Meron pang nangyari noon, pauwi na ako galing paaralan, malakas ang ulan dahil may bagyo. Nakaligtaan kong magdala ng payong kaya napasulong ako sa ulan. Bumaha 'yong daanan sa mismong harap ng paaralan namin. May huminto na sasakyan sa unahan. Nagulat ako dahil bumaba si Cholo at may dalang payong. Lumapit sa akin.

"Cutie, tara sumabay kana sa akin." Sabi pa nya habang pinapayungan ako.

"Kuya.."

"Teka, hawakan mo 'tong payong." Utos nya. Hinawakan ko rin naman. Bigla ba naman akong binuhat. Parang nagbuhat lang ng 3 years old na bata.

Napakagat ako ng labi. Kaya para feel na feel ko yong moment napakapit na naman ako ng todo sa kanya. Palibhasa payatin ako noon kaya bale wala sa kanya ang bigat ko. Ilan sa mga kaklase ang napapatili. At isa na doon si Oliver.

"Igatlan!!!" Sigaw nya. Mabuti nalang at di naiintindihan ni Cholo ang wikang Bisaya.

Alam kong inis na inis si Oliver sa akin.

Sa tuwing napapadalaw ako sa bahay nila; ang Lolo ni Cholo ang madalas akong kinakausap. Hindi ko alam at parang natutuwa ang matanda sa akin. Madalas n'yang sabihin..

"Mag-aral ka ng mabuti. At ng maging katulad ka ni Kuya Cholo mo. Hayy, maabutan pa kaya kita bago mag-18. Aba'y noong maliit ka palang madalas kana naming hinihiram sa nanay mo. Hindi pa man inuuwi si Cholo dito noon; ikaw na ang paborito namin."  Sabi ng Lolo ni Cholo. Wala man lang nabanggit sa akin sina Mader at Pader. Pero at least, masaya ako dahil natutuwa ang matatanda ni Cholo sa akin.

Minsan pa nga may naitanong sa akin ang matanda; Noong nakita nila akong pauwi ng bahay. Tinawag nila ako upang dumaan sandali sa bahay nila.

"Uday, kung magkaboypren ka si Kuya Cholo mo nalang ha?"

Napakunot ang noo ko.

"Matanda po sya sa akin." Sagot ko.

"Di bale na, lalaki ka naman eh."

Syempre kinilig ako ng husto kaya napa-Oo ako.

"Promise? Hindi ako nagbibiro." Sabi ng matanda. Pero parang may napapansin akong kakaiba sa Lolo ni Cholo. Parang bumabalik bata. Panay ang gawa nya ng eroplanong papel at kung anu ano pang disensyo na yari sa papel.

Magaling ang matanda gumawa ng Origami.

Napangiti pa ako. Alam ko nagbibiro lang sya. Sumingit din sa usapan namin ang Lola ni Cholo.

"Ayan kana naman..niloloko mo ang bata. Naku, pag narinig ka ni Cholo maaasar na naman sa 'yo." Sabi ng Lola ni Cholo.

"Mmmmm..naku, hayaan mo s'ya. Si uday nalang ang irereto natin sa kanya."- Lolo

"Tumigil ka nga. Ang bata bata pa ni Uday sinasali mo na sa kalokohan mo. Mamaya n'yan hindi na 'yan papupuntahin ng mga magulang nya dito." Saway ng Lola nya.

"Uday, promise me." Itinaas ng lolo ni Cholo ang kanyang hinliliit at nag-pinky promise ako.

"Ano yang nasa kamay mo?" Tanong ni Lolo.

"Bubble gum po. Ginagawa kong lipstick He he he he.." napansin nya ang ilang bubble gum na maliliit sa kamay ko.

"Pahingi." Sabi ng matanda. Tapos naglipstick sya sabay halik sa pisngi ni Lola.

Naglolokohan sila. Tawa ako ng tawa.

Tamang tama naman at dumating si Cholo noon. Sinumbong kami ni Lola kay Cholo. Napakunot pa ang noo ni Cholo. Tapos biglang tumawa.

"Cholo, kayo na ni Uday ha." Sabi ng Lolo nya.

"Uday, sige ikaw na ang girlfriend ko ha. Promise." Sabi ni Cholo. Kahit alam kong biro lang 'yon nakisakay ako. Thumbs-up ang sagot ko. Pumalakpak ang matandang lalaki.

PROMISEWhere stories live. Discover now