N/N:
Oh yeah HAHAHA, yung nasa multimedia ay si 24.. Dahil addict na addict ako kay Siwon malaaaabs :) So by the way highway, sorry sa matagal na update dahil may pasok pa rin naman ang nagmamagandang author na ito hahaha.
Dedicated kay: Miaowu, thanks sa pag-comment sa Prologue! :)
Wait For Me 2:
Sean Linus:
"Luke.." Ang nailabas ng boses ko sabay tayo, ngumiti ito sa'kin, at nakita ko ulit ang mga ngiting mukhang inosente, siya lang kasi ang taong kilala kong may ngiting ganyan.
"Nag half-day lang ako ngayon para makasama ka, miss ko na kasi ang baby ko.." For four years, bakit ganun hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot ko, it must be concrete na pero bakit ganun?
"Ah hahaha, na-miss din kita, Saan nga pala tayo pupunta..?" Pasimple kong pag-iba ng pinag-uusapan namin, hindi ko kasi matagalan pag nagpapa-sweet siya o baka alam kong iba ang hinahanap ng puso ko..? Puta, sabi ko nga ba na wag ng isipin ulit si Stephen.
"Ako na bahala 'dun, uwi muna tayo sa inyo.. Pagod pa kasi ako, tulog lang ako sandali.." Anito sabay bigay ulit ng maganda niyang ngiti siyang tao lang ang nakakapagbigay ng ganitong feeling sa'kin, nararamdaman ko an g salitang kontento.
"Sige, mukha ngang pagod ka eh.." Balik kong tugon sa kanya, pagkatapos ay kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ko siya ng pawis.
"Sus, sweet mo talaga.." He chuckles.
"Kinikilig ka naman?" Natatawa ko ding balik.
"Oo naman, lahat ng tungkol sa'yo makes me crazy.." Tapos ay hinawakan niya ang cheeks ko and he give me a peck sa lips.
Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad, ramdam ko ang malamig na hangin na dala ng Amihan dahil Disyembre na din.. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganun nga ba ang utak ng isang tao, kung sino ang ayaw mo ng balikan dahil taken ka na eh siya naman itong bumabalik para ipaalala ang nakaraan na yun sayo.
I don't really believe in fairytales dahil para sa'kin, gawa lang yun ng isang tao at hindi diyos.. Sabi nga ng Prof. ko nung college, 'Life is full of Challenges and Life is a Choice..'
In the past 4 years ng pagsasama namin ni Luke ay hindi kami nag-sex.. He said na he respects me and he is willing to wait kung kailan ako magiging ready, ang weird man dahil sa karamihang relasyon na tumatagal ng ganito ay for sure tanggalan na ng virginity akalain mong natiis niya yun.
Sus, alam ko si Stephen lang naman ang gusto mong makauna sayo.
"Bakit ka nga pala nasa field kanina?" Tanong ni Luke sabay lingon sa'kin, kita sa mukha niya ang pagkairita at medyo inis ang tono ng boses nito.
YOU ARE READING
He's Waiting (COMPLETED)
Teen FictionHIS Trilogy: Side Story Maraming nagsasabi na, "true love waits". Pero hanggang kailan ka nga ba dapat maghintay lalo na at binigay mo ang pagkakataon sa iba? Ilalaban mo pa ba ang pag-ibig na alam mong walang pag-asa? © JayceeLMejica 2013
