinapaswelduhan kayo ng tama at marami pa  kayong natatanggap na incentives dito. Ayokong magsisi na hinire ko kayo. Kaya from now on, love your work at wag kayong nagaAWOL”.

Marami pa siyang sinabi… Blah… blah…

At sa wakas, natapos na din ang 1 oras at kalahati niyang speech. Pagkaalis niya, ang laking buntong-hininga ang binitawan naming lahat.


“Oi pre, narinig mo yun?” sabi ni Rex.

“Oo naman”

“Alam mon ng ibig sabihin nyan. Hindi ka na basta-bastang makakaout na hindi pa time”

“Oo nga eh. Bwiset na matandang yun!” sabi ko sabay cuss.

“So anu? Kamusta naman gabi mo?” pag-oopen niya.

Ayun kinuwento ko sa kanya ang nangyari. Usapang lalaki baga, habang nagpupunas kami ng mga mesa.

Natawa siya sa sinabi ko. Na-emasculate  daw ako ng isang cougar. I shut him up at nagpatuloy ako sa pagkukwento ko.

“Ang saya niyo atang dalawang magkwentuhan sa oras ng trabaho”, nakapamewang na sabi ni Manager.

Napatigil kami dahil kay Manager Perla.

“Realonda, sumama ka sa akin”, sabi niya sabay talikod papunta sa office niya sa may second floor.

Ibinato ko lang sa tabi yung rug at sinundan  siya.

…………………

Ano man ang mangyari, ramdam kong hindi maganda iyon…

Hospitality Man Series I: His Babymaker ClientWhere stories live. Discover now