Chapter 1

3 0 0
                                    

          Nang makauwi siya sa biniling condo ng daddy niya ay agad siyang nagpahinga. Nagplano na siyang maglibot ngunit mukhang hindi niya pa magagawa sa araw na iyon sa sobrang pagod kahit na nakaupo lamang siya sa eroplano. Jet lag. Napagdesisyunan niya na lamang na matulog nalang. Pwede pa naman sa ibang araw niya gawin ang mga plano niya. Ngunit hindi niya maiwasang mag-isip ng mga bagay habang nagpapaantok.
    Kahit na namiss niya ang Pinas ay parang may parte sa kanya na ayaw niya na rito. Sariwa pa sa isip niya ang nakaraan na ayaw na niya sanang balikan. Ngunit dahil sa kanyang galit ay ang gusto niya na lamang gawin ay paghigantihan ang mga taong sumira ng buhay niya. It's been years since the hell of her life happened. Sariwa pa din sa isip niya ang pagsira ng lalaking unang minahal niya sa buhay niya. Ang dahilan kung bakit nasira ang paniniwala niya na may happy ending at first love never dies.
      

Never diesWhere stories live. Discover now