Raven's POV
"Babe, why don't we take this relationship to another level?"
"What relationship are you talking about?"
"This.."
"Just to clear things, this.. this is not a relationship. Don't you think that commiting is so silly. Makuntento ka na lang sa ganito babe, no commitments, just fun. Okay?"
Habang nagmamadali akong isuot ang mga damit ko na kasalukuyang nakakalat sa sahig, hindi ko naiwasan na tingnan ang mukha ng lalaking kasama ko sa iisang silid.
Halata ang lungkot sa kanyang mga mata na parang hirap na hirap sa sitwasyong kinalalagyan niya, pero ang kanyang bibig ay nakangiti sa akin na parang nagpapahiwatig na hindi ito nasasaktan.
Umalis ako sa silid na iyon ng walang paalam matapos kong isuot ang aking mga damit.
"Commitments? Tss.. Nagpapatawa ba siya? " Sambit sa aking sarili.
Habang ako'y nagmamaneho, hindi mawala sa isip ko ang mukha niya. Naaawa ako, pero hindi sapat ang awa para baguhin ko ang nakasanayan ko.
Umuwi ako sa bahay kung saan mas gugustuhin ko na lang na huwag na lamang umuwi. Nakita ko ang isang babae na naghihintay sa harap ng balkonahe.
"Anak, tumawag ako sa opisina mo. Sabi nila 12am ka daw umalis dun. San ka ba galing anak?"
"Naglakad lakad lang" malamig na sagot ko sa kanya.
"Naglakad lakad ka lang? Inabot ka ng, siyam na oras kakamuni muni sa labas? Paano na lang kung may nangyari sayong masama anak?"
"Pwede ba Ma? Just let me fuckin' do the things I wanna do. Yun lang ang hinihingi ko. Ano pa bang gusto niyo? I already bought you a house, a car, I already get you diplomas. Ano pa Ma?!"
"Anak, All I want is.. a home, and a family."
"Family? There's no family in this house Ma, kahit kailan hindi matuturing na pamilya ang meron sa bahay na ito. Dahil una pa lang, sira na. Wasak na. Kaya wag mong hingin ang bagay na hindi ko na kayang ibigay sayo!"
Nagmadali akong umakyat papunta sa aking silid at iniwan ang aking ina na luhaan. Hindi iniisip kung siya ba ay nasasaktan ko na.
Naging bato na ang aking damdamin, habang ako'y lumalaki. At wala ng ibang dapat sisihin pa, kundi sila.
STAI LEGGENDO
Life Cycle Of Raven Renesse
Narrativa generaleLife is a glorious cycle of song, a medley of extemporanea and cycle of love is the thing that can never go wrong. Every life has it's own cycle of living. So, How can you live your life to the fullest when you know your life is cycled?
