Chapter Seventeen: "Sci-Fest"

Magsimula sa umpisa
                                    

"What's his problem? Bakit ang init ng dugo niya kapag magkasama kami ni Keiron?" Para akong baliw na nagtatanong sa sarili ko.  

I'm spacing out para mag isip nang dahilan and then a conclusion came into my mind.

"Oh my God! It can't be!" My eyes widened dahil sa conclusion ko.

















"Ilang taon na kayong magkaibigan ni Lance, Keiron?" Pang-ilang milyong tanong ko na kay Keiron. Nakaupo kami sa harapan ng aming subcamp group at nasa likuran ang labing limang estudyante. Kasalukuyang naming pinapanood na nagp-play ang ibat ibang pictures kung paano pinaghandaan ang Sci-Fest. 

Napatingin siya sa akin. Siguro nawirduhan na sa dami ng tanong ko tungkol sa kanila ni Lance. Ugh! Ayaw kasing tanggapin ng sistema ko ang conclusion ko kanina. Si Lance ay--- Oh God! Ni ayaw banggitin ng isip ko!

"Hehe. Never mind na nga." Nagpeace sign na lang ako. Siguro naiirita na siya sa akin at masamang pangitain iyon. Hindi puwede! Chos! 

Humarap ako sa big screen kung saan pinapakita ang slideshow ng mga pictures.

"Oy. Malapit na pictures natin together, Papa Kei." Hindi ko mapigilang kiligin nang oras na para ipakita naman ang mga larawan together ang faci at co-faci. Oh my! Kukuha talaga ako ng copy ng picture namin at ipapa-frame ko para ilagay sa kuwarto ko.

Bumaling ako sa aming likuran. "Tumili kayo kapag kami na ng Papa Kei niyo. K?" Suhol ko sa mga bata bago umupo nang maayos. Hihi!

Picture nina Kaezar at Brielle ang subcamp 23 at kami na ang susunod. Kyaah! Tatayo na sana ako para i-emphasize ang kilig ko nang maputol ang palabas. Aldjejfdlflhds! What the heck happen?!

"Ow, my fault." Hinanap ng paningin ko ang boses na 'yon and the devil's there wearing his evil grin. Nahulog niya 'kuno' ang netbook kung saan nangagaling ang slideshow. Alam ko sinadya niya. Buwisit!

Now, he proved it na hindi lang basta conclusion ang naiisip ko. Hindi pa rin matanggap ng isip ko but it's the truth. Impossible pero possible pala. Hindi ko aakalain na ang devil at mahilig sa babae na si Lance ay---- Kainis! Ba't di ko ba masabi?! Ni sa isip, hindi ko 'yon masabi. Baka ayaw pa talagang i-absorb ng utak ko. Okay! I need to talk to the devil na alam ko na ang lahat.











Maraming activities ang nangyari. Sa first day, naroon ang Sci-quiz Bee kung saan orally na sasagot ng mga Science questions ang bawat 2 miyembro ng subcamp. Hindi rin mawawala ang paggawa ng cheering at banners. At syempre may iba't-ibang games at pakulo ang mga PSYSC organization. At saludo ako kay Lance dahil roon. First day palang ay enjoy na ang lahat lalo naman ako kasi siyempre kasama ko si Papa Kei. Kinikilig talaga ako kapag tinatawag akong Mama Kia. 

"Mama Kia, I'm hungry." Lumapit sa akin ang batang babae na alam ko agad na freshman. Uhh! She's so cute and a baby type. Mamula-mula ang pisngi niya habang nakapig tail ang kanyang buhok. Siguro, iniisip ng batang 'to na kinder pa siya.

"What do you want to eat, Baby Tammy?" Ye! Since kami ni Keiron ang Papa at Mama, we thought na baby naman ang itatawag sa bawat members ng subcamp. Huhays! Ang dami naming anak. LOL.

Nakahawak siya sa kanyang tyan. "I want cookies and strawberry juice." Nakapout na sagot ni baby Tammy. Naramdaman ko ang paglapit ni Keiron. Busy kasi siya kanina sa pagbabantay ng mga babies naming gumagawa ng recycled thing na puwedeng gamitin sa pang araw-araw na buhay. Isa yun sa pacontest. 

"What's her problem?" Bakas ang worries sa boses niya habang nakatingin sa anak namin. Char! 

Hinarap ko siya. "Gutom daw eh. She wants strawberry juice and cookies." Ako na ang sumagot. Errr. Sa tingin ko, isang mabuting ama si Keiron in the future.

Unluckily Inlove With A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon