Chapter VIII - Housewarming Party

5.9K 84 18
                                    

Exam week na namin. Isiningit ko lang ‘to. Thank you sa maraming comments last chapter. <3 Fighting!

 

-Mia

 

 

 

 

 

 

 

 

KIM’S POV

 

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!”

 

“Hoy! Eto naman!” Naramdaman kong biglang kumalas ang mga kamay na pumulupot sa akin kanina. “Kung makatili ha. Can’t you recognize my voice? Magtatampo na talaga ako niyan.”

 

Pagharap ko… “Lintek naman eh! Bakit ka ba nanggugulat?!”

 

“Eh bakit ang suplada mo?”

 

“Eh  bakit ka rin kasi pasulpot-sulpot na parang kabute? At tsaka teka lang naman, ano… Bakit ka nandito? Akala ko ba, nasa China ka for a business trip?”

 

“Bawal bang umuwi sa sarili kong bahay? Tsaka alam mo ‘yun, hanggang China, ramdam na ramdam ko na gusto mong nandito ako.”

 

“Eeeee. Kapal ha. Sa tingin mo, ikinagwapo mo ang pagiging hambog mo? Hindi naman sa bawal kang umuwi sa sarili mong bahay pero kasi, may usapan tayong hindi ka uuwi. Alam mo bang ready na ang mga palusot ko sa mga bruhang pupunta rito mamaya? Tsaka bakit ka ba nangyayakap? Close ba tayo? Ha?”

 

“Hmmmn.” Umakto na naman itong parang nag-iisip. “Let’s just say na nag-eensayo lang ako para sa magiging role ko mamaya.”

 

“Role?!”

 

“Hindi ba’t magiging asawa mo na naman ako mamaya? I guess, we need a little practice so it would look real. What do you think?”

 

I just shrugged my shoulders. Lihim akong napangiti for three reasons. Unang-una sa lahat, hindi ko ini-expect na uuwi siya kahit pa sabihin nating gustung-gusto kong nandyan siya para ipakita sa mga kaibigan ko na I’m happy to be Mrs. Alexander Lim Uy. Pangalawa, may payakap-yakap pa siyang nalalaman! Nakakainis pero basta. Kakaibang boltahe ang tumatakbo sa mga ugat ko. Nakakatuwa na nakakaasar. At panghuli, pakiramdam ko, nasa isang munting teleserye kami. Our ‘relationship’ is just too good to be true.

Pagkatapos ng mahigit-kumulang sampung minutong pang-iinis niya sa akin, naisipan niya ring matulog daw muna para may energy siya mamaya. Akala mo naman, papag-araruhin ko. Samantalang, magpapaka-artista lang naman at magpapanggap na asawa ko. Napaka-gentleman ha. Hindi man lang naawa sa akin. Wala lang mang initiative na tulungan akong magluto.

Nothing Better (KimXi Fan Fiction)On viuen les histories. Descobreix ara