Chapter 31

31.1K 435 10
                                    

Cassy,

    Habang nasa kusina ako, isang kasama ko na lumapit sa akin. Pinatawag daw ako ni Madam at pinapaakyat sa may biranda nila. Bigla akong kinabahan, hindi na ako mapakali. Halos maihi na ako sa takot, sa isip isip ko, baka sa oras na to alam na nilang lahat kung anong mayron kami ni Enzo". Bago ako umakyat sabi ko sa sarili ko, "tanggapin mo Cassy ang parusa nila, kasalanan mo naman to kaya nararapat lang sayo to" . Huminga muna ako ng malalim bago umakyat sa taas. Nadaanan ko ang kwarto ni Enzo, sa isip ko, "sana okay ka lang". Mabilis na akong pumasok sa biranda sa itaas, naabutan ko si Madam na sa malayo nakatingin, kaya nauna na akong nagsalita.

"Madam pinatawag nyo po daw ako?.." nanginginig kung tanong kaagad.

"Yes Cassy, I just want to know what's happened at your place. Bakit nagwawala si Enzo na umuwi dito sa bahay?"..diretso nyang tanong.

"Hindi ko po talaga alam Madam, nagwalk out na lang po sya nung makita nya ang picture ni Tatay Jess ko po. Yun lang po ang alam ko Madam wala na pong iba pa.."paliwanag ko sa kanya.

"Alam ko Cassy na may nangyayari sa inyo ng anak ko. Ngayon ang tanong ko sayo Mahal mo ba ang anak ko?..diretsong tanong ni Madam ulit sa akin.

   Nagulat ako sa tanong nya, nangatog ang mga tuhod ko sa takot, hindi ko inexpect na may alam na pala sila tungkol sa amin ni Enzo. Pero bakit parang hindi sila galit sa akin at bakit hindi nila kami pinigilan? Dahil sa takot ko hindi ako napagsalit, tumango lang ako at yumuko dahil sa kahihiyan.

"Cassy alam ko na hindi mo maintindihan sa ngayon pero sana mapatawad mo kami balang araw at lalo lalong na si Enzo.Wala syang kasalanan , aksidenti lang ang nangyari lahat. Cassy ako na ang humihingi ng kapatawaran para sa anak ko.."malungkot na sabi ni Madam sa akin at parang kulang na lang lulunod na sya sa akin.

   Hindi ko naitindihan si Madam bakit sya humihingi ng tawad samantalang ako tong dapat humingi ng paumanhin sa kanila. Akong tong may kasalanan dahil niluko ko sila. " Ano bang nangyayari Cassy..."sabi ko sa sarili ko. Gusto ko sanang magtanong pero piling ko umurong ang dila ko at hindi na ako nakapagsalita. Umalis na si Madam, iniwan akong nakatulala. Mamaya maya pa sumunod na ako at lumabas ng biranda ng lutang, ng makasalubong ko si Doc. Juskolord!! hindi ko kaya tingnan si Doc, piling ko traydor ako, subra akong naguiguilty.

"Cassy iha, pwede ka bang makausap saglit..."agad na sabi ni Doc sa akin.

    Sa isip isip ko naman, "ohgod!!...eto na nga ba ang sinasabi ko. Lord tulungan nyo ako please, ikaw na bahala sa akin" lihim akong nagdasal.

"Opo Doc..."sagot ko na lang.

     Pumasok kami sa munting opsina ni Doc at pinaupo naman nya ako agad agad. Nakaharap si Doc sa harap ng malaking picture ng Tatay nya then nag umpisa magsalita.

"Ganito kasi yun Cassy, siguro naman hindi na lingid sa kalaaman mo na ang kalati ng bahay nato ay nasunog. Alam mo bang iyun din ang dahilan ng pagkamatay ng Tatay mo at si Enzo ang may dahilan kung bakit nasunog ang barn at ang kalahati ng bahay na to.."huminga ng malalim si doc.

    Ako naman hindi ko alam kung anong dapat kung maramdaman sa oras nato. Subra subra akong naguguluhan, nanginig ang buong katawan ko. Nag umpisa na ring pumatak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan, hanggang sa nagsalita ulit si doc.

"Cassy ang Tatay mo ang dahilan bakit buhay pa si Enzo ngayon. Binuwis ni Jess ang buhay nya para lang maligtas si Enzo sa sunog. Cassy iha patawarin mo sana si Enzo kung hindi dahil sa kanya buhay pa sana ang Tatay mo. Aksidenti ang nangyari Cassy hindi sinadya ni Enzo sunugin ang bahay at ang barn namin. Sa isang kalukuhan ginawa ni Enzo, pinagbabayaran nya habang buhay yun kasi hanggang ngayon hindi nya matanggap na may isang taong nagbuwis ng buhay nya para lang maligtas sya. At ang taong yun itinuring na rin nyang pangalawa ama. Cassy iha, I'm very sorry sana balang araw mapatawad mo kami lalo na si Enzo.."nagmamakaawang sabi ni Doc sa akin.

My First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon