Chapter 6: Repentance

Bắt đầu từ đầu
                                    

"What do you want to eat my princess?" Pambatang boses niyang tanong sa akin.

"Hindi bagay sa iyo. Wag ka ngang mag ganyan. Tsss." Agad naman siyang napatawa ng sabihin ko iyon. Ewan ko ba, bakit sila natatawa kapag lagi akong nagagalit! Nakaka-asar na talaga sila.

Habang kumakain, tinatanong niya ako ng mga boring na tanong, as in walang kwenta. Like, bakit cassandra pangalan ko. Bakit ang sungit ko. Bakit ang ganda ko. Hayssss.

"Ang dami mo ng tinatanong. Pwede ako naman magtanong?"

"Sure my dear princess."

"Close ba kayo ni Matt?" Agad kong tanong sa kanya na agad ding nakapag hinto sa kanya sa pag kain.

Akmang magsasalita na sana siya ng bigla kaming nakarinig ng pamilyar na boses.

"I heard pinag-uusapan niyo ako." Agad na sabi ni Matthew sa amin.

"Can I join?" 

Sabay kaming nagsalita ni Luke pero ang kaibahan lang, 'no' ang sinabi niya at 'yes' naman sa akin.

"Thanks Cass!" Agad na puri niyo at umupo malapit sa tabi ko. Kaya ako ngayon ang nasa gitna nila at silang dalawa naman ang nasa gilid ko.

"Hey! Close ba kayo ni Cassandra para tawagin mo siyang Cass?" Diretsong tanong ni Luke kay Matt.

"Luke, stop." Agad kong sabi sa kanya bago pa sila mag bangayan.

"Hindi kami ganoon ka close pero sisiguraduhin kong hindi lang kami magiging close ni Cass."-Matthew

Agad namang tumayo si Luke at hinampas ng malakas ang lamesa na nakapagagaw ng atensyon ng mga taong nasa loob ng cafeteria. 

"I would never let that happen!" Sigaw ni Luke at dinuro si Matt. Obviously, nahihiya na ako. Kaya agad akong tumayo sa hinila ang braso ni Luke palabas at nag-sorry kay Matt sa ginawang kahihiyan ni Luke.

Hinila ko lang siya ng hinila hanggang sa makarating kami sa likod ng dormitory.

"Why did you do that?! Nakakahiya yung ginawa mo!" Agad kong sinabi sa kanya.

"Hindi mo ba napapansin? Gusto ka niyang agawin sa akin! Hindi ko yun hahayaang mangyari. Damn it!"

Napatigil ako sa sinabi niya. At hindi ko alam ang susunod na sasabihin.

"Seryoso ka ba talaga sa akin Luke?" Tinignan ko siya ng may pagtataka sa aking mukha.

Hindi mawawala sa akin ang pagtataka sapagkat dalawang araw pa lamang ako sa paaralan na ito tapos, nagkagusto na agad siya sa akin? Gusto ko marinig ang katotohanan galing sa kanya, dahil hindi ko kakayanin na maloko ulit. 

Pagkatanoong ko nun sa kanya, ay agad naman siyang sumagot.

"Ano ba namang klaseng tanong yan Cassandra?! Kaya nga kita nilalayo sa lalaking iyon diba? Kahit bestfriend ko siya. Hindi pa rin mawawala sa akin ang mag-alala sa iyo." Pagpapaliwanag niya. Wala naman akong nasabi sa sinabi niya sa akin.

Wala akong nagawa at niyakap ko siya. Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa alaalang pilit na bumabalik. Agad naman din akong niyakap ni Luke na lalong nagpaiyak sa akin. Hindi ko maiwasan ang sakit na nararamdaman ko dahil ayoko na ulit maloko pa ng mga taong alam kong napamahal na sa akin.

"Why are you crying? May nasabi ba akong hindi maganda?" Tanong niya sa akin na may pagtatakang boses.

"Wala ka namang nagawa Luke. May naalala lang ako."

Habang umiiyak ako sa sakit nararamdaman, nanddiyan siya para patahanin at pakinggan ako. Dun ko napatunayan na hindi niya ako kayang lokohin. Hinding hindi niya magagawa iyon.

Money Can't Buy Love #Wattys2017Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ