--2--

3.4K 107 4
                                    

Mermaid Spell

~♥~

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Yung tungkol sa sorcerer na Hack Woods daw ang name. Paano niya nagawa ’yung activity ko? There must be some kind of trick kaya nagawa niyang gumawa ng website gamit ang computer ko kahit na wala siya mismo dito. But this is insane, how did he manage to make it in less than five minutes? Meron bang ganun?

It takes hours kaya para magawa ’yun. Unless kung tatlo ang utak niya at sampu ang kamay niya. Gosh, curiosity is killing me.


Should I ask Sir Kazuki? Baka may alam siyang technique tungkol sa mga ganito. After all, graduate siya ng information technology. Imposibleng hindi niya alam ’to.

Sinulyapan ko siya. Tahimik lang siyang naglalakad sa unahan ko. Psh, hindi naman kami close kaya paano ko siya tatanungin? Hindi nga siya kumikibo diyan. Wag na nga lang.

Nakaka-ackward namang maglakad dito sa hallway ng kami lang na dalawa. Ang haba pa ng lalakarin namin huhu.


Wala pa kami sa kalagitnaan ng bigla nalang mamatay ang mga ilaw sa kisame dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at ganun din siya. Ang dilim na nang paligid waaah!

Sa sobrang dilim, natatarantang pinagpatuloy ko na ang paglalakad kaso nakalimutan kong nasa unahan ko pala si Sir kaya naman tumama ang mukha ko sa likod niya. Mabilis akong napaatras ng isang hakbang.

“Ay sorry po Sir! Madilim kasi!” bulalas ko.

Shems! Umaandar na naman ang pagka-clumsy mo Jewel!

Hindi umimik si sir. Bakit kaya? Hala! baka kinuha na siya ni shomba?

Shems! Yun pa talaga ang pumasok sa isip ko? Hindi ko kasi siya makita! “S-sir? N-nandiyan ka pa ba?” jusme, iniwan na yata ako ni Sir! Inunat ko ang mga braso ko para kapain kung nasa unahan ko pa si Sir. May nakapa naman ako ha. Bakit hindi siya nagsasalita?


B-Buksan nalang natin ang flashlight natin sa phone para makita natin ang daanan.” ayan may boses naman pala! Natakot lang siguro.

Pagbukas namin ng flashlight,  pinagpatuloy na namin ang paglalakad, mas malalawak ang hakbang namin kumpara kaninang may ilaw pa. Mabuti nalang talaga uso na ngayon ang may flashlight sa phone.

-.-.-.-

Naku sir! Nandito pa pala po kayo! Akala ko po wala ng tao sa loob kaya pinatay ko na ang mga ilaw. Pasensiya na ho.” paghingi ng dispensa nung guard ng tumigil kami sa harapan niya para pabuksan ni prof ’yung gate.


Very incompetent kuya guard haays.

Sinabihan siya ni prof na okay lang ’yun at habang nag-uusap ang dalawa, hindi ko maiwasang mapatingin sa madilim na building. Hindi naman kalakihan ang university namin. Puro mga rooms lang naman ito na may mga computers. Puro related sa computer kasi ang mga courses dito at wala ng iba.

Kung sakaling may nangtitrip nga sa akin, dapat nakita na siya ni manong guard o kaya naman dapat may iba pa kaming nakitang bukas na room. Pero wala eh. Sarado na talaga lahat. Patay na din ang mga ilaw.

Ibig ba nitong sabihin..totoo talaga si Hack Woods? Sorcerer talaga siya? Pero kung totoo talagang sorcerer siya, ano ang kailangan niya sa akin? Tsaka bakit ako? Bakit hindi yung iba? Bakit siya nangungulit sa akin? Bakit kilala niya ako? Ang daming bakit na naglalaro sa utak ko.

The Last MermaidWhere stories live. Discover now