Problem 19 : When the truth is revealed

Start from the beginning
                                    

"I hate waiting." diin ni Winter. "Maghanap ka ng babaeng maghihintay sa iyo."

"I-I never once stopped thinking about you." mahina na sagot ni Aegis.

"Huwag ka ngang biglang susulpot tapos sasabihing gusto mo ako? We just met after those long years and how the hell would I believe you when you and I were the worst enemy before? Just stop with your pranks because I will never believe you again. Get out of my life! Please!" tumayo ulit si Winter.

"I have thyroid cancer." pagpipigil ni Aegis. Liningon lang siya ni Winter bago ngumisi ito.

"I won't fall for your pranks again. Maghanap ka ng maniniwala sa iyo." tsaka nagmamadaling nagpunta sa kanyang kuwarto si Winter.

Nang araw din na iyon ay nagpaalam muna si Aegis sa pamilya ni Serene nang lahat ay nasa hapag-kainan. Pinanood lang ni Winter ang pagalis ni Aegis dala-dala ang bagahe nito ngunit nagawa pang nginitian ni Aegis ito bago sumakay sa inarkilang sasakyan.

***

"Aba disperas na ba ng mahal na araw at nafefeel ko ang bad vibes mula sa babaeng yan?" dinuro ni Voice si Winter na tuliro at kanina pang nakatanaw sa ere.

"She also took my spot." reklamo ni H na nginuso ang karaniwan niyang puwesto kung saan siya natutulog parati.

"Hoy Chill tanungin mo nga kung may problema siya." utos ni Voice kay Chill na kasalukuyang nag-aayos ng mga paninda.

"Ba-bakit ako? Eh kung pagalitan ako?" takot na napailing si Chill. Sunod na napatingin si Voice kay Gig na nasa counter kaharap ng laptop nito.

"Too busy coding."

"Aba! Ako talaga?" tinuro ni Voice ang sarili at sabay-sabay na tumango ang tatlong binata. "Mas takot kayo sa kanya kesa sa sarili ninyong boss?"

"Your not my boss so basically I'm not forced to do your bidding." singit ni Gig. Napahinga ng malalim si Voice para kontrolin ang sariling pag-aalburoto.

"Tabi! Mga walang silbing lalake!" padabog na linapitan ni Voice si Winter ngunit habang palapit siya sa inuupuan nito ay humihina ang yabag niya at ang kaninaý galit niyang mukha ay unti-unting napalitan ng ngiti - pilit na ngiti.

"Kumusta ka na Sister?" pa-cute na tanong ni Voice. "Mukhang may iniisip kang malalim at sa puwesto ka pa ni H umupo kung saan diyan tayo namimingwit ng customer. You know dapat yung nakikita nila sa secret spot na yan ay nakakabighaning mukha ni H at hindi isang lukot na mukha ng isang binibining maganda." huminga ng malalim si Voice nang blangkong tumingin sa kanya si Winter.

"Wa-wala kang narinig sa akin. Joke lang yun. Go ahead lang sister upo ka lang diyan at sumimangot ka lang all you want." pagbabawi ni Voice. Liningon ni Voice sina H at Chill na sinenyasan naman siyang ipagpatuloy ang nasimulan.

"Ka-kailangan mo ba ng girl talk?" mahina na tanong ulit ni Voice nang napako sa kanya ang tingin ni Winter na para bang may nais talaga siyang tanungin ngunit agad na binawi ni Winter ang namumuong salita sa kanyang bibig.

"Ready akong makinig Si-sister?" sunod na tumalim ang pagkakatitig ni Winter sa kanya nang tumayo ito bigla tsaka dinampot ang nagulat na si Voice at hinatak ito palabas ng boutique. Mabilis na naglakad ang dalawa papunta sa isang malapit na cafe kung saan umorder ng mabilis si Winter ng iinumin na Americano.

Pagkalapag ni Winter sa inumin nila ay matalim na tinitigan nito si Voice.

"Tell me, what will you do if the person you liked comes back to you but all that person did to you in the past was to hurt you?" diretsong tanong ni Winter. Agad na napahawak sa dibdib si Voice.

Love CalculationWhere stories live. Discover now