♥12♥

1.5K 96 23
                                    

Rhian's POV

Ilang araw na din ang nakalipas simula nung nagpunta kami ni halimaw sa bahay nila. Ilang araw na din ang nkakalipas na mejo natatahimik na ulit ang buhay ko kasi ilang araw na din naman nakalipas na wala ang Sassybox sa school. May battle of the bands kasing naganap at pinilit sila ng school na sumali. Hindi naman din sila tumanggi kasi gusto din naman nila yun, lalo na si halimaw at ang alam ko ginanap ito sa Palawan kaya talagang malayo at kelangan nilang mawala ng mga ilang araw. Mejo nkakamiss din yung halimaw na yun haaay manalo or matalo fan pa din ako ng Sassybox. Ang astig at ang sesexy kaya nila noh ang ganda pa ng boses ng lead singer nila aahaayyyy hahahahaha.

Si Liza naman lagi na namin kasama ni Dyosa kasi siyempre classmates kami eh at hindi pa din maiwasan ang madaming nagpapapicture sa manikang yun ang ganda ganda namn kasing babae ewan ko ba kung saan pinaglihi yun hahaha nkakainggit na nkakainis yung kagandahan niya kahit saang anggulo mo siya titingnan ang ganda niya sobra. Ang kulit nga niya kasi mahilig mag wacky pero pucha naman ang ganda pa din. 😑 saan ang hustisya.

"Bes, ngayon ang balik ng Sassybox ha. Ano kayang balita? Nanalo kaya sila?" Tanong ni bes Gee sa akin.

"Bes hindi ko din alam. Hindi naman nagttext sakin ni isa sakanila eh." Casual na sabi ko.

Pinalabas naman yung battle of the bands sa Tv eh ang kaso nasa school naman kami nung pinalabas ito at wala pa akong nasasagap na chismis tungkol sa competition nila kasi busy din ako dito sa Cafe namin.

"Pero kung talo sila okay lng naman at least diba sinubukan nila." Sabi ulit ni bes kaya tumango na lng ako.

Weekends at wala akong magawa kaya andito kami ngayon ni Gee sa Cafe as usual at si Dyosa?? Ayun nakipag date na naman dun sa boylet niya kaloka. Si Liza kaya asan siya, nahihya naman kasi akong mag message sknya.

Tooot

Napatingin ako sa cellphone kong nakacharge sa ilalim ng counter ng may nag text. Kinuha ko ito at nakita kong pangalan ni halimaw ang lumabas.

From: Halimaw

Saan ka?

Seryoso?? Ako pa talaga ang ttanungin niya kung asan ako kaloka to siya pero nireplayan ko nlng din.

Reply to: Halimaw

Nasa Coffee shop namin bakit?

Sent✔

Nag intay ako ng reply niya pero wala siyang reply kaya kibit balikat nlng ako at nilagay ulit ang phone sa ilalim ng counter.

3pm na kaya mejo may mga customers na kasi alam niyo na meryenda time heheheh kaya eto ako tinutulungan yung mga staff dito. Si Gee kasi umuwi muna at hinahanap siya ng mama niya hindi ata nagpaalam, pasaway na babae heheheh.

Maya maya pa nagulat nlng ako ng may nga tumitiling babae, andito kasi ako sa kusina kaya napalabas tuloy ako kung sinong poncho pilato ang pumasok sa Cafe namin at sa hindi ko inaasahan ang Sassybox ang pumasok. Kaya naman pala nagsitilan tong mga mahaharot na babae dito at talagang kilalang kilala na sila kahit sa public. Dahil na din siguro sumali sila sa battle of the bands or dahil taglay lng tlg ng Halimaw ang maging chick magnet. Aiiisshh ano ba yan anong chick magnet ang sinasabi ko hmmmpp.

Lumapit ako sakanila ng napansin kong may hinahanap si halimaw at alam kong ako yun hahahaha assuming ako noh? Pero malay mo naman diba kasi tinext niya nga ako kanina eh.

"Napadalaw kayo?" Ngiting tanong ko ng nakalapit ako sknila at nag beso beso kami maliban kay Glaiza na parang wala sa mood ang ichura.

"Tinatawagan kita kanina pero hindi ka sumasagot." Walang emosyong sabi ni halimaw kaya napataas ang isang kilay ko.

She's MINE (RaStro)Where stories live. Discover now