Chapter 12

497 13 11
                                    

Better this way

Hindi ko na pina alis si Vic. Mapilit sya eh. Nandito kami ngayon sa sofa, nakaupo at nanunuod ng movie. Pero mukhang iba ang pinapanuod nitong katabi ko.

"Stop starring at me!" Kanina nya pa kasi ako tinititigan. Nakakailang na din.

"Bakit naman?"

"Yung movie ang panuodin mo. Wag ako!" My ghad! Malulusaw talaga ako dahil dito sa taong to.

"Mas gusto kita panuorin kesa dyan." Sabi nito at ngumisi pa. Hindi pa din nya inaalis ang tingin nya sakin. Hindi naman ako makatingin sa kanya. Hindi ko kaya.

"Tumigil ka nga Ara! Paaalisin kita dito!" Kunwaring naiinis na sabi ko.

"It's okay. Hindi naman ako aalis." Mas lalo pa syang lumapit sakin. Kaya umusog ako.

"Don't come near me!" Pero mas lalo pa din syang tumabi at umusog ulit ako.

"Wag sabi eh! Layo!" Wala nakong mausudan. Kaya naman pinadausdos nya ang braso nya sa bewang ko. Kinilabutan ako.

"Hoy! Bawal yan!" Hindi ko alam kung paano ko pa sya naggawang sigawan kahit na ang totoo ay nanglalambot nako dahil sa braso nya na nakapulupot sakin.

"I miss you." Inilagay nya na ang ulo nya sa balikat ko at inamoy amoy ang leeg ko.

"I miss being this near with you. I miss your smell, I miss this place. Damn!" Hindi ko na alam itong nararamdaman ko. Ghad Victonara!

"A..ano b..ba! Layo nga!" Nauutal na sabi ko.

"Do you miss me too?" Letche! Oo! Namiss kita ng sobra!

"H..ha? H..hindi noh!" Pagsisinungaling ko.

"Kasi ako miss na miss kita."

"Kasalanan mo. Iniwan mo ako!" Totoo naman iyon. Namiss nya ako pero sya naman itong iniwan ako ng Basta basta!

"I know baby. I know! Kung hindi lang ako naging duwag! Sana ay hindi na tayo nahihirapan pa ng ganito. Sana ay hindi kita nasaktan ng, ganon!" Yakap nya na ako ngayon. Hindi ko maalis yung mga braso nya at ayaw ko din alisin.

"Bakit mo ba ako iniwan? Bat bigla kana lang umiwas?" Nung huli ko itong tinanong sa kanya ay hindi Nya pa ito masagot.

"Mahalaga paba yun?" Tanong nya na nakapag painit ulit ng ulo ko! Kaya naman pilit akong umalis sa mga yakap Nya!

"Syempre naman! I need answers Vic! I need to close that chapter of my life so that I can live for the present!"

"We can live in the present and forget the past Bang! Or we can also make our future." Hanggang ngayon hindi nya pa din kayang sagutin.

"Hindi mo ako naiintindihan. Pakiramdam ko hindi ako mabubuo hanggat hindi ko nalalaman yung mga sagot sa tanong ko!"

"Ang mahalaga naman ay yung ngayon Diba? Kung anong meron ngayon." Hindi Vic! Mahalaga din para sakin yung noon. Kasi hindi ka mabubuo kung Wala yun. You need your past so that you can peacefully live in the present.

"Anong meron sa inyo ni Den?" Kahit ito lang sa ngayon. Kahit ito lang yung sagutin nya.

"She's special to me."

"Eh ano ako?" Nakaka gago talaga tong isang to!

"Ikaw ang mahal ko." Idinikit nya ang noo nya sa akin. Sobrang lapit na namin dalawa. Na parang isang maling galaw ko nalang maghahalikan na kami.

"Mahal kita Bang, don't doubt that! Hindi ko alam kung Kelan pa, kung paano, pero alam kong mahal kita. Sigurado ako sa nararamdaman ko para sayo. Pinilit kitang kalimutan. Pero hindi ko naggawa. Para bang nakatatak kana sa puso at isip ko. Ang hirap mong burahin!" Hindi ako makaimik. Para bang nawalan ako ng lakas ng loob makapag salita Kahit na napaka dami kong gustong sabihin.

"I'm sorry for being a jerk! Mahirap din para sakin to. I want to give you all you want. But I can't give those answers to your questions. Ang hirap Bang!" Mahirap? Ano bang mahirap dun? Don't I deserve the truth?

"Paanong naging mahirap yun?" Hindi ko talaga sya maintindihan.

"Trust me baby. It is better this way. Its better na hindi mo alam ang dahilan. Hindi naman kelangan lahat ng bagay May sagot."

"Pero kelangan ko ng sagot. That is all I want! That is all I need!" Nakaka frustrate na sya!

"You will know it, soon. Not now baby! Hindi pa ngayon. Ayaw ko lang na.. Ayaw kong masaktan ka." Sinasaktan mo nako ngayon Vic! Hindi mo ba alam? Nasasaktan nako. Dati pa!

"Mas mabuti sa ngayon na hindi mo muna alam Bang. Just... just trust me baby! It is better this way!" Pagkatapos noon ay hindi nako umimik. Siguro nga. There's always a right time for everything.

They Dont Know About Usحيث تعيش القصص. اكتشف الآن