Chapter 3
Kate's POV:
Good Morning. Eeeeeeh?! Mamayang hapon na ang acquaintace ball.
Mamaya pa naman eh. Wag kabahan Kate! Hooh! >:)
Lorraine calling..
Ano't agang-aga ay natawag to?
"Hello best? Ano?!"
"Samahan mo ako later. Pupunta sa salon." -Lorraine
"SALON? Anong gagawin dun?"
"Kakain, kakain. Malamang! Magpapa-ayos ng ating buhok at magpapamake-up." -Lorraine
"Saglit, anong magpapaayos ng ATING buhok?"
"Oo." -Lorraine
"Eeeeh? Ayaw. Ikaw na lang. Wala akong hilig sa ganyan teh!"
"Basta." sabi ni Lorraine with amusement sabay baba niya ng tawag.
Bastos kausap eh? Nakakalarkey. Ano raw? Magpapamake-up? Yuck. Hindi nga ako nadadait nun e.
Hayyyyy. Makapaligo na lang. -_____-
Natapos na akong maligo. Nagbihis na rin akey. Hala. Anong natututunan kong mga salitang pambakla? Nahahawa na talaga ako kay Lorraine.
"Anak, hinahanap ka ni Lorraine." -Yaya Geng
Lagot. Nadiyan si Lorraine. What to do? What to do?
"Sabihin niyo, nagbibihis ho ako."
"Osige." -Yaya Geng
Woooh! Safe. >o<
May biglang nagbukas ng pinto ng kwarto.
"Beeesssst!"
Walang iba kundi ang aking hinayupang bestfriend ko. >______<
"Hoy! Anong ginagawa mo dito? At bigla-bigla pang binubuksan ang kwarto ng walang paalam. Nagbibihis nga diba?"
"Nagbibihis ka pa sa palagay na yan? Parang hindi mo ako bestfriend ah?" -Lorraine
"Oh? Bat ka ba napadaan?"
"Yun na nga eh! Tara naaaaaaaa!" bigla niyang hinikit ang aking kamay
"Hoy. Saan tayo pupunta?!"
"Sa mall." -Lorraine
"Anong gagawin?"
"Meryenda sa Brownies Unlimited. Libre ko." -Lorraine
Mas mabuti kung ililibre mo na lang ako ng pera. Pero ayos na din dun. Peborit koooooo!
"Talaga? Sabi mo yan! Libre."
"Oo. Ako ang sasagot. Tara na." sabay pasok namin si kotse nila
Andito kami ngayon sa mall. Hinikit niya ako sa isang..
isang..
SALON? >_______<
"Hoy. Kelan pa naging salon ang brownies unlimited, best?"
"Ngayon." -Lorraine
Waaaaaaaaaah! Pilosopontasya. Kung hindi ko lang to bestfriend, kanina ko pang nasapak to.
Pumasok naman ako ng pilit dun sa salon.
Kinausap ni Lorraine yung baklang cashier.
"Tara na?" -Lorraine
"Idadamay mo pa ako diyan?!"
"Oo. Tara na kase." hinikit na naman ang maga kong kamay. Lalong namaga. Tsss. >O<
![](https://img.wattpad.com/cover/817013-288-k933635.jpg)
YOU ARE READING
What makes you Beautiful [ON-HOLD]
Teen Fiction"You don't know you're beautiful and that's what makes you beautiful. I like you just the way you are. Don't ever change a thing! When you smile, I almost die for happiness. You're beautiful deep inside."