Stuck

513 17 1
                                    

A/N: Sorry for the long wait. Busy po sa election as SSG. At sa mga activities sa school. Bare with me guys.

Chapter 5

VSG's POV

Last day na ng contest dito sa Bora. At luckily naka abot kami sa finals, and makakalaban namin ang AdU. Mamaya pang 10am yung game namin. 6 palang, makapag lakad lakad muna. Lumabas ako ng cottage na tinutulugan namin ni Immi. Speaking of Kim, nasan kaya yun? Tss! Nagdate na naman siguro sila ni Mela. Naalala ko bigla si Den. Hindi pa naman kami, but she's special for me. Masaya ako na ganto lang kami. I hate commitments. Ayaw ko sa relasyon, dahil na rin siguro sa parents ko. Hindi ako naniniwala sa Marriage, o sa relationship. Kaya siguro, nangyari yun dati. Kasi duwag akong pumasok sa relasyon. Nakarating ako sa may dagat, umupo lang ako sa buhanginan. Medyo konti palang yung tao, kasi maaga pa naman. Ang ganda din ng panahon, hindi masyadong mainit. Tama lang.

"Hi miss!" Napatingin ako bigla sa likod ko. May tatlong lalaki na kumakausap dun sa babaeng nakasuot ng sobrang iksing short at sobrang nipis na damit. May damit paba to? Tss! What do you expect Vic? Beach to. -__- Napansin kong parang binabastos na yung babae. Teka! Si Bang yun ah! Si Bang nga! Akmang hahawakan na sya nung isa, nang bigla akong lumapit...

"May problema ba tayo dito?" Sabi ko at hinawakan ko yung kamay nyang hahawak sana kay Bang.
"Ano bang pakialam mo?! Sino kaba?" Yabang ah. Mukha naman homoerectus. Psh!
"Ikaw ang sino?! Bat mo hinahawakan tong Girlfriend ko?!" Hindi ko na alam ang sinasabi ko at lumalabas sa bibig ko.
"Ikaw? Hahaha! Di mo naman sinabi Miss, di pala tayo talo! Wag kang mag alala, magbabakla baklaan nalang ako. Babae din pala gusto mo eh!" Bastos to ah!
"Viccccccc!" Sigaw ni Bang. Di ko napagilan sarili ko. Kaya sinuntok ko nalang sya. Di ko din alam? Basta bigla nalang akong nainis. lintek! Ang dami pala nila. Kaya bigla ko nalang hinila si Bang at tumakbo kami na magkahawak ang kamay. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano to?! Letche! Pumasok kami sa isang stock room doon at nagtago. Hindi ko naman kasi kayang labanan yung mga lalaki dun. Babae pa din ako.

"Eheemm. Pwede mo na akong bitawan V...vic." Napatingin ako sa kamay naming dalawa. Hindi ko napansin hawak ko pa pala yun. Ang sarap kasing hawakan ng kamay nya, ang lam--! Wait! What am I thinking? Wth! Binitawan ko nalang bigla yung kamay nya.

Bang's POV

"Hi miss!" Sa paglalakad ko. May bigla nalang lumapit sakin na tatlong lalaki. Hindi ko nalang pinansin, dahil hindi ko din naman sila kilala.
"Anong pangalan mo sexy? Magisa ka lang ba?" Medyo naiilang nako. Kaya nung akmang aalis nako. Hinaranga nila ako.
"May kasama ako. Umalis lang saglit." Pagdadahilan ko nalang.
"Hmm. Mukhang wala pa naman sya. Sama ka muna samin." Sabi nung isa. Aba! Loko to ah! Hindi ko nga sila kilala tapos sasama ako?
"Ayaw ko. Sige. Alis nako!" Hahawakan na sana ako nung isa nang biglang...

"May problema ba tayo dito?" Nagulat nalang ako ng may biglang humawak dun sa kamay ng lalaking dapat hahawakan ako. At mas nagulat ako kung sino yung humawak.. si Vic!
"Ano bang pakialam mo?! Sino kaba?"
"Ikaw ang sino?! Bat mo hinahawakan tong Girlfriend ko?!" Ano?! Tama ba ako ng dinig? Sinabi nyang Girlfriend nya ako?
"Ikaw? Hahaha! Hindi mo naman sinabi Miss di pala tayo talo! Wag kang mag alala magbabakla baklaan nalang ako. Babae din pala ang gusto mo!" Yabang nito ah! Mas gwapo pa nga sa kanya si Vic.
"Viccccccc!" Nagulat nalang ako biglang sinuntok ni Vic yung lalaki. Kaya natumba ito. Di naman alam madami palang kasama yung bastos na yun. Bigla nalang nya akong hinawakan at tumakbo kami. Hawak ni Vic yung kamay ko ngayon! Magka...magka... holding hands kami! Waaaahhh. Pumunta kami sa isang stock room at nagtago para hindi nila kami makita. Hindi pa din nya binibitawan yung kamay ko habang nakatingin sya sa labas.

"Eheemm. Pwede mo na akong bitawan V...vic." Sabi ko nalang. Nailang kasi ako bigla eh.
"Ayos ka lang ba?" Tanong nya. Bat ba concern sya sakin ngayon? Eto kana naman Bang. Nag aasume kana naman. -___-
"Ah... Oo.. Salamat pala. Di mo naman kelangan gawin yun.." Totoo naman kasi. Kaya ko naman yun. Ang hindi ko lang malaman ay kung bakit nya pa kelangan sabihin na girlfriend nya ako!
"Wag mong intindihin yung sinabi ko kanina. Sinabi ko lang yun, para iligtas ka sa mga bastos na yun!" Mind reader ba sya?
"Tara na. Mukhang wala na sila." Sabi nya nalang. Bubuksan ko na sana yung pinto, kaya lang ayaw.
"Ayaw mabuksan." Sabi ko sa kanya. Pinatabi nya ako at sya ang nagbukas. Kaya lang ayaw pa din mabuksan.
"Nalock ata tayo dito." Sabi nya.
"Ano?! Hindi pwede!" Hindi talaga pwede! Kelangan namin makalabas, bukos sa finals na mamaya. Ayaw ko ng makasama sya. Hindi ko kakayanin. Nagmomove on nako eh. Tapos ganito? Makukulong kami sa room nato na kaming dalwa lang. Im stuck. At mas malala kasama ko pa yung taong pinipilit at gusto ko ng kalimutan. We're stuck! I am stuck with her... just like my feelings. Damn!

-
Salamat po sa mga nagbabasa nito. Di ko po inexpect talaga na may magbabasa. Im just 14, hindi pa ganun kagaling. But im doing my best. Enjoy! An1mo! 💚

They Dont Know About UsWhere stories live. Discover now