Queen Judith

165 6 1
                                    

Genre: Mystery
Archetypes: The Ingenue | The Corrupted Hero
Theme: Riddle

* * *

Why would he want to do this? No matter how hard I try, I cannot figure out why would he want to kill someone. Isa siyang pulis. Isang alagad ng batas. I admire him. He is my hero.

But he has now fallen. Wanted siya dahil sa pagiging sangkot sa panggagahasa at pagpatay ng limang babae sa iba't ibang taon at lugar. All of the victims have something in common – naka-relasyon niya dati.

Karelasyon? Nakakatawa lang. Ako ang girl friend niya ngayon. At oo, mukhang magiging biktima rin ako.

Muli siyang tumawa. "Gusto mo bang makalaya?"

Tango lamang ang sinagot ko.

"Sige. Pero sa isang kundisyon – i-solve mo muna ang code na ito." Inilapag niya ang apat na piraso ng baraha sa harapan ko. "Clue: iyan ang susunod na taong papatayin ko. Kailangang masagot mo iyan hanggang sa mamayang gabi. Kung hindi, mamatay ka."

Tapos, tumayo siya at iniwan ako.

Napatitig na lamang ako sa mga card – isang queen of heart, clover na number one, isang jack of diamond at isang number na spade.

Ilang oras na akong nakatitig doon pero wala akong maisip na sagot. Kanina ko pa napapansin na parang kiniskis ang petals sa magkabilang side ng clover kaya 'yong itaas na lang ang natira. May meaning kaya iyon?

Nasa gitna ako ng pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto at pumasok siya.

"Ito, baka sakaling makatulong sa iyo."

Inilapag niya ang isang itim at may kalumaang bibliya sa harap ko saka muling umalis.

Nagtataka kong tiningnan ang bibliya saka biglang may ideya na sumagi sa akin.

Naalala kong sinabi niya sa akin na ang jack of diamond ay si Hector of Troy habang ang queen of heart naman ay...

Mabilis kong kinuha ang bibliya. Saktong-saktong naroon ang libro ni Judith, ang queen of heart.

Hinanap ko ang Judith 11:2.

"Even now, if your people didn't insult me, I would never kill them."

Natigilan na lang ako. Ano'ng ibig sabihin nito?

Napatingin ako muli sa card at biglang sumagi sa isip ko ang jack of diamond.

Nakuha ko na ang ibig niyang sabihin at napalitan ng awa ang galit ko.

"I GOT IT!" bungad ko sa kanya nang bumalik siya ulit.

He smiled out of amusement. "Sige nga?"

Humugot ako ng hininga. "Gusto mong basahin ko ang bible verse na Judith 11:2, hindi ba? At dahil nilagay mo ang jack of diamond, naintindihan kong may psychological disorder ka. You're a psychopath. Ayaw mo nito but you cannot stop the urge to kill because your ex-girlfriends insulted you."

Lalong lumawak ang ngiti niya.

"I-Is it because..." Yumuko ako dahil nahihiya akong sabihin.

"Maliit ang tite ko?" Bigla siyang tumawa habang ako naman ay namula sa hiya. "Oo, iyon nga. At sa lahat ng mga naging girl friend ko, ikaw lang ang di nanglait sa akin."

I know it. The first time we did it, he confessed na insecurity niya iyon but I have assured him na wala naman akong pakialam sa size.

"Love is not about sex. It's an emotional attachment... the feeling of fulfillment. Hindi pakikipagtalik ang fulfillment ko kundi pagkalinga mo," sinabi ko sa kanya. "And yet, here you are, plano mo akong patayin. Why?"

I got it. I am Judith. The bible said that Judith is the Achilles's heel of one of the strongest general of Assyrian Empire. In this story, I am the downfall of this fallen hero.

Muli siyang tumawa. Tapos, naglabas siya ng baril.

Napalunok na lang ako at napapikit. Ginapang ako ng takot at mukhang anumang oras ay maiihi ako.

"Napakagaling mo talaga, baby. Tama ka. Sadyang may urge lang akong pumatay sa nang-iinsulto sa akin. I'm a psychopath," sabi niya. "Pero dalawa ang mensaheng meron ang code na ito. Sayang lang, hindi mo nakuha ang isa pa."

Napadilat ako at nagtaas ng tingin. Natigilan na lamang ako ng mapansin kong namamasa ang kanyang mga mata.

"The upper leaf of the clover represents love. Hindi mo ba alam iyon?"

Natigilan ako saka muling tiningnan ang mga card.

"Judith, love, diamond—or precious gem, and spade—or pike, sibat na pwedeng pampatay," muli niyang sabi. "As in, Judith, I love you. You are so precious to me to be killed."

Napaawang na lamang ako sa sinabi niya.

"Judith, ang pumatay sa isang tusong heneral, at si Hector of Troy na pinatay ng ni Achilles na ang buong kagustuhan lang ay ipaghiganti ang kabarong pinatay ni Hector. Did you get it, baby?"

Hindi ako makapagsalita. Naintindihan ko. Ang susunod niyang papatayin ay walang iba kung hindi siya rin mismo.

Bigla na lamang bumukas ang pinto.

"SPO1 Guston, sumuko ka na!" sigaw ng isang pulis. "Ibaba mo ang baril mo!"

Pero hindi ito sumunod. Sa halip, itinapat nito ang baril sa sentido at kinalabit nito ang gatsilyo.

At binalot ng isang nakaririnding alingawngaw ang buong silid...

Catharsis III: Unveiling of the Last Man StandingTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang