Kasunduan

15 1 0
                                    

PAALALA:

Ang kwento ko ay purong katangahan. At lingid sa arok ng aking isip, bilang isang mambabasa, alam kong isa kang nilalang na biniyayaan ng utak na maraming puwang para sa bago at lumang kaalaman. Ang ibig kong sabihin, isa kang matalinong nilikha. Kaya bilang isang natural na 'damsel in distress(pabehbeh)' na bidang babae, nais kong iparating sa iyo na habaan mo ang iyong pasensya sa mga sablay na gagawin ko at mga magiging maling desisyon ko sa darating na takbo ng istorya.

Pero kung hindi mo nagustuhan ang aking tinuran, sa sulat na ito, mabuting wag mo na lang ituloy ang pagbabasa. Tinitiyak ko, maiinis at maiinis ka sa aking karakter na likha ng tunay na sumusulat ng aking piksyon na buhay.

PANUNUMPA:

Ako si Ynna Saine Magdusa, ang bidang babae sa istoryang pinamagatang, "Ang Babaeng May Kwenta (Death Game)", sa panunulat ng may likha, ay sumusumpang hindi susuway at nangangakong buong puso't kaluluwa kong ibibigay ang aking sarili sa istorya sa ngalan ng sining.

Ako ay lubos na nagtitiwala sa lumikha at kahit kailan hindi magsisisi at magpapadala sa kahit anong panghuhusgang ibabato sa akin ng mga mambabasa sa hinaharap.

Maraming salamat po, at lubos na humihingi ng pang-unawa.

YNNA SAINE MAGDUSA

TAKBO NG KWENTO/LARO:

Walang clue.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Babaeng May Kwenta (Game of Death)Where stories live. Discover now