Her POV

23 0 0
                                        


Kuntento na akong matitigan siya mula sa malayo.

Kuntento na akong makita ang mga ngiti niya na umaabot hanggang sa kanyang mga mata.

Kuntento na akong makita siyang masaya sa piling ng iba.

Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa mga naiisip ko. Mabuti pa siya magiging masaya, samantalang ako, heto at nasasaktan at nanghihina.

"Huy! Kanina ka pa nakatulala dyan sa bintana. Ano bang tinatanaw mo dyan?" Agad kong pinunasan ang mga luha ko.

Hindi ano kundi sino.

Ngumiti ako at nilingon ang pinsan ko. "Wala naman. Nabobored na kasi ako dito eh. Tignan mo puro kulay puti lang nakikita ko dito kaya mas magandang magtingin-tingin muna ako dito saglit." Pinag sa walang bahala niya lang ang sinabi ko at may nilapag na pagkain sa lamesa.

"O heto, may binili akong pagkain. Alam kong paborito mo ito kaya dumaan muna ako saglit para ibili ka. Tara kain na tayo! Gutom na rin ako eh."

Lumapit ako sa kanya at tinignan kung ano ang dala-dala niya. Tatlong bff fries na may kasamang tatlong cokefloat, tatlong burger at tatlong chocolate sundae.

Bakit ang dami nito?

Tinignan ko siya ng mataman at wala naman akong makitang kasuspe-suspetsang plano 'tong pinsan ko. At anong tingin niya sa'kin? Patay gutom?

"Hindi naman ako pating na kailangan ng maraming pagkain at lalong hindi ko pa huling araw ngayon. Grabe ka sakin ha." Sambit ko habang kinukuha ang parte ko.

"Naisip ko lang naman na baka gutom na gutom ka na o kaya kinakain mo na yang puting damit mo o kaya naman bigla mo akong sunggaban pagbukas ko ng pinto kaya mas magandang marami akong panangga." Sabi niya sabay kagat sa burger. "At alam ko namang kulang sa'yo ang isa kaya tatlo na ang binili ko."

Inirapan ko siya. Ang tindi rin mag-isip 'tong babaitang 'to.

Nagkwentuhan na lang kami habang kumakain. Ang saya siguro sa mga pinupuntahan niya. Sabi niya nagpunta raw sila ng boyfriend niya sa Baguio noong isang linggo tapos noong isang araw naman ay sa Tagaytay. Pinakita niya pa sa'kin yung mga pictures nila na magkasama.

Ang sweet nila.

"Syempre hindi kita nakalimutan. Binilhan kita ng wallet at keychain." Kinalkal niya agad yung bag niya at iniabot niya sakin ang wallet na hugis strawberry at keychain na maliit na gitara.

"Hala ang cute!"

"Alam ko. Kaya nga 'yan ang binili ko eh. Galing ko diba?" Kahit kailan talaga may pagkamahangin 'tong isang 'to.

Abala ako ako sa pagtitig sa mga binigay niya nang biglang magring yung cellphone niya.

"Si Marco." Ngiting-ngiting sabi niya sabay pakita ng screen sa'kin na may nakalagay na Marco is calling...

Hindi siya magkandamayaw at kinikilig pa ang bruha.

"Sagutin mo na kaya iyan 'no? Hindi yung naninigas ka riyan." Agad siyang lumabas siya at sinagot ang tawag ni Marco.





Ang tagal naman nun makipag-usap. 5pm siya lumabas at 6:30 na! Grabe naman siya makipagtelebabad. Hindi ba sumasakit ang tenga nun? 30 minutes nga lang, namumula na tenga ko eh.

Bumalik na lang ako sa may bintana para maaliw. Ang ganda talaga ng mga ilaw ng siyudad. Ilaw mula sa mga nagtataasang buildings, ilaw ng mga poste at ilaw galing sa mga sasakyang dumaraan.

Surprise!Where stories live. Discover now