CHAPTER 9 [THE PROPOSAL]

Start from the beginning
                                    

I sigh in relief. Buti naman, akala ko mamamatay na ko sa boredom dito e.

“Thank you Mr. Villas” bulong ko.

“Liam, call me Liam. Drop the formality. So relax and take this meeting as a usual friend conversation.”

Sabi nya at tuluyan nang niligpit ang mga gamit nya even his laptop na inopen nya kanina ay pinatay nya at iniligpit na din.

“We’re not even friends.” I said.

“So, let’s be friends then. Alam ko na hindi maganda yung first meeting natin. So… friends?” tanong nya sakin at inilahad nya yung kamay nya for shake hands.

Nag-aalinlangan pa kong abutin yun pero since may point din naman sya kaya tinanggap ko yung kamay nya at nakipagshake hands.

“Hmm bakit mo nga pala niligpit yung mga gamit mo?” curious kong tanong.

“Para maging mas kumportable ka.” sabi nya

“Oh, ok. Ganyan ka ba sa lahat ng nakaka-meeting  mo?” tanong ko ulit

“Minsan. Kapag beginner palang yung kausap ko.” sabi nya na pinipigilan yung pagtawa.

“Oo na! Ako na ang beginner. Tsk, yabang.” sabi ko sa kanya.

In fairness naman sa kanya, sya pa yung nag-aadjust. Siguro nga tama nga sila, mabait sya.

“Hmm Liam?” Nag-aalangan pa kong tawagin sya sa first name nya.  Tumingin sya sakin at naghihintay nang susunod kong sasabihin.

Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang nagsalita.

“I’m sorry dun sa pagtataray ko sayo nung first meeting natin sa hotel mo. Ikaw naman kasi eh. Tinawag mo kong unprofessional, alam ko namang late ako e, bakit kelangan mo pang ipagsigawan? Nakakainis ka nun! Tapos sikat ako pero hindi mo ko kilala! Nakaka-“ naputol yung sasabihin ko nung nagsalita sya

“Woah. Stop there Miss. Hahahaha. Nagso-sorry ka ba talaga? Kung nagso-sorry ka talaga, you just say I’m sorry and don’t reason out.” Sabi nya na na-aamaze sakin.

“Ok. I’m sorry. It just th—“ naputol ulit yung sasabihin ko

“Kakasabi ko lang. Ok, kalimutan na lang natin yun and I’m sorry din kung nasungitan din kita.”  He said with sincerity.

“So Aga, right?” he asked

“Call me Lira.” I said

“Ok then, Lira.” Sagot nya.

I don’t know kung bakit Lira yung sinabi kong itawag nya sakin, siguro dahil sa ginawa nyang pag-a-adjust at pag-intindi sa akin. Hayaan na nga, friends na naman kami.

“You asked me earlier kung bakit ko in-accept yung proposal mo. Actually, nung nakita ko na galing sa Heavenly Food Restaurant ang proposal hindi na ko nag-dalawang isip pa.” Sabi nya.

“Nakakahiya man sabihin dahil anak ka ni Chef Gee. I am dying to be one of chef gee’s apprenticed.” Medyo nahihiyang pahayag nya.

“Wow! Really? So you like to cook? Eh bakit hotel ang business mo?” tanong ko sa kanya

“Unang in-offer ng father ko yung pagmamanage ng hotel sa Ate ko. Kaya lang as I’ve said pareho kayong walang hilig sa business so after ko grumaduate ng collge, sakin nya pinasa. Pero culinary ang kinuha kong course sa De Lasalle.” dagdag pa nya

“Rival pala tayo ng school. I’m from Ateneo De Manila” nangingiti kong sabi.

“Oh? Kaya pala mainit kaagad ang ulo mo sakin.” pagbibiro nya

“So is it ok to ask you kung bakit hindi alam ng public na your Chef Gee’s daughter to think na sikat ka?” nag-aalangang tanong nya saakin

“Oh,yeah. Because I’m not proud to be his daughter. You know, I’m a public figure and madami na kong naging issue na hindi maganda. Sa madaling salita, I want to protect his good reputation.” I said and give him a sad smile.

“I’m sorry about that.” Sabi nya

“It’s ok.” sabi ko.

Dahil sa tanong nya, bigla kong na-alala yung deal namin ni Dad. Shoot! Bakit ba makakalimutin na ako?

Ito na yun eh. We’re friends na at gusto nya maging apprenticed ni Dad. Pwede ko yung gamitin para mapapayag sya sa deal namin. Kailangan ko syang mapapayag! Last chance ko na to.

“So Liam, nagtanong ka din naman ng personal sakin so para maging fair naman tayo, do you have a girlfriend or are you dating someone?” taong ko.

“I don’t have time for that” sagot nya

“Do you want to get married someday?” tanong ko ulit

“Of course. I want to get married someday. Why are you asking me that all of a sudden?” nagtatakang tanong nya

“What if I will ask you to marry me? Would you say yes?” sabi ko

“W-what? W-why?” tanong nya

“Just answer my question. If ever I will ask you to marry me would you say yes?” tanong ko ulit

“Maybe? Come on, you are good looking and kind? Kahit sino gugustuhin pakasalanan ka” sabi nya na hindi sigurado.

“So will you marry me?” tanong ko ulit.

“W—WHAT? Are you serious?”  tanong nya

“I’m dead serious! Papakasalan mo ba ko?” tanong ko ulit

“Bakit? Seriously Lira? This is our second meeting and you are asking me to marry you? Are you insane?” sunod-sunod na sabi nya

“Yes! Maybe I’m insane. Don’t worry after 6 months naman magdi-divorce din tayo. Kaya hindi ka matatali sakin. I’ll set you free after 6 months… promise.” Sabi ko sa kanya.

Nagmamakaawang sabi ko pala sa kanya, itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa.

Nagtataka sya sa mga sinasabi ko kaya para lalo syang maliwanagan sinabi ko sa kanya yung deal namin ni Daddy, kinuwento ko sa kanya nang walang labis at walang kulang.  And after kong sabihin sa kanya lahat ito ang natanggap kong sagot…

“Ano naman ang mga benefits na makukuha ko pag nagpakasal ako sayo? Hindi naman pwede na makuha mo ang gusto mo tapos ako wala?” tanong nya.

“Good question. Hindi ka naman mawawalan e, in fact magkakaroon ka pa nga. And I’m sure magugustuhan mo pa yung mapupunta sayo. Let’s say na kapag nagpakasal na tayo sa States. Ikaw na ang mag-ma-manage ng Heavenly Food Restaurant plus matutupad mo na din ang pangarap mo na maging apprenticed ni Daddy hindi lang apprenticed… SON-IN-LAW pa!” pangungumbinsi ko sa kanya.

“And after ng marriage? Babawiin mo?” naniniguradong tanong nya.

“Nope. Hindi ko babawiin yung business BUT… 50/50 tayo sa profit nitong restaurant. Since ikaw ang magmamanage at sakin naman talaga nakapangalan kaya dapat may hati din ako” sabi ko

“Unfair naman ata yun. 50/50? Eh ako lang lahat ang kikilos para mapalago ang restaurant?” sabi nya.

“Ok, ok fine! 40/50. Ano deal?” tanong ko.

Hindi muna sya nagsalita at parang pinag-iisipan pa lahat ng sinabi ko.

“I need time para pag-isipan yung offer mo Lira. Hope you understand hindi madaling magpakasal.” Sabi nya.

“Ok. Pero please, wag mo masyadong tagalan mag-isip. Almost one month na lang yung natitira sakin at alam ko naman na you’ve waited 6 years para lang mapansin ni Daddy. Wag mong sayangin yung opportunity” sabi ko sa kanya.

Umalis na si Liam at naiwan ako sa loob ng V.I.P room.

Sana lang talaga pumayag sya. Call me desperada pero I just want to make may father happy.

**********

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now