Totoong Ikaw at Ako

1 0 0
                                    

Marami ang nagtatanong sa atin ay nag-aabang.
Ano na nga bang estado? Iyon na lamang daw ang kulang.
Kanya-kanyang katanungan lahat sila'y nakaantabay.
Isang oo o hindi lang ang kanilang hinihintay.

Ngunit bago sagutin ang lahat ng katanungan.
Gusto ko munang klaruhin natin ang totoong nararamdaman.
Gusto kong malaman sa bibig mo mismo.
Kung talaga bang ang puso mo, ang laman ay ako.

Gusto kong tayo ay magkasarili.
Masinsinang usapan ang gusto kong mangyari.
Upang ako ay makasiguro na.
Kung tayo ba ay may aaminin na talaga.

Sa puso ko ay may takot na masisilayan.
Baka ang sagot mo ay di ko magustuhan.
Ngunit gusto ko pa ring maliwanagan.
Ano nga ba talaga ang tunay mong nararamdaman.

Bago ko pa man sinubukang magtanong sa'yo.
Naisip kong gumawa ng plano upang damdamin mo'y mapagtanto.
Sinubok kong alamin ang tunay mong damdamin.
Upang ang pusong ito'y mapanatag na din.

At sa panahon ng aking pag-oobserba.
Tila tama yata ang aking unang nakita.
Hinihiling kong sana'y maging mali ang konklusiyon.
Ngunit ang mga puso natin tila hindi magka-ayon.

Ramdam kong iba ang iyong nais.
Ibig mong magpatuloy sa sistemang di ko matiis.
Kahit batid mo ring ang sistema'y hindi patas
Ito'y di mo pa rin lilisanin at hinding hindi ka aatras.

Nalulungkot ako tuwing aking naiisip.
Totoong ikaw ay makakapiling lang sa isang panaginip.
Pag-ibig mong wagas maaring doon lang maranasan.
Sapagkat sa realidad ito ay tila hindi makakamtan.

Isa lamang ang aking pinakahinihiling.
Piliin mo sanang ako ay makapiling.
Maging mas matimbang sana ako sa pangarap mo.
Wag mo sanang hayaang mawala ako sa'yo.

Ang gusto ko lang ay yung ikaw mismo yung totoong nararamdaman mo.
Hindi yung sabi ng direktor o ng taong humahawak sa'yo.
Sana balang-araw ay mapagtanto ng iyong puso.
Mas masaya pa rin ang totoong ikaw at ako.

Writer @ Heart Presents:Where stories live. Discover now