"Pasensya na po ha andito kasi ako sa Coffee shop at nagttrbho po ako dito kaya hindi ko mahawakan yung phone ko." Sabi ko pero inirapan lng niya ako. Ano na namn bang problema ng halimaw na to at nagkakaganito na nmn to.

"Uhmmm Rhi, oorder kami sunod ka samin dun sa table ha?" Singit ni Chynna kaya tumango tango ako at nagpunta ng counter.

Naka order na sila lahat at andun na nga sila sa table sa dulo ang dami kasing nagpapa autograph.

Lumapit na ako at dala dala ang ibang orders nila. Tiningnan ko si Glaiza pero tahimik lng siya. Natalo kaya sila?

"Ngayon lng ba kayo dumating? Kamusta naman ang competition?" Tanong ko sakanila at halatang gulat ang mukha nila sa tanong ko. Anong masama sa tanong ko?

"So hindi mo alam?" Tanong ni Arci.

"Uhmmmmmm. Hindi eh." Nahihiya kong sagot saka ako tumingin kay Glaiza na ngayong masama ang tingin sa akin. Problema na naman nitong babaeng to.

"Hoi weirdo wala ba kayong Tv or internet?!" Ayon na nga po sinigawan na naman ako.

"Eh nasa school ako nung nag live kayo eh anong magagawa ko?!" Sinigawan ko na din siya nkakainis nag babangayan na naman kami haaayyy.

"Ops ops kayong dalawa tama na yan nagsisimula na naman kayo eh kakakita niyo pa lng." Awat saamin ni Danita. Mejo matured na tlg to mag isip siya lagi ang umaawat saamin. Yung tatlo kasi tinatawanan lng kami at enjoy na enjoy pa pag nagbabangyan kami nitong halimaw na to.

Tumahimik nlng ako at inirapan si Glaiza. Lakas ng topak ng babaeng to talaga nakoooooo!

"Kaya naman pala hindi mo kami binati wala ka palang alam heheheh." Sabi naman ni Arci. Teka nanalo sila?

"So nanalo kayo?? Pang ilan kayo??" Excited na tanong ko sakanila. At yung expression ng mukha nila plain lng. Ano ba naman to sila nahawa na ata dito kay halimaw.

"Actually champion kami Rhi....kaya ayun..." malungkot na sabi ni Chynna.

"Oh champion lng naman pala kayo eh...... te-teka champion???? OMG! Nag champion kayo??? waaaaahhhh! Congrats sainyo!" Pinag aakap ko sila sa mga likod nila. Proud ako sakanila noh ang galing talaga nila hehehe. Pero grabe ha kung makapag arte naman to sila na parang nalugi kanina eh nanalo naman pala hahaha.

"Hoi weirdo tama na yang akapan na yan!" Biglang sigaw ni halimaw. Hindi kasi siya kasali sa group hug bahala siya.

Natapos ang hapon na puro lng kami nag kkwentuhan. Nahuhuli ko naman si halimaw na panay sulyap sakin pero tahimik lng siya. Ano ba kasing problema niya. Nacoconscious na ko sknya kanina at hindi ko alam bakit yun ang naramdman ko. Haayyyy
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Oh bakit ka nakabusangot jan bessy ang aga aga." bungad sa akin ni Dyosa ng tumabi siya sa akin dito sa loob ng room.

"Haaaaayy basahin mo ito." bumuntong hininga ako saka ko pinabasa kay Dyosa yung message ni Glaiza.

"Oh anong problema dito? Niyaya ka lang mag dinner eh ayaw mo nun nakikipag kaibigan na yung tao sayo oh ang arte arte mo bessy ha." sabi niya saka niya binalik yung phone ko sa akin.

"Nakakapanibago kasi Dyosa eh. Alam mo yun? Bigla siyang nagiging mabait sa akin. Minsan. Madalas pa din ang pagiging halimaw niya tsss. Ewan, bahala siya pag iisipan ko muna." sabi ko saka tumawa si Dyosa. Ano naman tinatawa tawa nito.

"Alam mo bes may naaamoy ako sayo eh hahahaha." sabi niya kaya bigla kong inamoy ang sarili ko. Naligo naman ako ah grabe naman to siya pero binatukan ba naman ako?!

She's MINE (RaStro)Where stories live. Discover now